Prologue

673 Words
"Ate, pahingi pong barya" Nagulat ako sa batang babae na biglang kumalabit sa akin. "Wala akong barya dito ineng e" Lumungkot ang kanyang mata at naawa naman ako bigla. "Pero meron akong tinapay dito, sa'yo na lang oh" sabay abot ko sa kanya na ikinaliwanag ng kanyang mata. "Salamat ate, ingat ka sa pag uwi mo" at mabilis na tumakbo sa kung saan. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Naisip ko "Siya kaya may uuwian?"  huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. Maraming estudyante ang kanina pa gustong umuwi kagaya ko.  Nandito ako sa paradahan ng tricycle sa tapat ng school namin. Labasan na kaya sumakay na ako, pero kailangan pa ng isang pasahero para umalis. Dito ako nakapwesto sa angkasan at dalawa ang pwede umupo dito pati sa loob pero meron na sa loob kaya ang espasyo na lang sa tabi ko ang bakante. Mga ilang minuto din ay pinaandar na ang tricycle at doon ko napansin na may sasakay na pala kaya umusog ako para meron pang space sa pag upo niya. Ang bango niya. Lalaking lalaki ang amoy niya. Hindi ko siya tinitingnan, pero pansin ko ang pag sulyap niya sakin kaya naiilang ako.  Nakahinga ako ng maluwag-luwag ng mapansin kong malapit na ako bumaba kaya umayos na ako. Naramdaman ko na naman na nakatingin siya sakin.  "Sa kanto lang kuya" sabi ko kay kuyang driver. Tumigil na kami at handa na akong bumaba nang biglang.... "Aray, tangina" pabulong kong mura. Nahulog ako sa pagtayo ko dahil yung palda ko ay naupuan ng lalaking katabi ko. "Miss, okay ka lang?" tanong niya habang tinatayo ako. "A-ah, oo salamat" sabi ko ng di tumitingin sa kanya at inaayos ko ang palda ko. "Sorry, hindi ko napansin na naupuan ko yung palda mo" don ko lang siya tiningnan at di ko maitatanggi n na gwapo siya.  "Okay lang" at nag-iwas ng tingin at bumaling kay kuya driver sabay abot ng pamasahe ko. "Manong, bayad ko" aabutin na sana ni manong  "Kuya ako na babayad sa kanya, balik mo na lang sa kanya yan." Bigla naman ako nahiya, "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Ah, take that as my compensation sa nangyari." ha? "Wait, di naman ako humihingi ng compensation e. Atsaka hindi mo naman kasalanan." "I insist, please?" nagulat naman ako sa biglaan niyang pagmamakaawa.  "Ah sige na ineng hayaan mo na siya at may ihahatid pa ako" kaya wala akong nagawa kundi kunin ang binayad ko at hayaan na itong lalaking 'to ang buayad sa akin. "Sige ho" sabi ko kay kuya. Tumingin naman ako sa lalaki "Salamat" ngumiti lang siya, ang ganda ng ngiti niya kaya ngumiti din ako pabalik at tumalikod na para maglakad na pauwi. Naglalakad na ako ng biglang may sumigaw, "Kita tayo bukas, may bayad 'yon!" napalingon naman ako pero nawala na ang tricycle sa paningin ko. Gago ba siya, binayaran niya tas utang pala. Gwapo sana e sira ulo lang. Huminto ako sa tindahan ni Ate Ester,  "Ate pabili nga ng coke mismo" at iniabot ko ang bayad. "Eto oh" abot niya sa akin "May pagkain ka pa ba sa bahay mo? Puro ka softdrinks baka magkasakit ka" nag-aalalang sabi niya "Naku ate okay lang ako, uhaw na uhaw na din ako e, may pagkain pa naman po ako don"  "Siya sige, sabihan mo ako kung wala na ha para maipagluto kita"  "Yooon, sige ate. Thank you po" masiglang sabi ko. "Uwi na ako ate, thank you po ulit" sabi ko at naglakad na. Nang makarating ako sa bahay ay nawala ang ngiti ko. Ganito na siguro talaga palagi pag uuwi ako, wala man lang akong madadatnan dito sa bahay.  Wala akong kasama dito sa bahay tanging ako lang. Nangungupahan ako dito sa paupahan nila Ate Ester. Grade 12 lang ako ngayon pero wala na akong kasama sa bahay. Bakit ako mag-isa? Hays, mahabang kwento. Nagbihis ako at nagwalis dito sa salas ng tumunog ang phone ko. Mama:  Sam, hindi ka pa ba uuwi? Wala na dito si Papa mo, uwi ka na anak. Ayoko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD