Deanne Lumberte's P.O.V
Mabilis akong nag palit ng desenteng damit, maong pants at puting t-shirt. Hindi mo pagkakamalang strip dancer sa club. Nagmamadali akong tumakbo palabas ng club. Malakas ang kabog sa aking dibdib at mga mata'y nag tutubig nang matanggap ang tawag mula sa kapit bahay namin.
Pumara ako at sumakay sa jeep. Una kong ginawa ay nag bayad, hindi kasi ako nag wa-one-two-three. Sunod ay nag dasal ako, hindi naman masamang magdasal diba? Hindi naman pinagbawalan na magdasal ang isang tulad kong bayaran babae. Tulad din ako ng ibang bayarang babae, naghahangad ng pera. Mali man sabihin ko na hindi ko ito ginusto, ginusto ko ito sa totoo lang pero yung pera ang ginusto ko. Ang pagbebenta ng katawan? Hindi ko ginusto, sabihin na nating hindi ako nakaramdam ng ginhawa sa katawan. Ang iniisip ko lang lagi ay ang matapos ang ginagawa ang quota na oras na ibinigay saakin... Oras na kailangan nilang bayaran.
Pangalawang kliyente ko palang yung kanina. Kahapon lang ako nagsimula. Magkasunod na halos may mangyari lang sa amin ng mga kliyente ko at masasabi ko na maswerte ako dahil parehas silang mabait. Biniyayaan sila parehas ng magandang mukha pero sa totoo lang walang epekto sa akin ang mga itsura nila.
20 na ako pero kaka-first year college ko palang. Patigil tigil kasi ako dahil pinapaaral ko rin ang bunso kong kapatid at ako lang ang nagtatrabaho sa aming tatlo. Ang kasama ko lang sa buhay ko ay ang nanay ko at ang bunso kong kapatid, parehas silang walang kakayahang mag trabaho kaya hindi pwedeng hindi ako kikilos. Pare-parehas kaming magugutom pag nagkataon.
"Para po." Sigaw ko at huminto ako jeep sa harap ng baryo namin. Nagmamadali akong bumaba ng jeep at tumakbo papunta sa bahay namin.
Sa labas ng bahay namin, nag kukumpulan ang mga kapit bahay namin. Maririnig mo yung mga sigawan sa loob kahit nasa labas ka lang.
"Excuse me po." Sumiksik ako, napansin kaagad ako ng nga kapit bahay.
"Dalian mo Deanne, wala pa yung mga barangay tanod!"
"Oy bigyan niyo ng daanan si Deanne!"
Nagbigay naman sila ng daan para saakin. Tumatakbo ako papasok ng bahay namin.
"DIVINA DIYOS KO PARANG AWA MO NA IBABA MO 'YAN!"
"Aling Esa." May naririnig akong humihikbi at nagmamakaawa na batang lalaki.
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nasasaksihan ko ngayon. Sa may dulo ng parte ng bahay namin, ang kusina, doon may tatlong lalaki ang kasama ni Aling Esa habang pinapakalma at kinukumbinsi ang aking Nanay na hawak ang leeg ng kapatid ko na sa Josgua at tinututukan ng matalim na kutsilyo ang gilid ng ulo ng kapatid ko.
"Nay!" Sigaw ko. Lahat sila napalingon at napatingin saakin.
"Ate Deanne..." Lalong lumakas ang iyak ni Joshua. Kitang kita mo sa bata ang takot. Napatakip ako ng bibig at naluha sa nasasaksihan ko.
"Deanne, hija kausapin mo ang nanay mo kanina pa siyang ganiyan hindi makalma." Kahit si Aling Esa awang awa na sa sitwasyon ng kapatid ko.
Lumapit ako kila nanay. Si nanay hindi makatingin ng deretso saakin. Alam ko pa lang sa tingin ko palang alam ko na nakainom na siya. Napapikit ako, dahil sa inis. Antigas ng ulo ng nanay ko, paano namin papagalingin ang pagiging adik niya sa alak kung hindi niya didisiplinahin ang sarili at susundin ang mga sinabi ko.
Nung medyo nakalapit ako ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa leeg ng kapatid ko kaya nasakal at napaubo ang kapatid ko. Nagsi tilian kami ni Aling Esa. Napatigil ako.
"Nay, andito na po ako. Nay, bitawan niyo po si Joshua- Nay!" Sumigaw ako ng malakas dahil dinikit niya yung dulo ng kutsilyo sa ulo ng kapatid ko.
"A-Ate... Ate!" Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa sobrang awa ko. Nanginginig na sa takot ang kapatid ko, basa na rin ang shorts niya nakaihi siya sa takot. Kahit sino maawa at matatakot sa nangyayari ngayon.
Pero hindi ito ang oras para manghina.
"Nay ano ba naman kayo, si Joshua yan anak niyo." Sabi ko.
Nanlisik ang mga mata niya. "Anak? Wala akong anak na tulad niya! Hindi ko siya anak! Hindi ko siya ginusto! Ikaw lang ang anak ko Deanne! Pasakit lang sa buhay natin itong batang ito, siya ang dahilan kung bakit ka nahihirapan!" Bulyaw nito.
Tumingin ako sa kapatid ko. Hindi niya dapat marinig ang mga ito pero maniwala kayo, hindi ito ang unang beses na sinabihan siya ni Nanay ng ganito. Hindi rin ito ang unang beses na pinagtangkaan niya ang buhay ang kapatid ko. Dati ay sinaktan na siya ni Nanay pero maunawain ang bata kong kapatid kahit na nasa murang edad pa lang siya.
Pero dahil paulit ulit siyang sinasabihan ng nanay ko kahit noong hindi pa siya nag papagamot sa addiction niya sa alcohol ay tumatak na sa utak niya na pabigat lang siya at sinisisi ang sarili bakit nagkakaganito si Nanay. Biruin niyo, 7 years old ganiyan mag-isip, sinong hindi maawa?
"Nay wala siyang kasalanan! Bata lang siya!" Tumataas na ang boses ko, ang totoo niyan naiinis na ako sa nanay ko.
"Kasalanan niya!" Pagpupumilit nito.
Si Joshua, ay nabuo dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Isang r**e victim ang nanay ko at nagbunga ito. Ito ang dahilan kung bakit iniwan ni tatay si nanay dahil akala niya ay nagloko ang nanay ko. Dapat ipapalaglag niya ang bata pero nag makaawa ang lolo at lola ko na hayaang mabuhay ang bata. Ayaw ni Nanay nung una pero sinabi nila na sila ang magpapalaki at mag-aalaga sa bata. Ngunit noong araw na ipinanganak si Joshua, makalipas ng dalawang araw ay pumanaw sila lolo at lola. Nakikita ni Nanay na isang kamalasan si Joshua kaya ganito na lamang ang galit niya.
"Nay, sige sa oras na saktan niyo si Joshua pati ako mawawala sa iyo. Tandaan mo ito ma, hindi ako nagbibiro..." Humikbi ako ngunit nagmatapang na magsalita ulit. "Nay parang awa niyo na... Please.." Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko at nagmakaawa sa kaniya.
Nag bago ang ekspresyon ni Nanay. Lumuwag ang pagkakahawak niya kay Joshua, kinuha ni Joshua ang oportunidad na tumakas. Tumakbo siya papunta saakin at sinubsob ang mukha sa tiyan ko habang umiiyak. Nararamdaman ko ang panginginig sa takot ni Joshua.
Diyos ko, hindi karapatdapat na maranasan ng kapatid ko ito.
Nilayo ko ang kapatid ko at lumuhod. Tinignan ko siya at inenspeksyon baka may tama siya na hindi namin napansin. "Wala bang masakit sa iyo ha?" Umiling ang kapatid ko. Basang basa ang mukha niya ng pinaghalong pawis at luha.
"Kumain ka na ba?" Umiling ang kapatid ko.
"Deanne?" Lumingon ako kay Aling Esa na lumipat saakin at hinawakan ang isa kong balikat.
"Ako na mag-aasikaso sa kapatid mo. Ikaw na-" tumingin siya sa nanay ko. Agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin. Tumayo ako.
"Aking Esa pwede ba na sa inyo muna si Joshua?" Tumango siya. Tumingin ako kay Joshua, malungkot akong ngumiti sa kaniya at ginulo ang pawis niyang buhok.
