MARAMI KAMING NAPAGKUWENTUHAN NI MIGS. Marami ring laway na tumilapon at nasayang. Ang ending, for the first time ay meron siya sa akin hiniling.
Isang buwan mahigit na kami, ngayon lang siya sa akin humiling. Kakaiba nga lang na hiling. Okay lang daw kahit hindi pa rin buo ang feelings ko sa kanya, pero gusto lang daw niyang maramdaman na kahit paano ay meron siyang pinanghahawakan sa akin. Na-shookt ako at hindi makapagsalita, lalo nang mag-emote na siya. Hindi niya na raw pala kaya ang trial lang.
Ang sabi pa ni Migs ay ako na ang gusto niyang makasama habangbuhay. Pagkatapos daw ng graduation ay magma-migrate na ang pamilya niya sa Canada, at gusto niya raw sana akong isama. Meaning, he wants to marry me. Pumalakpak naman ang aking tainga dahil pangarap ko ang makapag-abroad. Isa rin iyon sa mga plano ko, ang umalis ng bansa upang makaipon para makatulong at makabawi sa pamilya ko.
Maldita ako pero mabilis akong makonsensya. Kaya noong magsimula na siyang maluha habang nagmamakaawa ay naantig ang damdamin ko. Wala naman daw siyang ginawang masama sa akin, naging mabuti siyang trial boyfriend, at handa siyang pakasalan ako pagkatapos ng graduation namin. Ang hiling niya lang ngayon ay simple lang naman daw. He wants us to do the deed!
Hinintay kong pumasok muna ang bunso kong kapatid na si Danica sa kwarto nina Mama. Mukhang roon siya matutulog ngayon at hindi sa kwarto ni Ate Rose. Nang wala nang natitirang tao sa sala ay pumunta na agad ako sa banyo para maligo.
Malalim na ang gabi nang lumabas ako ng bahay.
Sinigurado ko munang tulog na sila Amang at Mama. Mahimbing na rin ang tulog ni Danica nang silipin ko ito. Si Ate Rose lang yata ang gising pa dahil nakita ko siyang pumasok sa kanyang kwarto matapos kumuha ng pipino sa kusina. Mahilig siguro siyang kumain nito?
Natanaw ko agad ang kotse ni Migs na nakahimpil sa di kalayuan. Huminga muna ako nang malalim at saka nag-isip-isip. Kaya ko ba ito? Paano kung malaman niyang hindi na ako virgin? Baka magalit siya sa akin?
Ilang beses pa akong napaisip hanggang sa nagpasya na akong tumuloy. Paglapit ko sa kanyang sasakyan ay pumasok agad ako sa passenger side. Prente siyang nakaupo sa driver seat. Hinas ang kanyang buhok at naamoy ko agad ang pabango niyang amoy banyo.
Sinipat ko agad ang kanyang panga kung naroon pa rin ba ang panis na laway niya. Nangasim ang aking mukha nang makitang naroon pa rin ito at naninilaw na. Pero pogi pa rin naman si Migs kahit ganoon.
Napalunok siya nang umupo ako sa tabi niya. Sa dibdib ko siya nakatingin dahil fitted ang suot kong sando na tinernuhan lang ng mini skirt.
"Tara na?" he asked matapos niyang buhayin ang makina.
Tumango ako sa kanya.
Pinaandar na niya ang kanyang kotse at dinala niya ito sa isang madilim at liblib na lugar. Panay ang lingap niya sa aking harapan bago pa niya inihinto ang sasakyan sa lugar na ito.
Seryoso? Dito talaga? Malaki naman allowance niya, ah? Hindi ba pwedeng dalhin niya ako kahit sa motel man lang? Pwede naman din akong mag-ambag kung sakaling kulangin. May singkwenta pesos ako rito sa wallet ko.
Pawisan siya at sunud-sunod ang kanyang paglunok nang humarap siya sa akin. "Ready ka na ba?" Nasa mga mata niya ang excitement. "Mahal na mahal kita, Chloe. I promise you, pananagutan kita. Magpapakasal tayo after our graduation. Isasama kita pag-migrate ng pamilya ko sa Canada."
Tumango ako. Mabait naman si Migs, magkasundo kami, at wala na rin naman akong balak kumilala pa ng ibang lalaki.
Humugot siya sa kanyang bulsa at inilahad niya sa akin ang isang condom. "Ikaw na ang maglagay."
Napalunok ako at pilit tumango muli. Nakakita na ako nito, iyong kay Cade noon kaya hindi na ito bago sa akin. Pero bakit ganito? Bakit parang ayaw kong makita iyong kay Migs? Bakit parang gusto kong manakbo?
Bahagya siyang umangat sa pagkakaupo at hinubo ang suot niyang pantalon. Naka-boxers na lang siya nang umupo muli siya. "Pakihubo..." utos niya.
I swallowed again. Kailangan ko na talagang burahin si Cade sa sistema ko. Erase! Erase! Sabay hubo ko sa boxers ni Migs.
Nakangiti siya sa akin habang pinagmamasdan akong nakatingin sa kanyang ano. "Ilagay mo na iyong condom, Chloe..."
"S-saan?"
Inginuso niya ang kanyang ano. "Dyan..."
Pero wala akong makita. Gusto ko na siyang tanungin kung meron ba talaga.
Matagal ko itong pinakatitigan. Wala kasi akong ibang makita kundi ang makapal na kagubatan. Ang mabuti pa ay mahagilap nga. Hinawi ko ito kaya ako nabigla.
Ito na ba iyon?! Ah baka madilim lang kaya di ko masyadong makita.
"Isuot mo na..." Iyong condom ang tinutukoy niya.
"Baka maluwag..."
Sumimangot tuloy siya. Ahg! Nakakainis! Ayokong mag-away kami ni Migs dahil sa kagagahan ko. Kailangan kong bumawi.
"A-ang mabuti pa ay maghalikan na lang tayo." Kumubabaw ako sa kanya.
Napangiti siya at namuo ang bula sa gilid ng kanyang bibig.
Wrong suggestion, Chloe.
Akma na niya akong susunggaban ng halik nang mapaatras ako. "S-sorry, Migs, nakalimutan ko palang mag-toothbrush kanina..." pagsisinungaling ko.
"Okay lang yan... ako rin naman..."
Patay.
I have to think kung itutuloy ko pa ba ito. Parang ayoko na talaga. Kahit pa wala na akong balak kumilala ng ibang lalaki, parang hindi ko rin talaga makita ang sarili na si Migs ang kasama hanggang sa pagtanda. Sa tingin ko ay malaking pagkakamali na pumayag ako gayong naguguluhan pa ang aking isipan.
Nakahanda na akong sabihin sa kanya na next time na lang nang biglang mag-ring ang cell phone ko sa aking bulsa. Isang unknown number ang nasa screen nang tingnan ko kung sino ang tumatawag sa akin.
"Sino yan?" tanong naman ni Migs. For the first time, ay nakita ko siyang nakasimangot nang ganito. Hindi ko alam na posible pala siyang magkaroon ng ganitong ekspresyon.
"S-si Mama," pagsisinungaling ko ulit. "H-hinahanap siguro nila ako. Nalaman siguro nila na wala ako sa kwarto ko."
Mula sa pagkakasimangot ay ngumiti si Migs nang malambing. "Wag mong sabihing uuwi ka na? May gagawin pa tayo, di ba? Pagkatapos ay paplanuhin pa natin ang future natin nang magkasama."
Pero buo na ang desisyon ko na ang ginagawa namin ni Migs ay isang malaking kabobohan. Kailangan ko na talagang umalis kaya nagdahilan na ako. "A-Ariel—este, Migs, kailangan ko nang umuwi. Ayokong mayari ako kay Amang. Alam mo namang mabait iyon pero kapag nagalit, nang-uumbag."
Ang lambing niya ay mabilis na nabura. Nagdilim ang kanyang mga mata.
"s**t naman, Chloe!" sigaw niya na ikinagulat ko. Unang beses lang ito na sinigawan niya ako!
"P-pero, Migs... baka mapagalitan ako ng mga magulang ko."
"What's really the problem, Chloe? Anong kulang sa akin? Lahat naman ginawa ko, ah? Naging understanding boyfriend ako, gentleman, at pinagtiyagaan kita kahit napaka-pakipot mo! Tapos ito lang ay hindi mo ako mapagbigyan? Damn, pananagutan naman kita, pero bakit mo pa rin ako tinatanggihan?!"
Daig ko pa ang sinampal sa aking narinig mula sa naglalawa niyang bibig. Hindi ko akalaing ganito pala siya.
"A-Ariel—Migs, iuwi mo na ako."
Ganito pala ang totoong siya! Hindi pala tunay na maginoo, hindi tunay na handang maghintay, at hindi rin tunay na mahal ako! Dahil kung mahal niya talaga ako ay hindi niya ako pipilitin sa bagay na hindi ko pa kayang ibigay!
Napabuga siya ng hangin. Matagal siyang bago nakapagsalita muli.
"Baba."
Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ko na galit siya, na nadisappoint siya, pero tama ba talaga ang naiisip ko na gusto niyang ipagawa sa akin?
"Bumaba ka ng sasakyan ko."
Nanikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga na para bang babawian na ako ng buhay. "P-pinabababa mo ako?"
Sa sobrang gulat ko sa naging reaksyon ni Migs ay umatake na naman bigla ang hika ko. Hindi ako makapaniwala sa kanya. Kaya nga siya ang pinili kong maging BF dahil ang buong akala ko ay mabuting siyang tao kahit pa palaging bumubula ang laway niya.
"Bingi ka ba?" Nanlilisik ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa akin. "Ang sabi ko, bumaba ka. Umuwi kang mag-isa!"
Tuluyan nang naglandas ang aking mga luha. Bakit siya ganito? Bakit niya ako ginaganito? Siya naman ang nagsabi noon sa akin na hihintayin niya ako, di ba? Ang sabi niya pa sa akin ay anytime! Na 'wag akong mapipressure? Pero ano ito? Pabababain niya ako sa isang liblib na lugar dahil lang galit siya?!
Kusang kumilos ang namamanhid kong katawan. Kahit wala ako sa sarili ay sinikap kong igalaw ang aking mga binti upang humakbang. Ni hindi ko na nga matandaan kung paano ako nakababa ng kanyang kotse. Basta ang natatandaan ko lang, nang isara ko ang pinto ng sasakyan, pinaharurot niya ito palayo sa akin.
Naiwan ako sa tahimik at madilim na kalsada. Sa isang liblib na lugar na ni hindi ko nga alam kung saang parte ng Cebu.
Breathe, Chloe, breathe.
Hindi na naman ako makahinga kaya nawala ang balanse ko. Namalayan ko na lang na napaluhod ako. Walang katao-tao, wala maski poste ng ilaw, at tanging liwanag ng buwan lang ang meron. Walang maaaring tumulong sa akin kundi ang sarili ko—ang kaso ay ni hindi ko na nga magawa pang tumayo.
Mula nang mas maging sensitibo ako ay bumalik na ang lala ng hika ko. Hindi ako makahinga na dahilan ng panghihina ko.
Katapusan ko na nga ba ito? Pinahamak ko na naman ang sarili ko.
At sa mga oras na ito na wala na akong pag-asa, bakit ang nasa nanlalabo kong balintataw ay siya?
Ang lalaking akala ko ay matagal ko nang kinalimutan, ay bigla ko na lang naalala.
Ang lalaking nagtataglay ng nakakabighaning bughaw na mga mata…
Si Cade.
Gustuhin ko man siyang makita sana kahit sa huling sandali, ay alam kong imposible iyong mangyari. Hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko na rin makikita pa ang aking pamilya—
Bigla akong napapikit nang may nakakasilaw na ilaw akong natanaw mula sa di kalayuan.
May paparating na sasakyan patungo sa aking kinasasadlakan!
Biglang may humintong sasakyan sa aking tabi. Isang lalaki ang iniluwa nito na hindi ko gaanong maninagan.
Binalikan ba ako ni Migs?
He lifted me at pinangko niya ako gamit ang kanyang mga braso. Naamoy ko ang kanyang pabango na agad nakapagpamulat sa akin. Dumagundong ang aking dibdib nang masilayan ko ang kanyang mukha. At kahit nakasuot siya ng masquerade ay kitang-kita ko ang bughaw niyang mga mata.
Hindi ako makapaniwala—lalo nang marinig ko ang malamyos na baritonong tinig niya.
"Breathe, Chloe... breathe."
Si Cade!
"I will be your air... so breathe..."