Nakagat ni Hazler ang ibabang labi niya at sabay na umupo. Muli kong isinalpak ang airpods ko sa magkabilang tenga ko at sabay na pumikit. Hanggang natapos ang klase ni Miss Dianna. Wala akong narinig na ingay sa mga classmate ko at naninibago ako sa kanila. Bago lumabas si Miss Dianna ay sinenyasan ko siyang lumapit sa gawi ko. “ Can we talk?” “ S-sure, Miss Yaia.” “ Lumabas na kayong lahat, mag-usap muna kami saglit ni Miss Dianna.” Agad namang nagsilabasan ang mga ito at kami lamang dalawa ni Miss Dianna ang naiwan. “ Kung tungkol ito kay Professor Kane, aasahan mong lalayo na ako sa kaniya.” “ You should know your boundaries, Miss Dianna. Hindi porket isa ka sa mga professor sa unibersidad na ito ay may karapatan kanang sigaw-sigawan ang mga estudyante. You are just our mentor.”

