C12

1130 Words
Kiinagabihan habang matutulog na sana ako ay nag ring ang phone ko, nakita kong unregistered number kaya hindi ko sinagot hinayaan ko lang mag ring hanggang matapos maya maya ay nag ring na naman kaya pinatay ko agad ang tawag. Tumunog na naman hindi ko pa rin inaccept ang call dahil hindi talaga ako sumasagot ng tawag kapag unregistered number ng may marecieve akong message. ( Candice, please answer my call.) text message mula kay Marvin. "Si Marvin pala ang tumatawag paano niyang nalaman ang number ko, wala naman akong natatandaan na binigay ko number ko sa kanya!?." Tanong ko sa isip ko. Kaya ng mag ring uli ang phone ko at sigurado na akong siya ang tumatawag ay sinagot ko na. “Hello...” wika ko pagkasagot ko sa tawag ni Marvin. ( Ummm..hello candice..na istorbo ba kita!? natutulog ka na ba?) aning tanong na kinakabahan ni Marvin ng sagutin ko na ang tawag niya. “Hindi naman, patulog pa lang, napatawag ka?) aning sagot ko sa kanya. “Sino nga pala nagbigay sa iyo ng cellphone number ko?” dugtong ko pang tanong sa kanya although may hinala na ako kung sino. ( Umm...sorry Candice ha, hiningi ko kanina kay Kate. Wag mo pagalitan ha pinilit ko lang siya na ibigay ang number mo sa akin. Ayaw nga niya ibigay baka raw kase pagalitan mo s'ya.) pagtatanggol niya sa kapatid ko. “Pero bakit hindi mo sa akin hiningi? nagkausap naman tayo kanina, bakit kay Kate mo pa talaga hiningi kung pwede naman sa akin?” paangil ko pang tanong sa kanya. (Huwag ka ng magalit Candice, sorry, nahihiya kase ako sa iyo kanina baka kase hindi mo din ibigay sa'kin.) pagsasabi niya ng totoo. “ Ay hayaan na nga! bakit nga tumawag ka?" tanong ko ulit. Kanina ko pa kase tinatanong hindi pa rin nya sinagot. ( May lakad ka ba bukas Candice? pwede ba kitang imbitahang lumabas bukas?) tanong at pasimple niyang pag-aaya. “Marami akong gagawin bukas Marvin.” sabi ko dahil yun naman ang totoo balak kong magsimba at yayain mag grocery si Nanay bukas. ( Sa ibang araw na lang siguro, baka pwede na!) saad niyang may panghihinayang. “Marvin, inaantok na ko gabi na gusto ko ng matulog.” pagpaalam ko na. ( Okay, good night candice!) sagot niya at rinig ko pa ang buntong hininga nya at ini off ko na ang cell phone ko ramdam ko naman gusto nya mag effort sa panliligaw pero ayokong madaliin ang lahat mabuti na lamang kanina ay may tumawag sa kanya kaya naman napauwe sya agad. Kinaumagahan ay tanghale na ko nagising at bumangon ginawa ko na ang morning routine ko bago ako bumaba at sa pagbaba ko ng hagdan ay may bumati sakin “Good morning, Candice!.” pagbati sa akin ni Marvin ng makita niya kong bumababa ng hagdan na ikinapagtaka ko bakit na naman sya nandito at ang aga pa. “Anong ginagawa mo rito?” ang nasabi ko dahil sa kabiglaanan at nabanaag ko ang lungkot sa kanyang mata. “Nakababa ka na pala anak, kadarating lang din ni Marvin nagdala siya ng mga prutas para sayo!" wika ni nanay paglabas niya galing ng kusina. Tinignan ko si Marvin at nakatingin din s'ya sakin nginitian ko siya at pinasalamatan at nagliwanag ang kanyang mukha. “Umm nakapagbreakfast ka na ba? tara sa kusina sabayan mo na kong magkape.” pag aaya ko pa “Tapos na, inalok ako ni tita kanina magkape.” saad niya pero sumunod din s'ya sa kusina. Nagtimpla ako ng kape ko at habang nag aalmusal ako ay inabutan ko sya ng mansanas at orange at inutos kong balatan niya para kainin n'ya just like the old times nung nasa Alaminos pa kami. “Wala ka bang gagawin ngayon?aga mo ata bumisita?” tanong ko. “Sunday naman ngayon walang pasok sa opisina, wala naman din akong gagawin kaya naisip kong dalhan ka ng paborito mong prutas.” sagot niya agad sa akin. “Magsisimba ako mamaya, gusto mo bang samahan ako?” pag aaya ko sa kanya na kinapansin kong natigilan s'ya maya maya ay halata na sa mukha niya ang kasiyahan. “Ayaw mo ba? okay lang naman kung ayaw mo! Sanay naman akong mag isang nagsisimba.” sabi ko lang kunware pero alam kong gusto niya ang idea na makakasama ko siya sa pagsimba. “Sasamahan kita, Candice!” agad niyang sagot. “Anong oras pala tayo aalis? saan mo ba gustong magsimba? gusto mo ba sa antipolo tayo? malapit lang naman dito yon.” sunod sunod niyang tanong na napaghahalataan siyang excited. “Kalma, wag kang pahalatang excited ka. Okay sige sa antipolo tayo magsimba, matagal na rin hindi ako nagagawi dun!" turan ko sa kanya na hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Napahimas siya sa kanyang batok. Lihim akong napangiti sa ginawa niya hanggang ngayon talaga mannerism pa rin niya iyon. Natapos ang pag aalmusal ko at naubos naman niya ang prutas. Pagkatapos kong magligpit sa kusina ay bumalik kami ng sala. Iniwan ko na muna siya doon upang makapagpalit na ng damit at nang makapagsimba na kami. Medyo natagalan pa ko sa pagpili ng aking susuotin at sinigurado kong maganda akong haharap sa kanya mamaya. pagbaba ko ay kita ko ang pagkahanga sa kanyang mga mata nakababa na ko ng hagdan ay nakatulala pa rin kase siya. “Laway mo tumutulo na!“ biro ko sa kanya kaya naman agad din siyang nagpahid ng bibig ng ma realize niyang binibiro ko lamang s'ya ay napapalatak siya at tinawanan ko siya at tumawa na rin siya. “Ate, san kayo pupunta ni kuya Marvin?” tanong ni Kate, pagpasok niya ng bahay dahil kita niyang nakadamit pang porma na ako. “Magsisimba kami sa Antipolo, saan ka galing?" aniya ko at tanong na rin sa kanya. “Kina Angela, ibinalik ko lang yung mga books na hiniram ko sa kanya nung isang araw.” sagot ng kapatid ko na tinanguan ko naman. “Sama ako ate Candice!” wika niya pang naglalambing. “Kate, mamaya ka nang magsimba. Tulungan mo muna akong gumawa ng peanut butter may 10 bote na order sa akin si mareng Susan at rush iyon , kaya wag mo kong iwan para may maitusan ako rito." singit na sabi ni nanay na hinila pa si Kate papuntang kusina. “Nay naman eh! pwede naman yan mamaya.” dinig pa namin ni Marvin ang angal ni kate. Natawa ako sa ginawa ni nanay mukhang boto na naman siya kay Marvin tulad lang din ng dati. Nagpaalam na kami sa kanila at inaya ko naman siyang umalis na., Pagsakay namin ng sasakyan niya saka ko lang napagtanto na para din pala kaming magdidate na dalawa. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD