C18

1896 Words
" Ay Murit kang Bolang ka, ukinam " sambit kong gulat dahil sa narinig kong may parang nagsi bagsakang mga kaserola kaya naman napabalikwas ako ng bangon " hahhahahaha... gising na ang ating sleeping beauty " rinig kong sinabi ni Donna kaya naman humiga ulit ako. kase inaantok pa rin talaga ako " hoy bru, bumangon ka na nga tanghali na natutulog ka pa rin " wika naman ni julie na tinapik tapik pa ang hita ko " bru, bakit ka naglilihim samin ang daya mo talaga hindi ka nagkukwento " sabi ni Rizza na may himig na pagtatampo " Anong pinagsasabi mo, ang drama ha? " sabi ko sa kanya " okay na pala kayo ni Marvin wala ka man lang nasasabi samin. tapos kagabi nag punta sya dito sabi ni lola pero di mo man lang kami ginising." sambit nyang halatang nagtatampo talaga. kaya naman tumayo na ko " teka lang ha magsisipilyo lang ako baka mamaya sabihin nyo bad breath ako." ani ko pa habang kumukuha ng towel at hinintay talaga nila ako matapos mag toothbrush " okay na fresh breath na uli pwede na mag kwento sa mga tsismosang nasa harapan ko " sabi kong natatawa pa na ikinaangal naman ni julie " daming dakdak, puro pasakalye naman.bilisan mo na " sabi nya " heto na nga sisimulan na, masyadong atat naman kase " " nung last day na nag overtime kayo maaga akong umuwe non di ba, naalala nyo? " tumango naman sila " hinintay ako ni marvin sa labas ng pabrika. nagkausap kami dahil sinunod ko ang payo nyo. sabi nyo baka kailangan namin mag usap. sinabi nya ang nangyare at nagkalinawagan kami. akala ko okay na, na hindi na kami magkikita pang muli dahil tuluyan ko ng tinapos ang sa amin. kaya naman hindi ko na sinabi sa inyo." litanya ko sa kanila na panay tango lang din ang ginawa nila. " nung last day naman sa pabrika nung mag mall tayo pag uwi ko ng bahay nadatnan ko naman si marvin kausap ang pamilya ko pinatawad naman sya kaya pinatawad ko na rin. ngayon naman nanliligaw sya ulit. lilinawin ko ha nanliligaw meaning wala pang kami, hindi ko pa sinasagot ulit okay. so okay na kayo wala ng tampo ?" pag iistorya ko pa sa kanila " pero bakit hindi mo kami ginising kagabi nung dumating sya? " tanong naman ni Donna " mga bru lahat tayo pagod kahapon. kasarapan na ng tulog nyo kakahiya naman sa hilik nyo kung gigisingin ko pa kayo noh! hindi naman kayo ang hinahanap nung tao bat ko pa kayo gigisingin, " pagpapaliwanag ko pa sa kanila " okay na, tara na bru.iwanan na natin yang pasaway na yan" aya ni julie kina donna at rizza " kanina pa si Marvin sa labas bru, harapin mo na yung tao baka naiinip na yon kakahintay kung anong oras ka magigising " sabi ni Rizza " andiyan sya ? weh hindi nga? anong oras na ba? bakit naman ngayon nyo lang ako ginising kung kanina pa pala sya dito? " tanong ko sa kanila "makatanong naman kala mo may hinahabol " angal na sabi ni Donna " puro kayo biro eh! yung totoo, andiyan nga si Marvin? " tanong kong muli " ayaw pang maniwala gusto mo tawagin ko papasukin ko dito ? " sabi naman ni Rizza " kapag ito prank ha, humanda kayo sakin talaga ? banta kong saad sa kanila. kaya naman tumayo na ko at pumasok ng banyo upang ayusin ang sarili ko. nagsuot lang ako ng denim skirt macarena short at black printed round neck sleeveless na blouse at ng makuntento na ko sa ayos ko ay lumabas na ako ng kwarto dahil nauna na pala lumabas