Yaia's POV Nang makauwi ako sa mansyon ay agad kong nilapag ang aking bag sa ibabaw ng kama ko at hinubad ang aking damit. Binuksan ko ang ilaw ng banyo bago ako pumasok sa loob. Ilang minuto bago ako natapos magshower ay agad akong nagbihis ng pampatulog ngunit habang nagbubutones ako sa aking pang-itaas ay biglang nagring ang aking selpon. Kaagad ko itong dinampot at tinignan kung sino ang tumawag. Mariing inilapat ko sa aking tenga ang aking selpon. “ Sam? Napatawag ka?” deretsong tanong ko sa kaniya sa kabilang linya. Tumikhim muna siya bago sumagot. Nakakapanibago talaga ang isang ito. “ What's wrong?” nag-alalang tanong ko sa kaniya. “ Where are you?” “ Nandito ako sa mansyon, bakit?” “ Hindi kaba pupunta dito?” “ Ha? What do you mean? Nasaan kaba?” “ We are here at the ba

