Bakit niya pinapakita sa akin ito? Galit ba siya? Ganito ba siya magselos? O baka… baka plano niya na ring… Huwag naman sana… Tumitig ako sa katawan. Napansin kong may hawak itong cellphone. Naka-on pa. Ang screen ay may contact name: MIGS ❤️ Napatigil ang paghinga ko. What the hell is going on? Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang magsalita si Cade sa aking likuran, ang malamig niyang boses ay tila dumaan sa kalamnan ko, nagpapakiliti ng kilabot sa aking gulugod. "This guy said to me that he wanted to live." Napalingon ako agad at tiningala siya. Nanigas ang katawan ko nang makita ko ang blangkong ekspresyon sa kanyang mga mata—parang walang damdaming nananahan sa kanyang kaluluwa, tila ba tao lamang siyang nilikha para pumatay, hindi para makaramdam. “Why?” Isang

