C14

1294 Words
Dumaan ang dalawang araw na hindi nakakadalaw si Marvin kina Candice dahil sa busy s'ya sa kanyang trabaho. Medyo malayo rin kase ang bahay ng dalaga, sa taytay pa! pero wala namang araw na hindi pumapalya ng tawag si Marvin upang kumustahin si Candice, ganoon din ang pagpapadala nito ng bulaklak at chocolates. Nagbivideo call sila sa gabi at di sinasadya ang pagrereminisce ng magagandang bagay noong sila pa sa alaminos na napag uusapan din nila paminsan minsan. Dumating ang araw ng Wednesday, ang araw ng alis nilang magkakaibigan patungong Batangas. Madaling araw pa lang ay nagkita kita na sila sa terminal ng bus nahuli naman ng dating si Donna dahil ang usapan ay alas sais dapat makaalis na sila pero dumating si Donna mag aalas syete na. Nasiraan daw ng sasakyan si Daniel sa daan at inayos pa raw gusto daw kase ng boyfriend niyang maihatid s'ya, kaya naman hinintay nya pa. buong byahe ay nagsasalitan sila ng tulog dahil lahat sila maaga nagising hanggang sa makarating na sila sa bahay ng lola ni Rizza. “ Lola...,,, Lola Demy, kumusta po! na miss ko po kayo! ” salubong ni rizza sa kanyang abuela ng makita nyang nasa bakuran lang ang lola nya at may kinakausap ito na isang babae na may hawak na walis tingting. “ Aba Rizza ang apo ko! ” ani ng lola nya at saglit syang niyakap at hinagkan sa noo. “ Ang aga nyo naman nakarating akala ko ay mamayang hapon pa kayo apo ng mga kaibigan mo!.” ani pa ni lola sa amin “ Ay la, mga kaibigan ko nga po pala at kasama din po sa work , si Julie, Candice at Donna po kasama ko po silang magbabakasyon dito ng ilang araw.” pagpapakilala sa amin ni Rizza. “ Hi po lola demy!, magandang umaga po. ” bati ni Julie sa abuela ni Rizza na sinundan na rin nila Candice at Donna na nagmano pa sa matandang babae na ikinatuwa ng lola ni Rizza sa kanila. " Ang gagalang na mga bata! magandang umaga mga iha kayo pala mga kaibigang madalas ikuwento nitong apo ko!, tara sa loob ng bahay at ng makakain na kayo at magtatanghalian na rin naman ng makapag pahinga agad kayo siguradong pagod pa kayo sa byahe niyan!. ” mahabang saad ni lola sa kanila. " Thank you po uli lola " sabay na sabi nila Candice, Julie at Donna. “ Rizza, naka ayos na ang kwarto ninyong apat. Na itawag na sa akin ng mama mo na darating kayo ngayon kaya naman pinaayos ko na ang tutulugan ninyong magkakaibigan.” sabi ni lola kay Rizza “ Salamat po lola demy! ” sabay na naman namin nasabing tatlo kaya nag sitawanan na naman kami pati si lola natawa na rin. pumasok kaming apat sa ibinigay sa aming tulugan maganda naman may aircon may sariling cr sa loob ng room dalawang double deck na higaan at may built in cabinet rin sakto para talaga sa amin at ang kulay ng wall girl na girl kulay pink. “ Ang ganda ng lugar nyo bru ang sarap nga mag bakasyon dito infairness ha! ” sabi ni julie na sinegundahan ni donna “ Ou nga lalo na malapit lang pala sa mga resort dito ang bahay ng lola mo bru. Nakakarelax ang simoy ng hangin! ” na sabi nya “ Ou bru kaya nga gusto ko talaga dito kay lola, mamaya bru samahan nyo ko ha puntahan natin mga kababata ko ipapakilala ko din kayo sa kanila. Mababait ang mga yon sigurado ako na makakasundo niyo sila!. ” si Rizza na excited makita ang mga kaibigan pa nya sa lugar nila. Nang maiayos na namin ang mga gamit namin at nakapag freshen up na kami ay magkakasunod na kaming lumabas ng room upang kumain na ng tanghalian. Hindi na kami nag