TOTOO BA ANG sinabi ni Cade? Patay na raw si Migs? Hindi ako makapaniwala. Parang binugahan ng hangin ang kaluluwa ko. I didn’t see it coming. Parang kailan lang ay bumubula pa ang laway ng lalaking iyon habang pasigaw akong minumura. Parang kailan lang ay iniiwasan ko siya sa kanto ng aming building dahil sa takot at hiya. Kahit galit ako sa kanya, kahit isa siyang halimaw sa maraming aspeto, iba pa rin ang bigat sa dibdib kong malaman na pinaslang siya. “He’s dead,” ulit ni Cade, ang lalaking may bughaw na matang hindi ko maintindihan. Cold. Sharp. Minsan parang lumulunod, minsan naman parang nanunuya. Pero ngayon, parang wala lang sa kanya ang balitang sinabi niya. “So,” idinugtong niya, “how come you spoke to him on the phone a while ago?” I froze. Fine. Oo, umarte akong parang ka

