Chapter 6

1483 Words
CADE, ISA LANG BA ITONG PANAGINIP? Sa dinami-rami ng gabi na lumipas sa loob ng anim na buwan, may mga gabing hindi ko talaga maiwasang mapanaginipan siya. Si Cade. Yung lalaking iniwan akong puno ng tanong at walang paalam—tila multo na patuloy na gumagala sa isipan ko kahit pa sinubukan ko nang ibaon sa limot ang alaala niya. Ibinuhos ko ang sarili ko sa pag-aaral. Ginawa kong misyon ang maging perpektong anak, kapatid, at kaibigan. Lumapit pa nga ako kay Fau-fau noon para lang maibsan kahit paano ang sakit. Nagpakatatag ako, pinilit maging buo ulit. Pumasok ako sa isang trial relationship with Migs—isang mabait, maalaga, at responsableng lalaki. Pero kahit anong pilit, kahit gaano siya kabuti, may mga sandali pa rin na lumulutang sa isip ko ang mga mata ni Cade, ang boses niya, ang init ng mga haplos niya na matagal ko nang hindi nararamdaman. Para siyang sumpa—hindi ko matakasan, hindi ko makalimutan. Kaya ngayon, habang nasa mga bisig ko siyang muli, ang tanong ko lang ay: panaginip lang ba ito? Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang inaalalayan niya ako papasok sa kotse. Para akong isang babasaging porselana na ayaw niyang mapinsala. Banayad ang bawat kilos niya, punung-puno ng pag-iingat. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paghigpit ng pagkakayakap, na para bang matagal niya na akong gustong muling yakapin pero hindi niya nagawang gawin… hanggang ngayon. Mabango pa rin siya. Amoy sandalwood, parang yung pabango niyang gamit noong huli kaming nagkita. Mainit ang katawan niya, at kahit hindi ko hawak ang kamay niya, parang nadarama ko ang init ng palad niya sa balat ko. Ang bawat t***k ng puso niya ay ramdam ko—malakas, mabilis, parang may tinatakasan. Nasuot pa rin niya ang signature niyang itim na maskara, yung eksaktong design na suot niya noong gabing una kaming nagkakilala. Pero kahit may takip ang mata niya, hindi iyon naging hadlang para makita ko ang hubog ng kanyang mukha—ang matangos niyang ilong, ang matibay niyang panga, ang mapulang labi na bahagyang nakabuka. Diyos ko, mukha pa lang niya ay bumabalik na ang lahat. Sinara niya ang pinto sa gilid ko at marahan itong kinandado. Saka siya umikot papunta sa driver's side. Tahimik lang siya habang sumakay. Nang makaupo siya ay inilabas niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang leather jacket at ilang segundo lang ay nagsimulang mag-dial. Ikinurba ko ang kilay ko. Pagkatapos ng lahat, tatawagan niya ako kahit nandito lang ako sa tabi niya? Tumunog ang cellphone ko. "Unknown Caller." Nilingon ko siya. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatutok ang cellphone sa tainga. Halos kasabay ng ringtone ay narinig ko ang malalim niyang tinig sa kabilang linya. "Are you all right?" Nanigas ako. Pareho. Parehong-pareho ng boses. Siya pala ang unknown caller ko kanina—noong kasama ko pa si Migs! Pero bakit? Bakit hindi niya na lang ako kinausap nang harapan? Dahan-dahan kong sinapo ang dibdib ko. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko, pero ngayon ay hindi dahil sa takot. Iba na. May halong galit. Halong pangungulila. Halong… pagkalito. "O-okay na ako..." mahina kong sambit. Malamig ang hangin mula sa aircon ng kotse niya, isang malaking kaibahan sa alinsangan sa labas kanina. At kahit pa hindi ko lubusang maintindihan ang nararamdaman ko, ang isa lang ang malinaw: ligtas ako. Kasama ko siya. "Good," sagot niya bago pinatay ang tawag at ipinatong ang cellphone sa dashboard. Binuhay niya ang makina ng kotse at dahan-dahang pinaandar. Wala kaming imikan habang umaandar sa kalsada. Tahimik lang, pero ang loob ko ay parang binabagyo. Anim na buwan. Anim na buwang walang kahit isang mensahe, isang tawag, o kahit senyas na buhay pa siya. Anim na buwang ako lang ang naiwan sa gitna ng dilim, bitbit ang lahat ng tanong. Pero ngayon, nandito siya. Wala man lang pasabi. Walang paliwanag. Bigla na lang—nandito. Kumulo ang dugo ko. Hindi pwedeng ganito lang. Hindi pwedeng babalik siya sa buhay ko na parang walang nangyari. Hindi ako ganun kadaling tawirin na tulay. Kailangan kong malaman. Kailangan niyang marinig. Padabog kong kinuha ang cellphone ko at sinubukang tawagan siya pabalik. Pero... "Your account balance is insufficient to complete this call." "Ugh! Wala nga pala akong load!" bulong ko sa sarili habang mariing pinikit ang mga mata ko. Tumingin ako sa kanya. Kalmado pa rin ang ekspresyon niya, nakatingin lang sa kalsada habang nagmamaneho. Wala akong pakialam. Padaskol kong inabot