Pagkarating nila ng simbahan ng Antipolo ay tahimik lamang sila nakikinig ng misa. Naalala ni Candice ang nakaraan tuwing sunday, lagi silang nagsisimba ni Marvin mula ng manligaw sa kanya ang lalaki hanggang sa naging sila ay walang palya ang lingguhan nilang pagsisimba noon.
Maghapon silang magkasama pag araw ng linggo, after ng misa kakain sila sa fast food na madalas nilang kainan. Tatambay ng plaza, mag iikot sa tyanggean kapag may nagustuhan siya agad na binibili ni Marvin para sa kanya. Naalala pa niya minsan na na cute-an lang siya sa isang figurine na angel ang design na parang inaabot ang isang malaking hugis puso hinawakan niya lang pero wala naman siyang balak na bilhin lalo na ng makita niya ang presyo na ang mahal para sa kanya, kaya binitiwan niya na agad at nang gabi na hinatid na siya ni Marvin sa bahay nila ay may iniabot sa kanya bago umalis at ng nakapasok na siya ng bahay nila ay dumiretso siya ng kwarto at agad niyang binuksan ang laman ng box at napatakip siya ng bibig sa pagkamangha dahil iyon ang figurine na hinawakan niya kanina. Hindi niya napansin na binili pala ni Marvin para sa kanya ang figurine na iyon at mula noon iniwasan na niya ang paghawak sa mga bagay na magustuhan niya kapag nasa tabi niya lang si Marvin. Ngunit dahil rin sa pangyayareng inakala niyang pinaglaruan lang siya ni Marvin noon ay binasag niya yun kasama ng ibang mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya sa lalaki except sa isang bagay na itinago nya lang.
“Peace be with you.” rinig niyang sabi ni Marvin na nagpabalik ng diwa niya na agad rin niyang sinagot ng “peace be with you.” ang lalaki at natapos ang misa ng mapayapa.
“Pwede bang kumain na muna tayo bago bumalik sa inyo?” tanong ni Marvin na nagugutom na yata.
“Bakit, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kanya.
“Malapit na rin kase mag alas dose kaya siguro nakakaramdam na ako ng gutom. Ikaw ba, hindi ka pa nagugutom?” turan niya.
“May alam ka bang masarap kainan dito?” tanong kong muli at sumilay na naman ang ngiti niya.
“May alam akong restaurant malapit dito, masarap ang pagkain nila dun, lalo na ang sinigang na hipon at bagnet nila.” pangtatakam pa niyang sabi, alam niyang gustong gusto ko ang hipon kahit anong klaseng luto basta hipon tulad ng buttered shrimp, steam shrimp with chili soy sauce, ginataang hipon na may kamias kahit nga okoy ay gustong gusto ko lalong lalo na kapag crispy. isama na pati ang vermicilli with shrimps na madalas kong i request na lutuin ng nanay ko.
“Grabe ha alam mo pa rin ang mga gusto ko hanggang ngayon?” bulalas kong sabi.
“Lahat lahat ng may kinalaman sayo Candice hindi ko nakalimutan kailanman, lahat ng gusto mo nakatatak sa isip ko.” wika niya na ikinatahimik ko, hindi ko inasahan ang isinagot niya, na nagpabilis na naman ng pintig ng puso ko.
“Tara na, gutom na ko.” at sabay na kaming nag lakad patungo sa restaurant na sinasabi n'ya.
Napasarap ang kain naming dalawa nagkakwentuhan na rin kami habang kumakain, nalaman ko na isa na pala siyang engineer sa isang kompanya na pagmamay ari ng pamilya ng matalik niyang kaibigan, sa isang university sa manila siya nakapagtapos ng pag aaral, wala na rin pala ang papa niya, namatay rin isang taon pagkatapos niya makagraduate ng kolehiyo at sa edad na bente otso ay binata pa rin, nag iisa na lamang siya sa buhay dahil nag iisang anak lang naman kase siya ng mga magulang niya.
Naikwento ko na rin sa kanya ang buhay ko ng mawala siya, hindi na ako nakapagtapos ng kolehiyo, nakatungtong lang ako hanggang first year college sa paaralan malapit sa amin dahil nagkasakit si Nanay at kailangan operahan at malaking halaga ang kinailangan. Nabaon kami sa utang noon kaya hindi na ako nakapagpatuloy pa. Hindi ko na natupad ang pangarap kong maging guro. Nag aral ako sa isang training center ng pananahi at pagiging mananahi na nga ang kinabagsakan ko ang kinukuhanan ko ng kabuhayan. Maayos naman ang buhay namin ngayon kaya naman kuntento na rin ako, nakakatulong ako sa magulang ko at sa pagpapa aral kay Kate sapat na sa akin yon, lalo na ang makitang kahit na sa simpleng buhay lang mayroon kami ay buo kami at masaya sa araw araw naming magkakasama.
“Daan muna pala tayo sa pasalubong center dito gusto ko ibili sina nanay ng kasoy at suman pati ng kropek at coco jam bago tayo bumalik sa amin." request ko pa sa kanya ng pabalik na kami sa plaza.
“Yun lang pala, tara!. bibili rin ako ng madami para ibigay sa mga kaibigan ko.” sabi niya naman.
Masaya kaming namili at nakipagtawaran sa mga tindera sa bilihan ng pasalubong na binigyan naman kami ng discount dahil sa dami nga ng pinamili ni Marvin na hindi ko din inasahan na tototohanin niya ang sinabi niyang bibili siya ng madami akala ko ay biro lang niya 'yon.
"Ang dami mo naman atang kaibigan, napakarami ng binili mo eh!"
"Hindi naman! Masaya lang ako ngayon kaya napabili ako ng madami kase kasama kita! "
Wika ni Marvin na ikinainit ng mga pisngi ko kaya tumalikod ako dahil hindi ko mapigilan ang mapangiti ng dahil sa kilig na aking nadarama at ayokong makita niya na kinikilig ako sa kanyang sinabi.
"Uwe na nga tayo! Baka kanina pa ko hinihintay ni nanay." pagaaya ko na sa kanya. At nauna na akong bumalik sa pinagparadahan niya ng sasakyan na ikinasunod naman niya sa akin.
Pagkarating sa bahay ay tinanong ko siya kung papasok pa ba siya ng bahay o uuwe na hapon na rin kase at sinabi ko na mag gogrocery pa kami nila nanay ko. Ramdam kong ayaw pa sana niyang umalis pero sa pagkakasabi ko ay parang pinagtutulakan ko na rin siyang umalis na.
“Sige aalis na ko, ingat kayo nila tita mamaya sa pupuntahan ninyo ha!” aniya pa at nagbilin pa talaga at iniabot ang mga pinamili ko na dinagdagan niya ng ilan sa mga binili niya na sinabi kong wag na pero nagpumilit pa rin siya kaya hinayaan ko na lang.
"Thank you!" pasalamat ko pa sa kanya.
"Candice, thanks for this day! Nag enjoy ako, sana ikaw rin!" pahabol pa niyang sabi. Nginitian ko siya at tumango.
“Ikaw din, mag ingat ka sa pag da drive mo. Nag enjoy akong kasama ka, Marvin!” pagpapaalam ko na ikinakaway ko pa sa kanya.
Malawak ang ngiti niya sa akin ng paandarin na niya ang makina ng kanyang sasakyan. Tiningnan ko muna ang pag alis niya at saka ako pumasok na ng bahay bitbit ang pasalubong na aming binili kanina.
Pagpasok ko ng bahay ay saglit lang ako nagahinga at inaya ko na sina Kate at nanay na umalis.
Nag grocery kami nila nanay at Kate ng hapon na yun ng mga pang stock sa bahay for two weeks dahil naisip kong baka matagalan ako sa probinsya nila Rizza. Bumili ako ng mga toiletries na gagamitin ko don at ilang novel story book na babaunin ko para hindi ako mainip sa byahe namin nila Julie sa bus hanggang makarating kami sa lugar ng lola ni Rizza.
Mahilig kase ako magbasa, gusto ko yung mga love story with action, nagmana kami ni Kate sa nanay namin na ang sabi ng tatay ko noon dahil nung kabataan ni nanay mahilig daw magbasa ng mga komiks at mahilig makinig ng kwento sa radyo.
Pagkatapos namin sa grocery inaya ko silang kumain kami sa labas pero wag na raw ang sabi ng nanay ko at mag take out na lang daw kami ng lutong manok para mapadali kami at maggigisa na lang daw si nanay ng repolyo sa bawang at luya para madaling luto lang. Pagod na rin kase siya at sumasakit na ang paa sa kakalakad at naghihintay din si tatay sa parkingan ng supermarket at baka mainip sa paghihintay sa amin.