NAPAPALITAN KO NA ANG CHEKE NA BIGAY NI JOJO. Ipinahulog ko kay Fau-fau iyong one hundred thousand, at dinala ko naman kay Leonardo iyong two hundred. Hindi ako nahirapang hanapin ang matanda, dahil ipinasundo niya ako sa kanyang mga tauhan. Nakaabang na pala siya kung may mabibigay ako sa kanya ngayon. Akala siguro ng plakadong kilay na iyon na hindi ko magagawan ng paraan ang two hundred thousand pesos. Sorry na lang siya, dahil binigyan ako ng pera ng ampon niyang si Cade! Pagdating sa kuwarto kung nasaan ang matandang lalaki, ibinaba ko agad sa harapan niya ang handbag na kinalalagyan ng two hundred thousand pesos. Kinuha naman agad iyon ng isa sa mga tauhan niya. “Hindi niyo na po ba bibilangin?” tanong ko sa kanya. Ang hindi niya alam, binawasan ko iyon ng isang libo. “No n

