Simula ng pumunta dito si Erone ay hindi na talaga pumasok si Sherlie.Nasaan na kaya siya, dahil ba sa akin kaya hindi na siya pumapasok?
Gusto ko kausapin si Erone pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko nga kilala kung sino sa mga kaibigan ni... ni ano... niya, ang may hawak ng phone na pinangko-kontak sa akin.
Lumipas ang mga araw, parang wala akong buhay. Hindi ko alam pero nasaktan ako na hindi na ako babalik at muling magpapakita pa kay... sa kaniya. Hindi ko nga magawang bigkasin sa utak ko ang pangalan niya, ang pagrolyo pa kaya ng pangalan niya sa aking dila upang bigkasin magagawa ko? Hindi. Tatlong araw ang lumipas pero bumalik na ako sa katotohanan.
Parausan ka lang.
Umuwi ako ng bahay at tinulungan agad si nanay sa pag i-empake. Puro kahon na ang bahay namin dahil lilipat na kami ng bahay, sa bahay ni Tatay Samuel. Napaka yaman pala talaga niya, hindi basta basta na bahay ang lilipatan namin. Isang mansyon. Ngayong gabi rin namin makikilala ang pamilya ni tatay samuel kaya naman si nanay kinakabahan.
"Nay maligo ka na kaya?" Tanong ko. Nahahalata ko na kasi ang pagiging aligaga niya habang nag-aayos.
"Handali na lang mala-"
"Maligo ka na hindi pa naman tayo ngayon lilipat." Marahan akong tumawa. Gusto lang niya tanggalin ang kaba niya kaya nag i-empaki siya ng gamit.
"Kinakabahan ka ba na hindi ka magustuhan ng pamilya ni tatay dahil mas bata siya?" Biro ko sa kaniya at tukso sa kaniyang edad. Matalim siyang napatingin sa akin.
"Sinong nagsabi sa iyo na mas bata si Samuel? Mas bata ako sa kaniya ng tatlong buwan!" Giit nito. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano? Bakit mukhang- oh oh!" Natawa ako at sinalo ang binatong unan ni nanay.
"Nag mukha lang akong matanda dahil sa pagod at hirap. Stress dahil ako lang mag-isa..." napatigil ito. Parehas kaming nanahimik. Nakonsensya ako sa mga sinabi ko.
Buti na lang at tumunog ang cellphone ni nanay, naputol yung malungkot na katahimikan. Daig ako ni nanay naka iphone x siya. Mabilis na sinagot ni nanay ang tawag panigurado ine-expect niya na si samuel iyon.
"Hello samuel?" Hala si nanay pabebe sumagot. Nag ti-twist pa ang katawan akala mo naman teenager. "Mmm.. okay sige... sige. Oo na! Sige..." napatingin ito sa akin. Bumababa agad ang mata ni nanay at namula ang pisngi. "Mahal din kita. Bye."
"'La, ganun pang nalalaman." Nahiya ito at tinalikuran lang ako. Hindi ko mapigilang humalakhak.
Masaya ako para kay nanay.
Ikaw ba masaya ka sa sarili mo?
Napatigil ako sa paghalakhak. Lumitaw sa utak ko ang mukha ni Chad. Lalo na ang mukha niya tuwing lilitaw ang araw at maiilawan ang kaniyang hubad na katawan. Iyon ang pinaka magandang tanawin na nakita ko.
Pero tulad ng isang tanawin, hindi mo maaring angkinin. Hindi pwedeng mapa-sa iyo. Imposible.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Ganitong ganito ang pakiramdam ko nang mapagtanto ko na wala ng pag-asa sa pagitan namin ni Geofrey. Kabisado ko ang sakit. Damang dama ko ang sakit. Hindi ko makakalimutan ang sakit. Pero walang mas sasakit pa sa naramdaman ko kay Geofrey. Yung mahal namin ang isa't isa pero hindi maaari dahil maraming maapektuhan kapag nagpatuloy ang relasyon namin. Pinaraya namin ang isa't isa para sa nakakarami.
Alam ko sa sarili ko na may kaunting pagtingin ako kay Chad pero natatakot ako dahil alam ko... alam ko na walang makakatalo sa malalim kong pagmamahal para kay Geofrey. Kasuklamsuklam ako, isang babae na nakikihati sa isang may asawa.
Isang kabit.
*************
Magagarang pustura ang pinasuot sa amin ni tatay samuel. Parehas kami ni nanay na naka dress ngunit violet ang sa kaniya at may mahabang manggas. Sa akin ay black na halter dress. Ang kapatid ko naman ay naka suit, ang cute nga niya. Si Tatay Samuel ang nag-ayos sa kaniya.
Naririnig ko ang bulungan ni tatay at nanay pero hindi ko maintindihan iyon dahil napakahina. Nasa likuran nila kami ni Joshua. Hawak ko si Joshua habang nakasunod kami sa kanila. Hindi ito ang bahay ni tatay Samuel, di hamak na mas malawak ang mansyon na ito. Pumasok kami sa isang malaking pintuan.
Hindi na ito mansyon, isa na itong palasyo.
Nakarinig kami ng tinig ng isang babae. Bagamat hindi ko nakikita ang babae dahil na kaharang sila nanay ay may katandaan na ang boses nito.
"Oh my little brother is here." Malumanay ngunit puno ng kagalakan ang tinig nito. Niyakap nito si tatay. Nakakatandang kapatid ni tatay? "And you are the woman who tamed my untamable brother. Can I call you by your nickname, Divina? I am Rhona by the way." Hala nay English 'yan.