"Pupuntahan kita mamaya doon ha? Papakainin ka ng masarap na masarap na adobo ni Aling Esa doon, diba aling esa?" Pinilit kong pagaanin ang sitwasyon. Tumango si Aling Esa, may karinderya kasi sila doon.
"Halika dali." Agad naman humawak si Joshua sa kamay ni Aling Esa at nagpadala habang nakalingon saakin. Kumaway ako at tumingin sa nanay ko na nasa lapag na at balisa.
Lasing nga talaga. Napabuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. Umalis na sila aling Esa at naiwan na lang kami ni nanay sa loob ng bahay. Walang umiimik saamin ngunit naghari ang mga hikbi namin. Nakasandal ako sa pader habang pinagmamasdan ang nanay ko na umiiyak ngunit wala sa sarili dahil sa kalasingan. Hindi ko masisi si nanay, marami siyang pinagdadaanan na sobrang bigat. Alak na lang ang naging sandalan niya dahil noong may pinagdadaanan siyang mabigat wala akong magawa. Bagamat mag-isa lang siya na kasama ko at naadik sa kalasingan ay naitaguyod niya ako. Hindi tulad ko, tinaguyod niya kami sa paraang marangal at may dignidad, pagbebenta ng turon at mga kakanin, nagbebenta rin siya ng isda sa palengka pati gulay minsan umeekstra siya sa pagbabantay ng mga tindahan. Dahil sa liit ng kinikita niya patigil tigil ako sa pag-aaral, hindi naman ako nagrereklamo.
"Galit ka ba saakin anak?" Hindi siya nakatingin saakin.
"Hindi po nay..." Sagot ko. Muli kaming nanahimik. "Nay... Gusto niyo na po bang matulog?"
Kailangan na niyang matulog para makauwi na si Joshua. Sumasakit ang dibdib na rin ang dibdib ko sa nangyari ngayong gabi.
Tumango si Nanay.
******
Pinatulog ko na si Nanay, nung nasigurado ko na mahimbing na ang tulog niya ay tahimik akong lumabas ng kwarto.
Pumunta ako kila Aling Esa na katapat lang ng bahay namin. Bukas parin ang karinderya niya at andoon siya ngunit wala si Joshua. Lumapit ako sa kaniya, nasa loob siya ng area na nag se-serve.
"Aling Esa." Nakuha ko ang atensyon niya.
"Oh, hija kukunin mo na ba si Joshua?" Tumango ako. Sige tawagin ko lang nasa loob siya.
"Ay, magkano po pala yung kinain ni Joshua?" Ngumiti si Aling Esa.
"Ano ka ba, libre ko na yun kasi cute yung kapatid mo." Tumawa ako sa sinabi niya.
"Aling Esa talaga oh... Sige ah walan bawian yan."
"Sus ikaw pa." Marahan niyang tinapik yung balikat ko. "Wait tawagin ko lang siya, kalaro niya si Arian." Tumango ako.
Bigla kong naalala na hindi ko pa pala nakukuha yung bayad saakin ngayong araw. Babalikan ko na lang bukas.
Biglang naalala yung kliyente ko kanina. Alam mo na mayaman dahil sa pustura niya, naka formal attire siya eh. Ang bango rin niya at matipono ang katawan. Gwapo pa kaso tulad nga ng sinabi ko wala siyang epekto saakin. Naisip ko lang, kung magkakaroon ba ako ng kasintahan na tulad niya gaganda kaya buhay ko?
Ang tanong, papatusin ba ng mga katulad niyang nakakaangat sa buhay ang isang tulad ko- naming mga bayaran? Bakit naman sila pipili ng dumihing babae? Kaya nilang gawin iyon matapos paghirapan ang mga narating nila? Kalokohan.
Hay, bakit ko ba biglang naisip ang mga ganitong bagay?
•••••••••••••••••••••••••••••
Kamusta naman po? How is it so far bukod sa maraming typos and wrong grammars?
Hope you like it. Masaya po ako kasi akala ko walang papansin dito pero first chap pa lang may nagbasa na wala ako pake kung marami pero I am happy guys.