Chapter 1

1616 Words
Kinabukasan, maaga ako nagising para maghanda sa pagpasok. Nakaligo na ako at nakakain na, aalis na lang.  Kinuha ko ang gamit ko at at sinarado ko na ang pinto. Naglakad ako papuntang highway para mag-abang ng masasakyan. Maaga pa kaya alam kong hindi ako mal-late.  "Neng, sakay ka?" sabi ni manong na tumigil sa harap ko. "Opo kuya, sa ICC po" sabi ko at sumakay na sa loob. Ako lang ang pasahero ni kuya, siguro mamaya ay puno na din ito pag may nadaanan pa. Binuksan ko ang phone ko, naalala ko ang text ni Mama sa akin kahapon. Napabuntong hininga naman ako. Ayoko na umuwi. Natatakot ako kay Papa. Kahit sinabi ni Mama na wala na si Papa sa bahay ay alam kong babalik siya.  Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan ay nandito na kami sa school. Bumaba ako at nagbayad kay manong, "Eto kuya, Salamat po. Ingat kayo" at naglakad na ako papasok sa gate. Wednesday ngayon kaya naka-pants ako at ang institutional shirt ng school. Dumiretso na ako sa lobby para umattend ng worship. Tradition na yon dito lalo na at catholic school ito.  Ako pa lang at ang isang kaklase ko ang nakapila sa section namin.  "Sam, ang aga mo a" sabi ni Allyza nung mapansin niya na nasa likod niya ako. "Kaya nga e, napaaga ang gising ko" Nagsimula na magdasal at mga ilang minuto pa ay nagdatingan na din ang mga kaklase ko.  Natapos ang worship, agad kong hinanap si Lei, ang bestfriend ko. Agad ko siyang nakita sa bandang likuran kaya agad ko siyang nilapitan. "Late ka na naman" Agad kong sabi sa kanya pagkalapit ko. "Late na din ako natulog kagabi e, napasarap ang nood ko ng anime" natatawang sabi niya. Napailing na lang ako sa sinabi niya at naglakad na kami papunta sa room. Lumabas kami ng lobby at nung nasa corridor na kami malapit sa room namin ay naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya lumingon ako sa gilid ko, nakita ko ang lalaking nakangisi at akasandal sa may poste.  Yung lalaki kahapon! Nandito ba siya para singilin ako sa utang ko sa kanya? Tsk. Hindi ko siya pinansin at akmang lalampasan ko na siya nang bigla niya akong harangin. "Hi, naaalala mo ba ako?" tanong niya. "Hindi." "Aw, grabe ka ha. Pag talaga may utang hindi na nakakakilala." "Sino ba may sabi sa'yo na bayaran mo?" "Yon, edi naaalala mo nga ako" "Ahm, excuse me. Sam una na ako sa loob ah?" singit ni Lei na may nanunuksong ngiti. Tsk. Ayos! Tumango lang ako at humarap sa lalaki. Dumukot ako ng bente pesos sa bulsa ko at binigay sa kanya, "Oh, bayad ko."  Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko, "Miss, di naman yan ang sinasabi kong bayad e" "E, ano?" "Hmmm" umakto siya na parang nag-iisip."Ah, alam ko na. Kain tayo, libre mo ako" "Ang kapal naman ng mukha mo! Bente pesos tapos ang bayad kain sa labas?" "Edi yung bente pesos na burger dyan sa McDo" "Ha? Meron ba non?" "Sa gilid ng McDo, I mean" natatawa niyang saad. Napansin kong pumasok na si Sir sa loob ng room kaya kailangan ko na din pumasok. "Pasok na ako" "Sige, mamaya ha" "Psh, bahala ka" Sabi ko at mabilis na pumasok sa room. Nakaupo na ako sa tabi ni Lei, hindi pa naman nagsisimula si Sir. "Hoy, ikaw ha. Hindi ka nagsasabi ha, may something pala sa inyo ni Shawn" Sinong Shawn? Teka. Yung lalaking yon? Yon ba si Shawn. Naririnig ko na ang pangalan niya noon pa sa iba kong kaklase. Pero ngayon ko lang siya nakita, siya pala yon. "Anong something na sinasabi mo d'yan?" "Sus, kunyari ka pa ha, kwento mo sa akin" At yon nga kinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.  "HAHAHAHAHA, ang epic mo pala girl e" Tsk. "Pero alam mo sa tingin ko tipo ka non" "HA?! AKO?! Malakas lang trip non" May sasabihin pa sana si Lei ng magsimulang magsalita si Sir. "Good morning my dear Fortitude" "GOOD morning Sensei!" bati namin pabalik sa kanya. "Okay, so wala tayong klase ngayon. We don't have our regular classes for three days." naghiyawan naman ang boys. "Don't be too excited, becuase you have a task." agad naman nagreact ang iba. "Only STEM students lang ang gagawa ng task na ito. And as a STEM students you need to be creative." "Sir, ano gagawin?" "Hmm, you need to entertain other strands. Gagawa kayo ng presentation na ihaharap sa kanila. You can divide yourself into 5 groups at i assign ang bawat group sa mga sections." "Sir para saan? Bakit may paganito sa ibang strand, e kami po?" "Well, the dean wants you to show other strand that Stem students are all talented and creative. And it's all part of the Strand Day. Which is everyday may mga naka-assign na araw para sa isang strand and that's their day, no classes and all." naexcite naman kaming lahat. "So, Kenneth? As President, ikaw ang inaasahan kong mangunguna sa activity niyong ito. You will start tomorrow morning. You have the all day para mag prepare." WAIT,WHAT? Bukas na agad ng umaga? "Yes Sir, makakaasa ka?" kenneth, president namin. "Okay, so I guess I'm done here. I'll leave you now and do your task. Goodbye." "Yes Sir, thank you po" sagot naming lahat. Lumabas si Sir at nagpunta naman si Kenneth sa unahan para magsimula ng brainstorming sa gagawing task. Makalipas ang isang oras ay nakapag desisyon na ang lahat at nakapag-assign na din siya kung saan kaming section.  Sa bawat group may kanya kanyang talent na gagawin. Ang unang group is a group of actors, where they need to provide a mini drama for their performance. Ang sunod na group ay, group of dancers, sa ngayon nagsisimula na sila magbuo ng dance step nila. And patatlong grupo naman ay ang mga artists, where they will show their talents in painting. At ang last group ay kami, kung saan kakanta kami para sa kanila. Apat na grupo lang ang nabuo sa amin dahil konti lang naman kami. Ngayon nandito kami sa may corridor ng mga kagrupo ko. Apat lang kami sa grupo kaya para mapahaba ang performance naming lahat ay kailangan naming kumanta ng solo. Kaya ngayon nag-iisip ako ng kakantahin ko. Kasama ko dito sa task na to si Kenneth ang president namin, siya din ang mag-gigitara, si Chin at si Yen. "May naisip na ba kayo?" tanong ni Kenneth sa amin.  "Meron na ako, The Prayer ang kakantahin ko" si Chin, hindi na ako nagtaka na mahirap na kanta ang pipiliin niya, magaling talaga siya kumanta at forte niya ang ganong klase ng mga kanta, ako kasi kumakanta lang hahahaha, sakto lang. "Ah, ako din" SI Yen. "Biyahe ni J-Roa" Nice. "Ikaw Sam?" tanong ni Kenneth sa akin.  "Ahm, All I Want ni Olivia Rodrigo" sagot ko sa kanya. "So, okay na. Practice na tayo. Sino mauna?" Kenneth. "Ako na, mahirap sa akin e" sagot naman ni Chin. "Okay, don muna ako sa canteen nagugutom ako" sabi ko sa kanila samantalang si Yen ay papasok na lang daw sa loob. Nagpunta ako sa canteen, wala pang recess kaya wala pang mga estudyante. Umupo ako sa isang mesa. "Ate apat nga pong siomai, fried po" sabi ko kay ate na nagtitinda. Tumango lang naman siya sa akin. Habang naghihintay ay pinatugtog ko muna ang kantang kakantahin ko, sinuot ko ang earphone ko para mapakinggan itong mabuti. Sinasabayan ko ito pag yung part na medyo nahihirapan ako.  Maya-maya lang ay inilapag na ni ate yung siomai. Tinimplahan ko naman na ang toyo na sasawsawan ko. Habang naglalagay ako ng toyo ay may bigla na lang umupo sa tapat ko. "Hi, Sam" nagulat ako kaya medyo natapon ang toyo. Tumingin naman ako sa harap ko at inalis ang earphone ko. "Ano na naman kailangan mo?" sabi ko sa kanya. Si Shawn. "Ang init naman ng ulo mo, may regla ka ba? Nakita lang naman kita mag-isa e, gusto lang kita samahan baka kasi nalulungkot ka" "What? Hindi ko kailangan ng kasama kaya pwede ba tigilan mo ako?" sagot ko sa kanya. "Tsaka, pwede bang tantanan mo na ako. Bente lang naman ang habol mo sa akin diba?" kinuha ko yung bente sa bulsa ko at pabatong binigay sa kanya. "Oh, ayan!" "Feisty babe, I like that" tsk nakakadiri. "Sa tingin mo ba 'yon talaga ang kailangan ko sayo?" "E, ano pa ba?" tanong ko. "Anong kailangan mo sakin?" "Your love, honey. I need your love" "Tigilan mo nga ako Shawn pwede ba? Anong love love pinagsasasabi mo?" "Oh you know my name pala? You know what? Ang sarap pakinggan ng pangalan ko pag sa'yo nanggagaling." malanding pagkakasabi niya, ew. "Hindi mo ako makukuha sa mga paganyan mo, kaya pwede ba tigilan mo na ako. Huwag mo akong idamay sa mga laro mo, Shawn. Ngayon mo lang ako nakita at nakausap, love love ka agad. Yes, I know you. I know you too well. I know you're a f*****g playboy! Kaya tigilan mo ako kasi hindi ako kagaya ng ibang babae mo na madali mo makuha! Dumbass!" Sigaw ko sa kanya, sapat na lakas lang para siya ang makarinig. "Then, tell me. How can I get you? Sam, I'm not playing. Seryoso ako. Seryoso ako sayo." "Hahahahahaha, gago! Minsan na akong naloko ng kagaya mo! Kaya pwede ba alam ko na 'yang mga paandar mo." "I know para sa'yo mabilis. Pero Sam, matagal na kitang sinusubaybayan" "What? You're stalking me? Gosh, you're creepy" tumayo na ako at umalis na sa harap niya ni hindi man lang ako nakakain. Napansin ko din na sinundan niya ako. "Sam, I'll prove myself to you. I promise." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD