Chapter 37 Natapos nang kumain ng hapunan sina Martin, Ivan at Nanay ni Luna ngunit tulog pa rin ito. Kanina pa hawak ni Martin ang kamay ni Luna at taimtim na ipinagdarasal na magising na ito at maging maayos lang sana ang lagay nito. "Nanay," nakarinig sila ng mahina ngunit buong tinig. Kaagad namang napatingin si Martin sa mukha ni Luna. "Gising ka na?" Tanong kaagad ni Martin na tila hindi makapaniwala. Kaagad namang lumapit ang Nanay ni Luna rito at hinawakan ito sa kabilang kamay. "Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa anak. Sinubukan namang bumangon ni Luna. Kaagad namang umalalay si Martin na mapaupo nang maayos si Luna at maisandal ito sa kama. "Ayos naman po, 'Nay," mahinang tugon nito. Kaagad namang inabutan ng isang basong tubig ni Martin si Luna. Ngumiti

