NANLALAMIG AKO SA KABA nang makarating ako sa malawak na bakuran ng bahay nila Migs. Dito ako nagpahatid—hindi ko alam kung tama bang humarap pa ako. Pero kailangan kong harapin ito. Paano ko ipapaalam kay Ate Bonux at sa pamilya nila na ako ang dahilan kung bakit namatay si Migs? Na ako ang may kasalanan kung bakit siya pinatay ni Cade? Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa townhouse nilang up and down. Mula rito, tanaw ang itim na gate, ang mga potted plants ni Ate Bonux, at ang wind chime na bahagyang umaalon sa ihip ng hangin. Hindi ko alam kung malamig lang ba talaga ang simoy o ang bigat ng konsensyang bumabalot sa puso ko. Sa wakas, lumapit ako sa pinto. Tumigil ako isang hakbang bago ito marating. Nilabanan ko ang panginginig ng tuhod ko. Akma pa lang akong kakatok nang b