yung tatlo. " yan na si Ms. Pretty na pinaninindigan ang naka print sa suot nyang damit " sabi ni Julie na tatawa tawa agad ko namang tinignan ang suot ko at nakitawa na rin sa kanila ng mabasa ko ang naka print ay PRETTY. Marvins PoV Pagkarating namin sa Hotel and Resort na tutuluyan naming tatlo nila jasper at rodjun ay agad akong natulog. masaya akong nakita at nakausap kong muli si Candice. Excited akong makasama syang muli. " P're, ang aga mong bumangon? "si rodjun na kagigising lang napansin nyang nakapaligo at nakabihis na ko. nagsuot lang ako ng komportableng isuot na khaki six pocket short at white round neck shirt " oo kanina pa, alis na muna ako ha punta lang ako kay candice. mauna na ko sa inyo tawagan nyo na lang ako kapag kailangan " sabi ko " sige p're ingat ka. mamaya na ko babangon sigurado yang si jasper mamaya pa ang gising " ani pa ni rodjun na binato ng unan si jasper na tulog mantika. kumuha kami ng three bed room suite sa isang hotel and resort na malapit lang din sa lugar ng lola ni rizza dahil wala akong dalang sasakyan ay nag tricycle na lamang ako papunta sa bahay nila lola. pagkababa ko ay nakita ko agad si lola demy na maraming kausap at natanaw ko ang mga kaibigan ni Candice. at nang nasa gate na ko ay lumapit sa akin ang isa sa mga kaibigan niya upang papasukin. " Marvin? ou ikaw nga. hoy, mga bru si marvin nandito " sabi nung friend ni candice na nagsilapitan na rin sina julie " ikaw nga Marvin, pasok ka " si julie sya lang ang kilala ko ang pangalan sa kanilang tatlo " thanks, good morning pala sa inyo.si Candice? " tanong ko agad " ah tulog pa, napuyat ata kagabi " sagot niya " paano mo nalaman na narito kami? si candice ba nagbigay sayo ng address dito? " tanong niya " tara doon tayo " aya ni julie na kinasunod ko sa kanila. lumapit kami kina lola " magandang umaga lola demy " bati ko sa abuela at nagmano " ikaw pala iho, tulog pa ata si candice. may usapan ba kayo ngayon na darating ka?" tanong ng matanda sa akin " opo la, sinabi ko pong dadalawin ko sya ngayon pumayag naman po. napa aga po ata ang balik ko. " sagot ko naman " la, magkakilala kayo ni Marvin? " tanong kay lola ng friend ni Candice " kagabi lang mga apo, nagpunta sya rito hinahanap si Candice " sagot ng matanda " pasaway na Candice lagot sakin yan mamaya " rinig kong turan ng isa na ikina ngiti ko " Rizza, baka naman kase nakalimutan sabihin na okay na sila ni Marvin " sabi ni julie " malihim talaga sya sabihin mo " wika naman nung isa " Isa ka pa Donna gagatungan mo pa yang si Rizza alam mong matampuhin yang mapanakit na yan " sabi ni julie na hahampasin sana nung rizza pero naka ilag " Magsi tigil na nga kayo mga apo at gisingin nyo na si Candice hala sige bilisan nyo!, nakapag kape ka na ba iho? tara sa kusina samahan mo ko " wika pa ni lola na ikinasunod ko " la, masaya po ba rito kapag fiesta? " kausap ko sa matanda habang nagkakape " aba'y oo naman iho, mamaya abala na kami sa pagluluto. maraming bisita bukas na darating. baka nga mamaya ay dumating na ang ibang mga apo ko na pinsan ni Rizza na sa manila nagtatrabaho." mahabang sabi ni lola " matanong kita iho ha, ang pagkakaalam ko ay walang nobyo si Candice, nanliligaw ka ba sa kanya? aba ay hindi naman nakapagtataka dahil napakagandang bata nyang si Candice mabait pa. bagay