C16

1746 Words
kinabukasan ay maaga kaming bumangon dahil excited na kaming mag beach at maisuot ang binili naming swimsuit. na iready na rin namin ang lahat ng kailangan na dadalhin. nakapagpahid na rin kami ng sunblock sa balat, sinuot na rin namin ang swimsuit na one piece one shoulder cut out sa tagiliran ng baywang na uso ngayon for the summer outfit ang sa amin ni Donna at ang kina rizza at julie naman ay ang one piece swimsuit na cut sa bandang tiyan ang design na pinatungan na lamang namin ng short at polo at lahat kami ay naka sun glasses pa, nag flip flop slippers na lang din kami . bago pa kami lumabas ng kwarto ay nag model model pa kami kunware sa harap ng salamin. at sa paglabas namin ay agad kaming napansin ni lola demy na pinagtawanan pa kaming apat kase naman nag rampahan kami sa harap niya at isa isa pang nag pakilala na animo ay nasa pageant kami nang unang lumabas si julie at nagsalita upang magpakilala " im candidate number 1. Julie Pescante 27 years old 33. 23.33 " at nag model pa na ginaya ang lakad na lava walk ng matapos na sya ay sumunod naman si donna na nagpakilala rin " im candidate number 2. Madonna Arce 26 years old 34 24 34 " at ginaya naman ang tanim bala walk next naman agad si rizza " im candidate number 3. Rizza Espiritu 26 years old 35 25 35 " at nag walk na akala mo ay nagmamadali dahil nag hala bira walk naman sya at ng matapos sya ay tinulak naman ako ni Donna dahil ako na ang next kaya naman nagpakilala na rin ako " im candidate number 4. Candice Pontevedra 27 years old 36 26 36 " at ginawa ko naman ang tsunami walk na sumikat noon. Naghagikhikan kami sa kalokohang aming pinag gagagawa. " Kayo talagang mga kabataan puro na kayo pasaway ngayon. Pero ang gaganda nyo mga apo at ang se sexy nyo naman sa mga suot nyo, yan na ba ang uso ngayon!? " tanong pa ni lola " totoo po lola, bagay po ba talaga samin!? " tuwang tuwang tanong pa ni rizza . " Ay oo naman apo, sige na mag si alis na kayo at mag enjoy basta mag iingat kayo ha!." si lola demy na pinag bilinan pa kami. Nagpaalam na kami kay lola na aalis na dahil kanina pa kami hinihintay nila Aileen sa resort. Pagkarating namin ay agad naman na kaming sinalubong ng magkapatid at hinila na kami sa isang nipa hut cottage na malapit sa dagat. nandon na pala lahat ng pagkain sa lamesa na pinahanda ni dailyn sa staff nila. nag picture taking pa muna kami bago nag simulang kumain at nag enjoy na kaming nagtampisaw sa dagat pagkatapos nang kainan at dahil hindi kami marunong lumangoy nagbabad na lamang kami sa mababaw lang ang tubig. ng mapagod kami ay bumalik na kami sa cottage at nag kwentuhan na naman habang kumakain ng prutas. nang mapansin namin may papalapit na dalawang lalaki kung saan kami naka pwesto. " Hi Aileen, kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala. hindi mo ba kami ipapakilala sa mga kaibigan mo?" sabi nung lalaking dumating " Ikaw pala, bakit mo naman ako hinahanap? " sagot ni aileen " Hindi ka ba sinabihan ng mama mo na aalis tayo para asikasuhin ang mga kakailanganin sa kasal? "naka kunot noo pang sabi nung lalaki kay Aileen " Edward, nag usap na tayo about this di ba. uulitin ko hindi ako magpapakasal sayo " sabi ni aileen na tahimik lang kami na nakikinig sa usapan nila. matagal na tinitigan nung edward si aileen na napansin din ata nung kasama nya kaya naman tinapik ito sa balikat upang pakalmahin siguro. " matutuloy ang kasal aileen kahit ayaw mo pa." huling sabi nung edward na tumalikod at umalis na. " Alis na kami Aileen, pag pasensyahan mo na si Edward, malakas lang talaga ang tama sayo nong kaibigan ko " sabi nung kasamang lalaki nung edward na tinanguan lang ni Aileen at umalis na rin para sundan ang kaibigan nya " ate Aileen, talagang desidido si mama na ipakasal ka kay Edward anong gagawin mo? " wika ni dailyn " Nag usap na kami ni mama kagabi at sinabi kong ayoko bahala sya gusto nya sya magpakasal. basta hindi ko susundin ang utos nya " sagot namin ni aileen " sino ba yun aileen? ang gwapo sana kaso parang mayabang kung umasta " di na nakapagtimping itanong ni Rizza " si Edward Cristobal anak ni Mayor " sagot naman ni Dailyn kay rizza " matagal ng manliligaw ni ate pero di naman nya pinapansin kaya si mama ang kinausap nila mayor para maipakasal kay ate ang anak nya at pumayag naman si mama " dugtong pang sabi ni dailyn na parang may lungkot sa mata " ang laking problema nga yan aileen, anong plano mo? gwapo naman yung edward anak pa ng mayor. bakit ayaw mo ? wala ka namang boy friend ang sabi mo di ba, masama ba ang ugali nung edward? " singit naman ni Donna sa usapan " mabait naman si Edward wala lang