tagal pa sa kwarto dahil mga gutom na rin kami. “ Wow naman lola ang sarap ng inihanda nyo ” sabi ni donna. Dahil talagang masarap ang nakikita namin. Inihaw na tilapya at bangus at ensaladang talong na may maraming kamatis at tinolang manok ang nakahain sa lamesa. “ Parang mananaba lalo tayo rito mga bru ” tanging nasabi ko na naiiling pa. “ Ayos lang yon para magkalaman naman tayo ” sabi ni julie. “ ah feeling mo payat kami,? dinamay mo pa ako ay kami palang tatlo! ” sagot ko sa sinabi nya na natawa pa sina Donna at Rizza. “ Sexy tayo mga bru hindi tayo payat ah si julie lang. ” si Donna na tumirada na naman ang bibig sa pang aasar na naman niya kay julie kaya inirapan siya nito. “ Tama sexy tayo tatlo di ba lola sexy kaming tatlo si julie lang ang payat!? ” ani pang tanong ni Rizza sa abuela nya na ikinatawa nito ng malakas dahil sa sinabi sa kanya ng apo niya. “ Mga palabiro pala kayo mga iha kinawawa nyo pa itong si Julie. hala sige kumain kayo ng kumain at ng tumaba kayong lalo! ” sabi ng lola ni Rizza at napuno ng tawanan ang hapag kainan dahil sa sinabi nya ay walang naka angal. Bandang hapon ay inaya na kami ni rRizza upang puntahan ang mga kakilala niya para makapag libo't libot na rin daw kami sabi ni lola. Nakarating kami sa isang resort na malapit lang kina lola pero mas okay sana kung nag tricycle na lang kami dahil nakakapagod din pala ang maglakad lalo na kung ang daan ay mabato dahil sa gilid kami ng kalsada ipinadadaan ni Rizza. “ Aileen..., Dailyn ....” tawag ni Rizza sa dalawang babaeng kita naming nakatayo malapit sa reception area ng resort na nag uusap pa ata. “ Rizza ikaw ba yan!?Ay ikaw nga Rizza, ang ganda na natin ngayon ha! kelan ka pa dumating? bulalas ng isa sa mga babae na niyakap pa muna si Rizza sabay hampas na ikinangiti naming tatlo at nag tinginan kaya pala mapanakit si rizza gawain ata ng mga taga rito ang pag hampas sa braso. “ Ate Rizza buti naka dalaw ka uli, na miss ka namin ni ate Aileen. Matagal ka ring hindi nakapasyal dito sa atin di ba! ” bati ng isa pang babae at niyakap naman ni Rizza na ikipinagtinginan uli naming tatlo dahil hindi naman pala lahat ng taga rito ay katulad nila Rizza at Aileen na mapanakit. “ Ou Dailyn magbabakasyon kami dito ng mga kaibigan ko kasama ko din sila sa trabaho! ” litanya ni Rizza. ‘’ Pakilala kayo sa isa’t isa bilis! ‘’ utos pa nya sa amin na galak na galak na akala mo ay bata kaya na iling iling na lang si julie sa inaakto ni Rizza. ‘’ Hi im Candice Pontevedra ” “ Im Julie Pescante ” “ And im Madonna Arce. Donna na lang para mas maganda.” isa isa naming pagpapakilala habang kumakaway “ Hi din im Aileen de Paz ” “ Hi din po im Dailyn Delos Santos, magkapatid po kami! ” “ Yan nagkakilalan na kayo oo nga pala mga bru magkapatid sila ha baka mag taka kase kayo magkaiba sila ng apelyido magkapatid lang sila sa ina kase magka iba sila ng ama. ” imporma ni Rizza sa amin. “ Hoy! ikaw ha, tsini tsismis mo na agad kami sa kanila. ” turan na biro ni Aileen sa kanya. “ Totoo ang tsismis kala mo naman maitatago nyo pa yon! ” pa angil na sagot naman ni Rizza kay Aileen kaya hinampas na naman siya sa braso ni Aileen. Nagkatinginan na naman kaming tatlo at pasimpleng bumulong si Donna sa amin kompirmado mabilis din ang kamay kaya dapat wag tayo magsisilapit sa kanila na ikinatangong sagot namin ni julie sa kanya at mahinang napangiti pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD