DEANNE'S P.O.V
"Babalik ako dito, ano gusto mo na baon?" Tanong ko sa kapatid ko habang nakatayo kami sa labas ng eskwelahan niya. Napabend yung leeg niya, napatingin sa taas at nilagay ang hintuturo sa baba tila nag-iisip.
"Hm... Sa tingin ko ate kahit tinapay sa diyan oh!" Tinuro niya yung bakery sa tapat ng eskwelahan nila. Tumingin ako sa kaniya.
"Ayaw mo sa 7/11?" Tanong ko, nag ningning yung mga mata niya.
Gusto ko mapakain naman siya ng medyo may pagkamahal. Bihira lang siya makatikim ng masasarap na pagkain. Masarap naman ang pagkain kila Aling Esa kaso kailangan kasi hindi lang E-EESA ang kinakain namin. Nag joke ako pero... sige.
"Talaga ate? Ano bibilhin mo doon para saakin?" Nagagalak na tanong niya.
"Tinapay." Napalitan ng pagkalito ang mukha niya.
"Tinapay din? Eh ano naman pinagka iba nun sa bakery?"
"Sa 7/11 yung pandesal may aircon, sa bakery yung tinapay may langaw." Biro ko sa kaniya.
Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Ikaw naman ate eh." Hindi ko mapigilang humalakhak sa sobrang cute ng kapatid ko.
Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. Bumalik na naman sa utak ko ang nangyari kahapon. Kung hindi ganoon ang sitwasyon, madalas hindi pinapansin ni Nanay si Joshua— masaktan, umiyak, magkalagnat o di kaya'y mapahamak wala siyang ginagawang aksyon as in wala siyang pakialam.
"Pasok ka na." Paanyaya ko. Tumango ako kapatid ko at pumasok na. Kumaway muna siya bago siya tumakbo papalapit sa mga kaklase niya.
Sa public school nag-aaral din si Joshua, yun lang ang kaya ko. Parehas kami sa pribadong eskwelahan. Dahil sapat lang hanggang dito ang hindi marangal na pagbibigay serbisyo sa ibang tao. Hindi naman masama mag-aral sa public school, sa katunayan may mentalidad na tayong mga Pilipino na madalas matatalino ang nag-aaral sa public school. Ngunit aminin man natin sa hindi, maginhawa ang pag-aaral sa mga pribadong paaralan.
Gusto ko sana sa private school siya pero hindi ko kaya iyon, ngunit balang araw maabot ko rin na pag-aralin ang kapatid ko sa magandang ekwelahan.
Lahat ng ginagawa ko ay para sa kaniya at sa ikagiginhawa ng buhay ng pamilya ko. Huwag naman sana dumating ang araw na ikahiya nila ako sa oras na malaman nila ito.
[Gem's Club]
Pumasok ako sa loob ng club pero sa backdoor ako pumasok kung saan ang pasukan ng mga empleyado. Dahil nga may araw pa ay wala pang costumers. Mula sa locker room ay pumasok ako sa office kung saan madalas nag i-stay si Madame Roberta. Kapatid siya ni NayTay Leah.
Sa kabilang parte ng pinto nakakarinig ako ng halakhakan ng iilang mga lalaki. Ano kaya ginagawa nila kay Madame Roberta? Hala, kailangan ko munang kunin yung pera sa kaniya kasi may klase ako ngayon at nangako ako na bibigyan ko ng masarap na baon si Joshua.
"Ay, tama kayo si Annie 'yan. Bakit interesado kayo sa kaniya? Pwede naman kay Shasha, ayan may experience na 'yan."
Napakunot ang noo ko nang banggitin ni Madame R. Nanatili akong nakatayo at palihim nakikinig sa labas. Napansin ko yung mga sapatos na alam mo kaya ng pambayad ng pustiso ng kapit bahay namin na mahilig mamboso ng bading.
"Nah, we like her. Siya yung sa room 15 right?"
"Bakit siya ba gusto niyo? Lahat kayo gusto niyo siya i-rent?"
"Rent?" Bigla na lang akong napabulong sa sarili dahil sa narinig ko. Namilog yung mata ko.
Sa pagkakaalam ko kalahating milyon ang bayad kapag rent ang gusto ng costumers. Bihira lang ang nagpapa rent dito sa club dahil nga mahal siya sobra. Interesado ba sila saakin?
Ngunit ayaw ko. Bakit? Dahil lahat ng "ipapagawa" sa iyo ay kailangan mong gawin. Para kang utusan. Para kang aso na susunod-sunuran. Kung sino man ang nag renta sa iyo, kahit ano pwede niya ipagawa sa iyo. May isa akong kasamahan, hindi na daw siya papaulit hindi daw marunong mapagod yung mga nag re-renta. Latang lata daw siya, kawawa naman. Siguro pinag linis ng buong bahay. Kawawa naman siya.
"Actually, we want to rent her for our friend."
"Yung friend na sinasabi namin is yung nakasama niya kahapon."
Teka, isa lang ang costumer ko kahapon. Yung lalaki ba kagabi yung tinutukoy nila? Yung mabait, maganda ang katawan at gwapo? Yung hindi natuloy dahil may nangyaring emergency?
"Kaya ba niya pinapatawag si Annie ay dahil naputol yung Private Show ni Annie?" Baka. Sa tingin ko iyon ang dahilan.
"Well, technically yes pero we want our friend to get laid again. Ilang years na rin kasi siyang walang s*x life. For sure, uhaw na uhaw na yon."
May sense pa ba para tumayo lang sa labas? Sa tingin ko kailangan ko ng kumatok at makisama sa pinag-uusapan nila. Kaya iyon ang ginawa ko, kumatok ako at pinihit yung door knob upang bumukas. Lahat ay napatingin saakin.
"Stick of the devil." Sabi ni Madame. Stick of the devil ba talaga yun, nag bago na? Pinalapit ako ni Madame. "Annie halika." Agad naman akong lumapit.
Lahat sila napatingin saakin. Yung mga lalako hindi umalis saakin yung mga titig, sinusundan nila ako gamit ang mga mata habang naglalakad ako papunta sa tabi ni Madame Roberta. Hinawakan ako ni Madame Roberta sa kamay.
"Ito si Annie." Nakatitig lang saakin yung mga lalaki. "Malapit ko na ipasok itong hotdog ko sa bunganga niya."
Mabilis na natauhan yung mga lalaki na nakaupo sa tapat naman at namilog ang mga mata.
"May hotdog!" Bulyaw ng isa. Tinaasan ni Madame ng kilay sila.
"Oo ito oh." May kinuha si Madame sa baba at ipinakita yung container na may lamang hotdog na baon niya na may kasamang kanina. Hindi ko mapigilang humagikgik dahil sa itsura nila.
Masasabi ko na si Madame Roberta ay magiging possibleng sanhi ng paghihiwalay ni Dingdong dantest at marian rivera. Ganoon siya kaganda. Yung kayang gawing single ulit si John Lloyd.
"Ito nga ulit si De— este Annie. Annie mag hubad ka." Nagulat ako napatingin ako kaagad sa kaniya.
"Po?"
"Maghubad ka ng sapatos. Yung mga costumers nga natin nasa labas yung sapatos ikaw pa kaya. Ano ka? VIP, very impulsive person?" Napakunot ang noo ko.
"Akala ko po, Very Important Person 'yun, nag bago na naman?" Naguguluhang sabi ko.
"I think you are right miss." Sabi nung isa na naka blue shirt.
Tumingin si Madame sa lalaking nag salita at tinaasan siya ng kilay. "Bakit, parehas ba tayo ng pinasukang school?"
Napa 'oohhhh' lahat sila.
"I cannot remember, madami na kasi ako pinasukan eh. Gusto mo pati ikaw?" Sabay kindat niya kay Madame, nagsihiyawan mga kasama niya. Paaralan ba si Madame?
"Akala mo po ba eskwelahan si Madame, pwede ka po ba mag-aral sa tao?" Sa sobrang kuryosidad ko hindi napigilan ng bibig ko na mag tanong. Parang gulat pa nga yung mga lalaki.
"Are you serious you did not get it?"
Napa-tilt yung ulo ko sa isang side at nag isip atsaka umiling bilang tugon. Yung isang lalaki bumulong pero narinig ko kaya hindi na bulong.
"Dude this place is weird."
"Kung saan saan na napupunta ang usapan." Sabi ni Madame. "Nga pala kaya kita pinalapit ay dahil—" ako na yung tumapos sa sasabihin niya.
"Rerentahan nila ako?" Nabigla si madgme. "Hehehe kanina pa po kasi ako nakikinig sa labas."
"Ah yeah, so payag ka ba?" Sabh ni Madame. Humarap ako sa mga lalaki.
"Magkano po ba bayad?" Kahit nahihiya ako kinapalan ko na mukha ko.
"500,000 if pumayag ka. And we will add 100,000 for every update. We will call you occassionaly kasi kailangan namin ng update kung anong nangyayari sa inyo within 3 months." Namilog ang aking mga mata habang si Madame napasinghap. Kinuha ni madame yung dalawang kamay ko.
"Oh my gosh De— este Annie! Pumayag ka na!" Pangungumbinsi.
Malaki nga ang bayad saakin pero paano kung yung bahay ng may-ari mansyon? Baka ipalinis bawat sulok ng bahay niya.
"Eh baka po malaki yung bahay niya eh!"
"Huh? Anong konsensyon? Ay basta tanggapin mo na lang, gusto mo ba makapag tapos ng pag-aaral?" Tumango ako. "Gusto mo ba makapag-aral si Joshua sa private school?" Tumango ulit ako. "Gusto mo ba guminhawa ang buhay niyo ng nanay mo?" Mariin akong tumango. "Tanggapin mo!"
Lumipat yung mga mata ko sa mga lalaki at kay madame na hinihintay ako sumagot at umaasa na sana tanggapin ko ang alok na trabaho saakin. Napakagat ako ng labi. Mas gusto ko kasi mag luto kaysa mag linis, mabilis kasi ako magka sipon kapag may alikabok pero hindi ito magiging hadlang sa pangarap ko.
Sipon ka lang, pero ito.
"S-sige po." Nakahinga ng maluwag silang lahat.
•••••••••••••••••••••••••••
I decided to go with the flow iibahin ko na lang yung plot habang nag fo-flow parin. I will not remove this, I will continue.
Yep, Deanne is slow minded person but more like inosente siya sa mga bagay. But that doesn't mean she is clueless about s*x, kapag in-straight forward mo siya maiintindihan niya but inside jokes about s*x is unfamiliar to her. May ganito akong kaklaseng kaibigan eh hahahaha.
Thank you, hope you send me some feedbacks and votes :)