talaga akong maramdaman para sa kanya " aning wika ni aileen " o baka naman kase may nagugustuhan kang iba, baka pwede mo ayain ng kasal malay mo pumayag." dugtong pang sabi ni Julie sabay tawa. " yun nga eh! wala " sagot ni aileen " ah yun lang! pihikan ka din naman pala." sabi ko na kinahampas ni rizza sa braso ko. nakalimutan kong katabi ko pala sya. "ouch ha, makahampas ka rizza " asik kong sabi na tinawanan nila " eh kase naman makapagsalita ka parang ikaw hinde pihikan." saad naman ni julie " huwag na nga natin pag usapan yon. maligo na lang uli tayo.tara girls " wika ni aileen at nag aya ng maligo kami pa gabi na ng umahon na kami ng dagat. na pagod din kami sa mag hapong pag tatampisaw. " sa isang araw na ang fiesta baka bukas mag stay muna kami kina lola tutulong kami sa pagluluto. alam mo naman si lola demy sikat marami bisita pag fiesta " si rizza " masarap kaseng mag luto si lola at laging maraming dessert inihahanda " sabi naman ni aileen " ate rizza sama kayo sa bayan sa sabado ha manood tayo ng singing and dance contest don sa gabi para naman maka libot rin sina ate candice dito sa atin " wika pa ni dailyn " sige sasama kaming lahat ikaw magiging tour guide namin ha dailyn " sabi ko pang nakangiti sa kanya " tara na mga bru gusto ko ng ihiga ang pagod kong katawan na napagod sa kakalangoy " sabi ni Donna " sus parang tunay ang pagka pagod sa kaka langoy eh puro lubog sa tubig lang ang ginawa natin kanina, nag papatawa ka na naman donna hahahaha " pang aasar ko sa kanya pagbalik namin sa bahay ni lola ay may bisita syang kinakausap at nang mapansin nila kami ay pinalapit kami at ipinakilala kami. " mga apo lumapit muna kayo dito at gusto kayo makausap nitong si Kapitan Almanza." " Magandang hapon po Kapitan " sabay sabay naming bati " bakit po la, ano po ba yon kapitan ? " tanong ni rizza sa abuela " eh kase itong si kapitan gusto raw nyang magpalaro sa mga kabinataan dine pero dahil kulang sa budget ay naisip nila na baka pwede na ang magiging premyo sa mananalo ay maka pag date ng magandang dilag. na sasagutin ng barangay ang dinner date " wika ni lola na tinanguan naman ng kapitan " ano naman po ang kinalaman namin diyan lola?" tanong muli ni rizza at kaming tatlo naman ay pinakikinggan lang ang usapan nila. " ikaw na nga Kapitan ang mag paliwanag sa mga apo ko." utos pang saad ni lola sa kanilang kapitan. " tulad nga ng sinabi ni ka demy ay kulang sa budget ang aming barangay. kaya naman na i suggest ni kagawad Sally na kumausap ng mga kadalagahan na maaring pumayag sa naisip na plano para sa igagawad na palaro para sa fiesta rito sa ating barangay " pagpa paliwanag ni kapitan na senigundahan naman nung kagawad Sally. " may nakapagsabi kase sa amin na may mga bisita nga raw itong si ka demy na mga dalaga kaya naman kami narito ay upang imbitahan kayo na makisaya sa aming gaganaping palaro ng fiesta, wag kayong mag alala simpleng date lang naman iyon mga ineng after ng fiesta at may mag aassist sa inyo na tao ng barangay kaya safe naman kayo mga iha." turan pa ni Kagawad Sally. nagkatinginan kaming apat hanggang sa nagsalita na si Julie " pasensya na po hindi po ako pwede darating po bukas ng gabi ang nobyo ko ganon din po ang boy friend ni Donna." na dinigtungan naman ni donna agad " opo, darating po ang boy friend namin ni Julie kaya hindi po kami pupwede pero sina Rizza at Candice po sigurado pwede sila." sabi nyang itinuro pa kaming dalawa na ikina awang ng labi namin ni Rizza sa sinabi ni Donna " ah mabuti naman kung ganon mga iha. paano isasama ko na kayo sa list ng mga dalagang pwede maka date ng mga mananalo sa palaro ha ." tuwang tuwang sabi ng kagawad na hindi na namin nagawa pang ika tanggi ni Rizza " salamat mga ineng aasahan namin sa fiesta ang pag dating nyo. alas dos ng tanghali dapat ay naroon na kayo mga iha sa umaga kase gaganapin ang liga ng basketball sa kabataan o siya ka demy mauuna na kami at may lalakarin pa rin kami." saad ng kapitan at nag paalam na " Anong ginawa mo Donna ha? " galit na sabi ni rizza " wala naman akong ginawa ah! sabi ko lang na kayong dalawa ni candice ay pwede. kase kami naman ni julie ay may boy friend na. at kayo naman ay wala. kaya pwedeng pwede " litanya pa nya na ikinasama ng tingin ko sa kanya " wag na kayo magalit isipin nyo na lang nakatulong tayo at ienjoy na lang ninyo, mukhang masaya naman yon." pagtatanggol ni julie " tama ang kaibigan nyo apo, ienjoy nyo lang. sinigurado naman ni kapitan na hindi kayo mapapahamak dahil may magbabantay naman sa inyo." singit na ni lola sa amin kaya naman tumahimik na lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD