Chapter 33 Lumipas ang halos dalawang oras, maya-maya pa ay si Badong naman ang dumating sa bahay nila Luna. Tila sinusundo niya ito. At nagulat na lang si Martin nang tatlo na silang lumabas sa bahay nito. Magkakasama sina Kel, Luna at Badong. Kaagad namang lumapit si Martin sa kanilang tatlo para awatin si Luna. "Akala ko ba masama ang pakiramdam mo kanina? Saan ka na naman pupunta? Bakit aalis ka na naman?" Sunud-sunod na tanong ni Martin kay Luna. "Kanina lang 'yon. Nakapagpahinga na ako. Gusto mo rin bang sumama? Pupunta kami kila Badong. May kasiyahan pa rin kasi ro'n hanggang ngayon. Baka naman sabihin mo hindi kita inaaya," tugon lang ni Luna sa kanya. "Siyempre naman, sasama talaga ako," mabilis na sagot naman ni Martin sabay dikit kaagad kay Luna habang naglalakad sila. May