kayong dalawa iho gwapo ka rin at mabait at ramdam kong mahal mo talaga si Candice. " wika pa niya na ikinangiti ko " opo la, nanliligaw po ulit. ang totoo po kase dati ko po syang kasintahan." pag papa alam kong wika sa kanya " ay ganun ba iho, dati mo na pala syang nobya pinakawalan mo pa " nakatawang sabi ng matanda. " tara dun sa kubo dun na lang natin sila hintayin iho " sabi nya pa " sige po la," sagot kong inalalayan pa sya. pag dating sa kubo nandon na sina Julie pero wala pa rin si Candice. " yan na si Ms. Pretty na pinaninindigan ang naka print sa suot nyang damit " dinig kong turan ni julie na nakita na pala si candice na papalapit agad akong tumayo " hi candice, good morning " bati kong malawak ang ngiti " upo ka, ang aga mo naman akala ko mamaya ka pa pupunta. wala ka bang pasok ? nag agahan ka na ba? " sunod sunod nyang tanong na lalo ko lamang ikinangiti " masyado ba kong maagang dumalaw, pasensya na na miss kase kita " sabi kong tiningnan ko sya sa mata na ikina blush ng pisngi nya " girls tara tulungan natin si lola sa mga lulutuin mamaya" rinig kong sabi ni julie " ou nga ng makarami tayo " sabi naman nung Donna na kumindat pa kay candice "Iwan na muna namin kayo ha. usap lang kayo diyan " sabi naman nung rizza at umalis silang nagtatawanan pa. kaya naman kami na lamang ang naiwan sa kubo. " Candice, gusto mo bang mamasyal ?" tanong ko " dito na lang muna tayo. tulungan na lang natin sila rizza kung okay lang syo ? nangako kase ako na tutulong sa pag gagayat ng mga rekados bisperas ng fiesta ngayon di ba." sabi nya na ikinatango ko " sige, okay lang naman na nandito ako di ba? gusto ko kaseng makasama ka Candice sana ayos lang syo? " tanong ko " Oo naman Marvin ayos lang " wika nyang nakangiti at ang puso ko ay gusto na naman atang kumawala sa sobrang saya " Candice, mahal pa rin kita " ang nasabi ko na ikina awang ng kanyang labi na para akong hinihikayat na halikan sya " ah eh kase marvin hindi ba masyadong mabilis? kailan lang uli tayo muling nagkita at naging maayos di ba? "sabi nya. huminga ako ng malalim at hinawakan ang kanyang kamay " wala naman nagbago sa nararamdaman ko para sayo candice ikaw pa rin naman ang itinitibok ng puso ko ikaw pa rin ang nais kong makasama palagi. ikaw ba, mahal mo pa rin ba ko? muli kong tanong sa kanya nakita ko ang pag aalinlangan nyang sumagot pero desidido akong magkabalikan na kami. " Oo, oo Marvin Mahal pa rin kita." sagot nyang nakatingin saking mga mata at sa sobrang tuwa ko hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at hinalikan sya sa labi at binuhat ko sya at iniikot. " teka, teka lang ibaba mo ko marvin " utos nya at hinampas ang balikat ko "sorry, ang saya ko lang sobrang saya ko mahal ko. " ang nasabi ko nang mapansin kong lahat ay nakatingin sa amin ay niyakap ko sya sa likod " Lola kami na uli, sinagot na ko ni Candice " na masaya kong sabi sa kanila. humarap ako sa kanya, hinawakan ko ang kanyang kamay at hinagkan ko ito at hinayaan lamang nya ko at niyakap nya ko sa beywang na kita ko rin ang saya sa kanyang mga mata. " Congrats iho sana kasalan na agad " ngiting sabi ni lola na alam kong masaya para sa amin ni Candice " opo La, hindi ko na pakakawalan pangako yan " masaya kong sambit na ikinatawa na ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD