Rizza apo,.. mga apo tulog na ba kayo? pagtawag ni lola na may pagkatok pa sa pinto. naalimpungatan ako dahil sa pag tawag ni lola.maaga kaming natulog dahil sa pagod, kaya naman pagkatapos namin mag hapunan ay nagsi higa na kami.bumangon ako at pinagbuksan ng pinto si lola demy.
" la ano po yon?, tulog na po sila gusto nyo po bang gisingin ko sila rizza? " tanong kong bungad sa kanya
" ah eh kase apo may mga taong naghahanap sa iyo sa labas." sabi ni lola
" sino raw po sila lola?" tanong kong may pagtataka
" pamangkin daw ni Mayor Cristobal si Rodjun daw sya kasama nung Marvin Almeda raw at ikaw ang hinahanap Candice " wika pa ni lola.
" kilala mo ba?, papatuloyin ko ba iha o sasabihin kong tulog ka na? " dinig kong sabi ni lola dahil natigilan ako ng malaman kong nandito si Marvin at nasundan nya ko dito.
" ah lola, kilala ko po. magpapalit lang po ako ng damit, lalabasin ko po sila. salamat po " sabi ko na lamang at agad agad nagpalit ng damit
paglabas ko ng kwarto ay dumiretso na ko sa may sala nakita kong nakaupo na sila at kausap pa nila si lola.
" magandang gabi candice," pagbati ni marvin ng makita nyang papalapit na ko sa kanila
" magandang gabi, anong ginagawa mo rito, paano mo nalaman na nandito ako ? i mean buti natunton mo 'tong bahay ng lola ni Rizza " sabi kong sunod sunod pang tanong
" sinundan kita, nagtanong tanong ako baka sakaling may makakilala sayo dito at sinuwerteng may napagtanungan kaming kapit bahay lang ni lola dito " walang paligoy ligoy nyang turan na ikina pikit ko ng mata at na pabuntong hininga ako sa sinabi nya na napansin naman ata nila .
" ummm Candice right?, im Rodjun friend ako ni Marvin. actually pamangkin ako ni Mayor Cristobal inaya ko sya na sumama sakin maki pamiyesta dito.
sakto naman na nasabi nya na narito ka din kaya naman nandito kami ngayon." mahabang sabi ni Rodjun na nakipag shake hands pa muna sakin sabay siko kay Marvin na tumango naman at hinimas ang batok nya.
" ah iha maiwan ko na kayo at akoy matutulog na .ikaw na ang bahala candice ha.paki sara na lang ang gate pag alis nila. paano mga bata maiwan ko na kayo " paalam ni lola
" lola hindi naman po kami magtatagal aalis na rin po kami, gusto lang po talagang makita na muna ni Marvin si Candice." wika ni Rodjun na ikina pula ng pisngi ko sa aking narinig
"Ah ganon ba mabuti naman kung ganon iho masyado na rin kaseng gabi mapupuyat si candice at delikado na sa labas. oh sya mag iingat kayo sa pag uwe. Candice pakihatid na lang sila sa may gate " sabi muli ni lola
" good night po lola, salamat po sa pagpapatuloy" pamamaalam naman ni Marvin
" tara na pre, ang kulit mo kase sinabi ko na sayong bukas na tayo mag punta rito nagpumilit ka pa rin " dinig kong bulong ni Rodjun kay Marvin na ikinangiti ko
natuwa ako sa ginawa ni marvin hindi ko lang talaga ina asahan na magagawa nya ang masundan ako dito sa batangas eh wala naman akong sinabi sa kanyang address. kaya naman lalo ko lamang naramdam ang pag eeffort nya.
naglakad na kami palabas ng bahay at inihatid ko sila hanggang sa may gate at nauna nang lumabas si Rodjun na sinalubong ng isa pang lalaki na nakaupo sa driver seat ng sasakyang dala nila habang si marvin ay tinititigan lang ako.
ako naman ay hindi makatingin sa kanya na pilit kong iniiwasan magsalubong ang aming mga mata.
" ummm candice pwede ba kong dumalaw uli bukas?" tanong niya sakin
" oo naman, sige okay lang dito lang naman kami bukas, wala kaming pupuntahan nila rizza " sagot ko sa kanya at hindi ko naiwasan na matignan sya sa mukha na ikina bilis ng pintig ng puso ko dahil nakatitig pala sya sakin na dahan dahan nyang iniangat ang kanyang kanang kamay at inihaplos sa aking pisngi na ramdam ko na para akong kinuryente na bigla kong ikinapiglas at nailayo ko ang mukha ko sa kamay nya
"ehemmm ehemm... aray ang sakit kinagat pa ata ako ng maraming langgam " rinig kong sabi ni Rodjun na tinawanan naman namin ni marvin
" sige na alis na kayo gabi na rin kase.ingat kayo sa daan." sabi ko
" bye candice, pasok ka na " utos nya pa. parang noon lang kapag hinahatid nya ko sa amin hindi sya aalis hanggat hindi ako nakakapasok ng bahay. kaya naman kumaway na muna ako sa kanila at pumasok na.
Nang makasakay ng sasakyan si marvin ay inasar naman sya ni jasper na nasa driver seat. hindi na ito sumama sa kanila sa loob kanina para may magbantay ng kanilang sasakyan. tatlo lang silang magkakasama dahil marami kailangan tapusin si arnel na ang sabi ay susunod na lamang kasama ang nobya na si romary. " grabe pre sayang hindi ko na videohan ang eksenang yon. konti na lang makaka kiss ka na sana eh tsk tsk tsk sayang talaga pre " mahabang sabi ni jasper na nginitian nya lamang hindi mawala ang ngiti sa mga labi nya kahit na iniinis pa sya nito. at ikinuwento pa ni rodjun kay jasper ang nangyare sa loob ng bahay kaya naman lalo pa syang inasar pero hindi nya pinapansin kaya nanahimik na rin ito. samantalang kanina ay hindi maipinta ang kanyang mukha dahil nahihirapan silang hanapin kung saan ang bahay ng lola ng kaibigan ni Candice. dahil pagkarating pa lang nila ng Lemery ay nagtanong tanong na agad sila kung may nakapansin o nakakakilala kay Candice. ipinapakita lamang nya ang picture ng dalaga sa cellphone nya. nang may mapag tanungan silang tricycle driver na may pasahero na kapitbahay pala ng lola ni Rizza. kaya naman kahit na gabi na ay nang istorbo pa rin sila dahil gusto gustong makumpirma ni Marvin kung si Candice nga ang tinutukoy ng napagtanungan nila. at nang makausap nila ang matandang babae at nakita ang picture nito sa cellphone nya ay kinumpirma sa kanila na si Candice nga ang nasa bahay nito na kasama ng kanyang apo para magbakasyon. he feels relieve ng makita nya si Candice na papalapit sa kanya kanina. gusto nya sana itong yakapin pero hindi nya ginawa. nawala agad ang pagod na nararamdaman nya nung hindi pa nya nakikita ang dalaga.