Candice POV
Masaya pa lang ka kwentuhan ang magkapatid at parehong mabait si Aileen at Dailyn. Nalaman namin na sa pamilya pala nila ang resort at si Dailyn ang nagma manage kapag wala ang mama nila. Isa pa lang ENT specialist si Aileen doctor sa ears, nose at throat at may sarili siyang clinic sa bayan. si Dailyn naman ay graduate ng HRM kaya naman sya ang katu katulong ng Mama nila sa resort.
Nag aya silang maligo kami sa dagat pero tumanggi kami dahil wala kaming pamalit na damit sinabi na lang namin na bukas na lamang. Ginabi na kami sa pagkukwentuhan kaya nag aya ng umuwe si Rizza.
“ Oh paano aileen, dailyn uwi na kami babalik na lang kami bukas!. Baka hinahanap na rin kami ni lola eh! ” paalam na ni Rizza sa mag kapatid
“ Sige ate Rizza, bukas ha balik kayo dito, samahan ko kayo maligo sa dagat para maenjoy nyo talaga ang pagpunta nyo rito.” sabi ni dailyn
“ Sige na umuwe na kayo baka mapagalitan ka ni lola Demy sige ka makurot ang singit mo masakit pa naman mangurot si lola. Basta bukas ha! ” wika naman ni aileen
“ Ou babalik kami bukas ie enjoy namin ang tubig dagat. Promise yan! ” paninigurado pang sabi ni Donna.
“ Mauna na kami ha!, salamat nga pala sa pa meryenda kanina. ” sabi ko sa dalawa
“ Sige na bye bye na, see you tomorrow mga ganda!. ” birong paalam ni julie pero totoo naman maganda silang magkapatid kamukha siguro sila ng mama nila kase magkamukha rin sila kahit magkaiba ang ama nilang dalawa.
nakarating na kami ng bahay at kumain. tumulong na rin kami sa pagliligpit .
nang nakahiga na kami ay kanya kanya na kami hawak ng mga cell phone, hindi kase namin nadala nung umalis kami . at sa pag bukas ko pa lang ng phone ko sunod sunod na ang messages na pumasok at missed calls na natanggap ko naisipan kong tumawag muna kila nanay para mangumusta.
“ Hello kate, nasan ka?” tanong ko pagkasagot nya sa tawag ko
“ Andito sa bahay! gabi na kaya patulog na nga ako. gusto mo bang makausap sila nanay!? ” sagot naman nya
” Oo sana, kumusta kayo diyan?” pangangamusta ko
“ Ok naman katatapos lang din namin mag hapunan. Nasa sala pa sina nanay at tatay nanonood ng tv alam mo naman bonding nila yon eh! kaya umakyat na ko para makapagsarilinan sila don at malay natin baka magkaroon pa tayo ng kapatid e di hindi na ako ang bunso” aniya na tumatawa pa.
“ Gaga menopause na yang si Nanay kaya malabo yang sinasabi mo! Wag mo na lang istorbohin pag nag tanong na lang sabihin mong tumawag ako. At ok naman kami dito kina rizza kaya wag mag alala sabihin mo. ” bilin ko pang sabi sa kanya.
“ Sige sabi mo eh!” wika niya
“ Ate nag pa deliver na naman si kuya Marvin ng bulaklak at chocolates kanina. kinain ko na yung chocolate ha baka kase hanapin mo pagbalik mo dito magdadadakdak ka na naman. ” tatawa tawa niya pang sabi
“ Kinain mo na eh! may magagawa pa ba ko, pasaway ka talaga! ” kunwareng pagalit kong sabi
“ Te candice, hindi mo ba sinabi kay kuya marvin na umalis ka ?” usisa nyang tanong siguro nagtataka sya kung bakit nagpa deliver pa rin ng bulalak si marvin ay wala naman ako sa bahay
“ hindi ko sinabi , bakit ko naman sasabihin para ano, para mag paalam sa kanya?” wika ko
“ hindi pa rin ba kayo nagkakabalikan ate candice ? akala kase namin okay na kayo ni kuya marvin eh ” pagtatanong na naman nya
“ hindi ko naman sya nobyo para mag paalam sa kanya. para ipaalam lahat ng gagawin ko Kate ”. pagkukumpirma ko pa sa kanya
“ ay sad naman akala talaga namin ate nagkabalikan na kayo hindi pa pala ” sabi nyang muli
“ Sige na Kate matulog ka na at inaantok na rin ako. bye! ” pagpapaalam ko at pinatay ko na ang tawag.
Pagkababa ko ng tawag ay kita kong naka 18 missed calls sakin si Marvin at may mga messages din sya na binasa ko na muna.
(Good morning candice)
(natanggap mo ba ang bulaklak?sana nagustuham mo?)
( hi, kumain ka na ba? pasensya na di ako makadalaw marami trabaho tinatapos)
( busy ka ba?kanina pa kase ako tumatawag hindi mo sinasagot)
( candice, pwede ba ko dumalaw sa inyo mamaya? )
( Candice, galit ka ba?)
( may problema ba, candice ? )
( please, message me kapag nabasa mo na mga chat ko sayo )
( i feel worried )
Pagkabasa ko sa mga chat nya ay mag rereply na sana ako ng mag ring ang phone ko. tumatawag sya at sinagot ko naman na
“ Hello, Marvin, pasensya na ha! hindi agad ako nakapag reply naka off kase ang phone ko kanina at iniwan ko dito sa bahay nila rizza nung lumabas kami” pag inform ko sa kanya kung bakit di ko nasasagot tawag nya
“ Kaya pala, wala ka sa inyo?” tanong nya
“ Oo nakabakasyon kami sa trabaho ng isang buwan kaya naman nag plano kami na dito na muna kami sa batangas sa lola ni Rizza upang makapag bakasyon ng ilang araw.” sabi ko pa
“ kelan ang balik nyo? ” muli nyang tanong
“ Walang exact date eh! di pa namin alam, baka after ng fiesta rito. ” sagot kong muli
“ Saan ba kayo sa batangas?” tanong na naman nya
“ Lemery , dito kami sa home town nila rizza. inaantok na ko Marvin gusto ko ng matulog. goodnight! ” paalam ko na dahil wala naman akong masabi pa sa kanya.
” Night ” dinig ko pang sabi nya bago ko pinatay ang cell phone ko.
Marvin's POV
umaga pa lang pagkarating ko ng opisina ay iniutos ko na kay Sandra ang pagpapa deliver ng bulaklak kay Candice kahit na ilang days na kong hindi nakakapunta sa kanila sinsigurado kong makakapang ligaw pa rin ako. nararamdaman ko naman na in good terms na rin kami dahil hindi nya na ko sinusungitan nakakapag usap na kami ng tulad ng dati. Pero ramdam kong umiiwas pa rin sya. Nirerespeto ko naman ang desisyon nyang wag mo na namin madaliin at handa naman akong maghintay pero akala ko madali lang hindi pala lalo na kung ganito ang sitwasyon. Dahil walang label wala akong karapatan sa kanya.
nag chat ako sa kanya pero walang reply. sinubukan kong tumawag pero cannot be reach. naka ilang message at tawag ako pero walang sagot. nakakaramdam na ko ng kahungkagan.. hindi ko alam kung iniiwasan na naman ba nya ko o kung may nagawa ba akong mali. nakaka frustrate
nang oras na ng uwian ng mga empleyado ay pumasok sa opisina ko si Jasper at rodjun nag aayang mag inom nung una ay tumanggi ako pero ang walang hiyang jasper nam blackmail na naman. inakyat namin si Arnel sa ceo's office upang yayain, marami daw syang tatapusin susunod na lang pero wala rin syang nagawa sa kakulitan ni jasper kaya naman andito kami ngayon sa isang vip room ng bar malapit sa opisina nag iinom.
panay lang ang inom ko sa alak dahil pakiramdam ko iniiwasan na naman ako ni Candice at lagi ang pag silip ko sa phone ko na kanina pa pala nila napapansin.
" may problema na naman ba pre? " si arnel na umakbay pa bago nagtanong " nakaka kalahati pa lang ako naka dalawang bote ka na, kilala kita ganyan ka kapag may iniisip na problema " dugtong pa nyang sabi
" kanina ko pa nga yan napapansin panay ang tingin sa cellphone nya " sabi naman ni rodjun
" may hinihintay ka bang tawag ? si Candice ba? akala ko ba sabi mo okay na kayo. tapos ang saya saya mo pa nung nakaraan lang at para ka pang tangang ngiti ng ngiti sa opisina mo pakanta kanta ka pa!." mahabang wika ni Jasper
" How did you know!? ",mukhang may cctv ka sa opisina ko ah! tsk.. " tanong ko sa kanya.
" May problema ka na naman ata sa Lovelife mo p're!? " balik niyang tanong.
Hindi ko sila sinagot, hindi na rin sila nangulit pa.
Tumingin akong muli sa cellphone ko at nang makita kong active na ang messenger nya ay agad ko siyang tinawagan.
Saglit kaming nagkausap at nalaman kong
wala pala siya sa kanila at nag punta ng batangas kasama ng mga kaibigan nya upang mag bakasyon ng hindi man lang nya sinabi sakin kahit na sa tuwing gabi ay nakaka videocall ko naman sya.
Pagkababa ko ng phone pumikit ako at huminga ng malalim, pag dilat ko naka titig sa akin yung tatlong pasaway kong kaibigan nakikinig pala sila kanina habang kausap ko si Candice.
" Tsk tsk..., may problema nga. " paniiguradong wika ni arnel
" Gusto mo bang sundan p're? nasa Batangas sila di ba. sa friday pupunta ako kina tito Orlando fiesta sa kanila sa sabado gusto mong sumama? kayo sasama kayo? " aya nya sabay tapik sa braso ko
" Iinom mo na lang yan pre, cheers " ani ni rodjun
" Saan daw ba sila sa batangas? " si Rodjun na panay tanong
" Lemery raw "
" Yun oh sakto lemery din ang kina tito. pinaglalapit na talaga kayo uli ni kupido p're "
masayang sabi ni Rodjun.