DEANNE'S P.O.V
Kakagaling ko lang sa eskwelahan ni Joshua. Dumaan lang ako para ibigay yung pinangako kong baon sa kaniya pero hindi ako sa 7/11 bumili, sa jollibee. Bumili ako ng 1 piece chicken joy. Anlaki kasi ng kinita ko sa lalaki kahapon kahit hindi naman natapos yung pagsasayaw ko.
"Uy Ate Deanne!" Bumalik ako sa sariking wisyo ng gulatin ako ng kaklase ko na nasa 3 taon ang bata saakin. Lahat naman pala ng kaklase ko mas bata saakin.
"Uy, good afternoon." Bati ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa hallway.
"Nabasa mo ba yung post ng class president natin? Bukod sa kine-kwento na naman niya na may forever sila ng jowa niyang bisugo , Walang mga professor ngayon may meeting daw sila." Sabi nito saakin. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.
"Talaga? Hala hindi ko nabasa. Tsk, sayang naman pamasahe ko papunta dito." Bakit ba ang tamad tamad ko makiusosyo sa group chat at class group namin? Ayan ako lang ata walang alam.
Mahina siyang tumawa. "Huwag kang mag-alala parehas tayo ng nararamdaman ngayon ate." Ngumiti ako. "Ano, tara lakwatsa tayo?"
Na tutukso akong sumama sa kaniya kaso nag dadalawang isip ako. Kanina sa club, tinanggihan ko yung mga lalaki dahil gusto nila ngayon na mismo ako mag trabaho kaso may klase p kasi ako eh, pang hapon kaya hindi pwede syempre deretso uwi ako kila nanay baka mapaano ang bunso kong kaapatid. Sayang dahil kung ngayon ko raw sisimulan bibigyan nila ako ng additional na 10,000 pesos.
Ay nagyon na nga lang! "Ano, ahm Sherlie next time na lang. Wala kasing magbabantay sa nanay ko." sabi ko at marahan ko siyang tinanggihan. Napasimangot siya.
"Sige na nga, pero next time ah!" Tumawa ako at tumango.
"Oo naman. Ililibre pa kita!"
**********************************
Bumalik ako sa club, kumatok ako sa kwarto ni NayTay at Madame. Pagpasok ko malakas ang tawanan nila habang nanonood ng Pusong Ligaw.
"Gagita talaga iyang babae na 'yan. Kawawa si Tessa, nako kapag ako andiyan ibebenta ko 'yang s**o niyan!" Nanggigil na sabi ni NayTay. Nakaharap ang likod nila saakin, halatang tutuk na tutok sila sa pinapanood kaya naman hindi nila ako napansin.
"Good afternoon po." Sabay na lumingon saakin ang magkapatid. Gulat silang dalawa nang makita ako dahil alam nila na may pasok ako.
"Oh Anie, bakit andito ka diba may pasok ka?" Nagtatakang tanong ni Madame.
"Wala po kasing prof ngayong araw- wala pong pasok." Sagot ko, nasa labas parin ako.
"Pasok ka hija, teka ano nga pala pinunta mo dito? Kamusta na ang nanay mo? Ang kapatid mo?" Nag-aalalang tanong ni NayTay. Pinapasok ako ni NayTay na siyang ginawa ko. Sinarado ko ang pinto at pumasok sa loob ng opis nila. Umupo ako sa upuan katapat ng table nila.
"Maayos naman po siya ngayon, binabantayan po ng kapit bahay namin." Ngumiti ako. "Yung kapatid ko po nasa school parang walang nangyari." sabi ko. Tumingin saakin si Madame halatang walang alam sa nangyari.
"Teka, bakit wala akong alam. Kanina lang andito ka hindi mo nabanggit ito saakin." May bakas ng pagtatampo sa boses ni Madame. Medyo nakaramdam ako ng hiya.
"Andito siya kanina?" Kunot noong sabi ni NayTay.
"Oo! Ay nakalimutan ko sa iyo ikwento, may nag rent sa bunso natin! At napakalaki ng ibabayad sa kaniya!" Masayang pagbibigay-alam ni Madame. Parang mas masaya pa ata siya saakin, eh wala naman siyang makukuha sa akin. Agad na tumingin saakin si NayTay.
"Pumayag ka?" Bakit parang hindi siya makapaniwala? Tumango ako ng may alinlangan. "Alam mo ba kung anong ginagawa doon?" Tumango ulit ako.
"Taga linis po." Natahimik silang dalawa, parang may mali ako na sinabi. "Bakit po?"
"HAHAHA! TANGINA PATAWA TALAGA 'TO!" humalakhak si Madame ng malakas. "Ah!" kaso napatigil siya dahil nakutusan siya ni NayTay.
"Eh kaya pala pumayag eh kung ano-ano pinagsasabi mo!" Namilog mga mata ni Madame.
"Anong ako? Hoy hindi ako nagsabi sa kaniya na tagalinis ang punctuation niya doon!"
"Anong punctuation? Function? Tungaw!" pagtatama ni NayTay. Bakit pakiramdam ko na a-out of place ako? Bumalik ang atensyon saakin ni NayTay. "Hija, sino naman ang nagsabi niyan sa iyo?"
"Ano po kasi si Marieta sabi niya pagod na pagod daw siya nung pinarentahan. Andami daw sa kaniyang pinagawa, nakakapagod daw. Hindi po ba pinaglinis siya ng bahay o ginawang katulong?" Umamo ang itsura nila.
"Ang cute mo talaga eh, mahilig ka ba sa lesbian s*x?" Nawindang ako sa sinabi ni Madame. "Pero joke i love hotdog not mani."
"Hija bakit ka nga ba nandito sa trabaho na ito, nagkamali ka talaga ng pinasukan." Napabuntong hininga si NayTay. Natikom ang bibig ko. "Hija hindi ka namin pinipilit. Tanggihan mo kung ayaw mo."
Nakatitig ako sa kanilang dalawa ng may pag-aanlinlangan. Sinasabi ba niya na umatras ako? Pero tinanggap ko na ang alok nila at... malaki talaga ang binibigay niang halaga para sa inaakala ko na paglilinis yoon pala'y ibang serbisyo ang tinutukoy nila. Hindi biro ang kalahating milyon, hindi pa kasama diyan ang mga adisyonal nilang bayarin o tip saakin.
Sigurado na ako sa tinatahak kong landas. Madumi na sa madumi, simula ng mag grabaho ako dito alam ko na sa sarili ko na wala na akong dignidad na natitira.
"May mga bagay na ipapagawa sa iyo tulad ng trabaho mo dito. Paghuhubarin ka uutusan ka para lang sa sarili nilang sarap. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?" Sabi ni NayTay. Nakatitig ako sa kaniya. Napalunok ako at tumango. "Ngayo't na iintindihan mo na itutuloy mo parin ba?"
Tumango ako na ikinagulat niya habang si Madame ay natuwa sa naging desisyon ko.
Hindi parin magbabago ang desisyon ko. Gamitin man ang katawan ko para sa pansarili nilang init ng katawan at labag sa kalooban ko ang kanilang ipapagawa o iuutos, tatanggapin ko parin ito. Malaki ang pera na kapalit nito.
"Ano ka ba kuya-"
"Ate." Pagtatama ni NayTay
"... ate, hayaan mo na siya. Kailangan niya ng pera huwag mo naman ipagkait sa kaniya. Ikaw din kasi kontrabida ano?" Pagtataray ni Madame.
Malungkot na ngumiti si NayTay saakin.
************************
HandsomA ng mukha
Please change the name that my friends registered. Also, meet us in de bon gout restaurant at Lizardo Street 9 sharp. Bring your clothes good for 5 days.
Bago matapos ang araw na ito ay nakatanggap ako ng message mula sa mga lalaki na bumili saakin. Pinapapunta nila ako sa isang ligar na hindi ko naman mabigkas pero mukhang mamahalin itong restaurant. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong mag impake ng damit. Noong nabasa ko ito ay kinabahan ako.
"Wow ate, andami nating pagkain ngayon! Tapos kanina binilhan mo pa ako sa 7/11! I love you ate." Nagagalak na sabi ni Joshua. Niyakap niya ako ng mahigpit at mabilis naman itong kumalas. Katabi ko siya habang si Nanay ay nasa tapat namin. Hindi ko sila pwedeng pagtabihin.
"Kumain ka na nga lang, andami mk pang kaartehan. Pinaghirapan ng anak ko 'yan para sa iyo palibhasa palamunin pabigat." Bakas sa boses ni nanay ay pagkairita. Hindi na ako nagulat sa masasakit na salit na binibigay ni nanay kay Joshua ngunit nasasaktan ako.
Dumapo ang tingin ko kay Joshua na naka yuko at pinaglalaruan ang mga daliri. Mababa ang kaniyang balikat hindi mapagkakaila na bagamat siya ay nakayuko, kita mo sa kaniya na nalulungkot siya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay, tumingala sa akin si Joshua. Binigyan ko siya ng nakakasiglang ngiti.
"Anong gusto mong parte, legs?" Marahan siyang tumango. "O sige." Tumusok ako sa tinidor at nilagay ito sa kaniyang plato.
"'Nak, nakakuha ka na ba ng trabaho?" Tumango ako at nakaramdam ng kaba. "Sipag talaga ng anak ko. Saan ka nag tatrabaho?"
Napalunok ako at umiwas ng tingin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang totoo dahil alam ko na hindi saakin siya magagalit. Sisisihin niya si Joshua kapag na laman niya ito.
"Ah, sa isang mamahaling restawran po waitress." Pagsisinungaling ko.
"Sige pag butihin mo anak ah?" Ninerbyos akong ngumiti at tumango.
Pag bubutihin ko po para sa inyo ni Joshua.