KINASAL PALA SILA. Inampon sila ng iisang tao, pero hindi sila sabay lumaki. Magkaibang lugar ang kinalakihan nila, magkaibang buhay, magkaibang mundo. Nagtagpo lang sila nung malalaki na—mga taong hinubog na ng kani-kaniyang karanasan. Pero ganoon yata talaga ang tadhana. Kahit gaano ka pa katagal nang magkalayo, kung kayo, kayo. At sa isang tingin lang daw, nahulog agad ang loob ni Cade kay Erika. Parang pelikula lang. Walang patumpik-tumpik. Hindi na nagdalawang-isip. Ang mas nakakagulat? Hindi tumutol ang kanilang ama. Sa halip, natuwa pa raw ito. "Maganda rin naman na iisang pamilya lang. At least, kabawasan sa komplikasyon," ang sabi nito ayon kay Cade. Oo, crazy. Pero ang mas nakakabigla sa lahat ay hindi ang sitwasyon nila. Ang tanong ko ay: bakit sa akin niya ito lahat ikinu

