Chapter 38 Dalawang araw makalipas na ma-discharge si Luna mula sa ospital, nasa kwarto lamang siya sa bahay nila para magpahinga. Binilinan kasi siya ng Doktor niya na huwag munang sobrang magkilos sa loob ng isang linggo hanggang hindi pa niya nababawi ang lakas niya. Lalo na at dinugo siya. Kung pu-pwersahin daw kasi niya ang sarili ay maaari raw ulit siyang duguin. Niresetahan naman na siya ng pangpakapit. Wala namang kaso sa kanya, mas madalas nga siya inaantok kaya maya't-maya ay nakaka-idlip siya kaagad. Kahit paano ay hindi siya naiinip. Madalas din siyang silipin ni Martin kung ayos lang ba siya. Hindi na ito sinisinghalan ng kanyang ina sa tuwing nakikita, kaya walang pakundangan na ito kung lumabas at pumasok sa bahay nila. "May gusto kang kainin? May ipapabili ka ba, Luningn

