LEONARDO WAS right. Walang alam si Cade sa pakikipagrelasyon. Ang pagkakaalam niya, bilang kasintahan niya, ay comfort woman niya ako—o hindi naman kaya’y fuckbuddy. Nasaan na iyong sinasabi niyang “love me harder”? Eh, wala namang ibang hard sa kanya kundi iyong kanyang ano? Ano ito—gaguhan? Hindi ko kinaya nang marinig ko ang sagot niya. Kusang umangat ang aking mga palad upang sampalin siya. Subalit bago iyon dumapo sa kanyang pisngi, nasalo niya agad ang pulso ko. Kainis naman ang reflexes niya! His face frowned at me. “What the hell are you doing?” Nanghihina ako, pero nagawa ko pa ring bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Marami sana akong gustong sabihin, pero nawala na lahat ng salita. Naiwan na lang ay sakit at galit na hindi ko alam kung saan ibabaling. Pumihit a