"Y-yes po, Rhona." Nautal si nanay nang sumagot ito. Nakita ko naman ang itsura ng kapatid ni tatay Samuel. May katandaan na nga ito siguro mga na sa 60's na. Nakikita ko siya dahil maliit si nanay kaysa sa kaniya.
Nasulyapan naman ako ng kapatid ni Tatay Samuel. Namilog ang mga ma
ta niya at bagamat napanganga ito ay hindi maitago ang ngiti nito.
"Is she your daughter?" Napatingin siya sa kapatid ko na hawak ko. "And you son? Look how beautiful they are. Come here." Sumenyas ang kamay niya na lumapit kami sa kaniya.
Walang ano-ano ay may halong hiya akong naglakad pa palapit sa kaniya habang hila ang kapatid ko. Parang may humahaplos sa puso ko, saya. Pamilya. Hindi ko alam pero ito ang pumasok sa utak ko. Isang malaking pamilya.
Naghiwalay ang mga kamay ni nanay at tatay samuel para bigyan kami ng daan. Niyakap ako ng kapatid ni
tatay samuel at hinalikan ang aking pisngi gamit ang kaniyang pisngi. Hinawakan nito ang magkabilang braso ko at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa na para bang ineenspeksyon ako.
"You are so beautiful sweetheart. What's your name?" May pagkamangha sa kaniyang mukha. Namula ang mga pisngi ko dahil medyo naiilang ako at nahihiya.
"Deanne po." Pabulong na sagot ko.
"Darling, stop embarrassing our soon to be niece." Dumapo ang mga tingin namin nang may magsalitang lalaki. Mula sa kabilang parte ng isang malaking kwarto na ito ay pumasok ang isang may edad na lalaki ngunit matipuno parin. Galing siy
a sa isa pang pinto. Masasabi ko na pinalilibutan ng mga pinto ang kwarto na ito.
"I am not, this is admiration and not humiliation." Pabalang na saad ng kapatid ni tatay Samuel.
Naglakad pa palapit ang matandang lalaki kila nanay.
"I still cannot picture out you getting married." Nagyakapang lalaki sa lalaki ang dalawa.
"Well, you don't have to picture it out. You will beholding man who swore to be a bachelor until his cold feet, tying the knot." Napasulyap ako kay nanay. Bakas sa mukha niya ang pagkalito dahil wala siyang naintindihan.
"Good evening ladies..." pagbati sa amin ni nanay. Bumaba ang mga mata niya kay Joshua at ngumiti. "And gentleman." Ginulo nito ang buhok ni Joshua.
Kinabahan ako. Malamang ay mga may pinag-aralan ang pamilya ni tatay samuel. Paano na lamang kung mahusgahan kami? Mukha naman silang mabait eh pero paano kung hindi? Maaagaw na naman sa amin ang kasiyahan. Napatingin ako kay Joshua na kanina pa tahimik ngunit nagliliwanag ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Ayaw ko na mawala ang liwanag na iyan.
"Where are our sons Philip?" Tanong ng asawa nito. Tanong ni Rhona kay Philip? O Tita Rhona kay Tito Philip? Pwede ko kaya silang tawagin na ganoon?
"Both waiting on the dinning room." Sagot ni Tito Philip. "So, come one everyone? Let's eat?" Biglang bumulong si Joshua.
"Yehey..." akala niya ay hindi siya narinig. Natawa kaming lahat at napagtanto niya na napalakas ang bulong niya. Sinubsob niya ang sarili sa legs ko.
Sinundan namin ang mag-asawa. May usapang matatanda na hindi na dapat ako nakikisawsaw. Tahimik lang ako at pinagmamasdan ang loob ng bahay nila. Puro printed ang pader, at ang mga ilaw dito halatang pang mayaman. Tapos may chandeliers na maliliit at may malaki rin. Hindi naman sa binaba ko ang tingin kay nanay, sa amin,sa pamilya namin na mahirap at si nanay na hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit hindi ako makapaniwala na isang tulad ni samuel ay magugustuhan si nanay. Sana magustuhan din siya ng pamilya ni tatay samuel dahil ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya si nanay. Hindi ko na matandaan ang huling beses na nakita ko siyang masaya. Sana matnggap siya habang lalo pa siyang nakikilala.
Nang makarating kami sa isang panibagong kwarto ay natatakpan kami ni Joshua dahil nga na sa likod kami.
"Divina, these are my sons." Sons? May lalaking anak sila Tito Philip?
"Geofrey, my eldest son and Chavis or Chad, my bunso."
Nanlamig ako. Yung mga pangalan na binanggit niya... hindi... nag kataon lang talaga. Hindi lang naman ang mga kakilala ko ang may ganoong pangalan diba? Imposible.
Umalis sa harap namin ni nanay si Tita Rhona, at dahil nga maliit si nanay ay nakita ko ang lalaki na bumabagabag sa mga araw na pinagdadaanan ko ngayon. Nagtama ang mga mata namin, parehas kaming nagulat at nanigas.
Si Chavis.
Naputol ang titig ko sa kaniya nang naramdaman ko ang paggalaw ni Joshua. Napatingin ako sa kaniya, may sinisilip siya mula sa likod ni Tatay Samuel. Biglang nanlaki ang mga mata ni Joshua at napasinghap. Binitawan niya ang kamay ko at tumakbo. May sinigaw siyang pangalan na pamilyar sa akin. Sinigaw niya ito na pamilyar sa kaniya. Tumakbo ito na para bang pamilyar sa aming dalawa ang tao na pupuntahan niya.
"Kuya Geofrey!"
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Woah! Woah! Woah!!!!!!!
Anyways, sorry kung ngayon lang ulit nag update. Busy sa school dahil malapit na matapos ang pasukan yey!
Sana hindi niyo pa ako nakalimutan :(