Napaupo si Alaia nang marinig ang isinambit ni Hazler sa kaniya. Hindi makapananiwala ang mga estudyante nakarinig at namayani na naman ang bulong-bulongan ng mga ito. Inilapag ni Hazler ang bitbit niyang tray sa ibabaw ng lamesa at sabay na tinanggal ang suot niyang jacket. Kaniya itong isinuot sa akin at mas lalong naghiyawan ang mga estudyante sa kilig. Hindi na maipinta ang hitsura ni Alaia. “ Sa susunod na saktan mo siya, ako ang makakalaban mo.” dagdag pa ni Hazler na mas ikinagalit ni Alaia sa akin. Inalalayan niya akong tumayo at umupo sa b deakanteng upuan. Sa mga oras na ito ay nakayuko lamang ako. Hindi ako makatingin ng deretso kay Hazler. “ Just ignore her, Yaia. Eat your food.” “ Ano bang meron sa babaeng iyan, Hazler na wala sa akin. I almost perfect for you.” naiinis na

