Chapter 32 Nang matapos si Luna ay tila wala pang balak ang mga ito na maghiwa-hiwalay. Naiinip na si Martin. Nababanas na rin siya sa mukha no'ng lalaking tinatawag ni Luna na Kel. Inakbayan no'ng Kel si Luna at narinig pa niyang tila inalok ito ni Luna. "Bukas ka na lang umuwi sa inyo. Dito ka muna magstay at magpalipas ng gabi. Marami pang alak kila Badong. Di'ba, Badong?" Alok ni Luna doon sa lalaking si Kel. Nag-init na naman lalo ang dugo ni Martin sa narinig. Inaalok ni Luna itong lalaking si Kel na matulog sa lugar nila? Samantalang hinayaan siya nitong matulog sa labas at pinapak lang ng mga lamok ang balat niya? Hindi na ba talaga siya mahal ni Luna? "Naku, parang nakakahiya naman yata 'yon, Luna," tugon pa ni Kel. "Hoy, huwag ka nang mahiya. Alam kong malayo ang binyahe mo