ang cellphone niya mula sa dashboard. Tila hindi siya nagulat. Hinayaan lang niya akong kunin iyon, walang imik, walang reaksyon. Dinial ko ang numero ko. Tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon at ibinalik ang phone sa kanya. Kinuha niya iyon at marahang itinapat muli sa tainga niya, habang patuloy sa pagmamaneho. "B-bakit ngayon ka lang nagparamdam?" Kandautal ang tanong ko. Sa rearview mirror, nagtagpo ang mga mata namin. Tila tumigil ang oras. Ang mga mata niya—ang bughaw na mga matang iyon na dati kong pinapangarap na magising sa umaga—ay puno ng emosyong hindi ko maipinta. Inihinto niya ang sasakyan. Umalingawngaw ang katahimikan. "It's complicated," sagot niya. Complicated?! Parang status lang sa f*******:, ah! Lumunok ako nang malalim. Parang gumapang ang kuryente sa buong katawan ko sa simpleng sagot niyang iyon. "Anything you wanna ask?" tanong niya, seryoso ang tono. Sinikap kong maging matatag. "M-may BF na ako..." mahinang tugon ko. "H-hindi yata tama na magkasama tayo ngayon..." Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Chloe, totoo ba 'to? Gusto mong maniwala na hindi ka apektado? "Iyong BF ko, ano... mahal ako nun..." bulong ko, halos hindi marinig. "B-baka magselos iyon kapag nalaman niyang nasa sasakyan ako ng ibang lalaki… Ah... b-basta may BF ako." Humigpit ang hawak niya sa cellphone. Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "No, you don't have." Napakurap ako. "Meron! Migs ang pangalan niya!" Pumaling ang ulo niya. Ang tingin niya—matulis, mariin. Seryoso. "Totoo naman, ah..." pagtatanggol ko. Mas lalong umigting ang panga niya. "Break up with him." Boom. Just like that. Pinatay na niya ang tawag, sabay arangkada ng sasakyan. Halos mapasandal ako sa upuan sa biglaan niyang pag-apak sa gas. Tahimik pa rin siya, pero ramdam ko ang tensyon sa loob ng kotse. Bakit parang siya pa ang galit? Hindi ba’t siya ang nawala? Siya ang nagpaalam nang hindi man lang nagpaalam. Iniwan niya akong luhaan, lugmok, at tuliro. Hindi man lang niya sinagot ang tanong kung nasaan siya noon. Kung bakit siya nawala. Akala ko ligtas na ako mula sa kanya. Akala ko buo na ako. Pero ngayon… parang gumuho ulit ang pader na itinayo ko. Maya-maya, bigla niyang inihinto ang sasakyan. Napalingon ako sa paligid at saka lang napagtanto—narito na ako sa amin. Naiuwi na niya ako. Tahimik niyang kinuha ang cellphone at muling nag-dial. Tumunog ulit ang cellphone ko. Sinagot ko, nanginginig ang kamay ko. Hindi pa man siya nagsasalita, alam ko—hindi pa tapos ito. Bago ko ito sagutin ay napatingin ako sa kanya sa rearview mirror. "H-hello..." mahina kong bati, parang may bara sa lalamunan ko. Ang sagot lang niya ay ang malamig na titig ng kanyang banyagang mga mata—bughaw, matalim, parang hinuhukay ang buong pagkatao ko mula sa salamin. Nakatingin siya, pero hindi ako ang nakikita niya. Parang multo lang ako sa paningin niya. "Get out," malamig niyang utos. Napalunok ako, kinabahan. "Bakit? Hindi pa tayo nagkakakumustahan..." Pilit kong hinahabol ang koneksyon, kahit wala na yata. "I said… out." Hindi niya na ako tiningnan. Dire-diretso lang ang tingin niya sa unahan, parang ayaw niya akong maramdaman man lang. "Pero—" Hindi ko na natapos. Bigla kong narinig ang pag-click ng lock sa pintuan sa tabi ko. Automatic. Pindot lang mula sa gilid ng manibela. Nag-freeze ako. Para akong sinakal. Parang may gumuhit na malamig na hangin sa loob ng kotse. Ang dibdib ko’y nanikip, ang lalamunan ko’y parang tuyo. Bago pa ako tuluyang maluha ay binuksan ko na ang pinto at bumaba. Nagtagal ako sa tabi ng kotse, bahagyang yumuko para silipin siya muli. “Mag-iingat ka... at salamat sa paghatid.” Walang sagot. Lumakad ako paakyat sa may kawayang gate ng bahay namin. Ilang hakbang lang pero parang napakatagal. Hanggang sa narinig kong umandar ang makina at tumulak na palayo ang sasakyan. Nilingon ko pa siya hanggang sa tuluyang maglaho sa paningin ko. Doon ko na lang naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Napahawak ako sa puso kong tila nabiyak ng hindi ko alam kung bakit. Iniligtas niya ako kanina. Inuwi pa ako. Pero bakit gano’n? Imbes na saya, kalungkutan ang nararamdaman ko. Aalis na naman siya. Makikita ko pa ba ulit siya? At ano ba 'to? Dapat, limot ko na siya, 'di ba? Pero sa isang sulyap, sa isang saring tinig lang niya… parang bumalik ako sa simula. Hindi ko nga kilala ng buo si Cade. Pero daig pa niya ang may malaking bahagi sa buhay ko. Bakit gano’n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD