C11

1370 Words
Candice POV Pagkarating ko sa bahay inabutan ko pang kumakain ang mga magulang ko at si Kate ng hapunan. “Mano po Nay, Tay!” pagbati ko sa kanila. “Sumabay ka nang kumain sa ‘min.” aya ni tatay. “Kate, ipaghain mo ang ate mo.” utos naman ni nanay sa kapatid ko. “Ate, ipaghain na ba kita? kakain ka na o mamaya pa?” tanong pa ni Kate. “Oo sige, ipaghain mo na ko, salamat! aakyat lang muna ako para makapagpalit ng damit pambahay." sabi ko pa at tumalikod na sa kanila. Pagpasok ko ng kwarto ay nagpalit na ko ng damit at umupo muna ako sa aking vanity table with mirror at nanalamin “Ang gaga mo! ang tanga mo!” kausap ko sa aking sarili sa harap ng salamin at kinutusan ko pa ang ulo ko. Nagbuntong hininga ako para kalmahin ang sarili ko, paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang pag uusap namin ni Marvin. Kanina paglabas ko ng sasakyan niya ay hindi ko na napigilan ang paghagulgol ng iyak gusto kong bawiin ang mga nasabi ko sa kanya pero buo na ang desisyon ko gusto ko ng closure upang tuldukan na ang nakaraan namin na pareho pala kaming naging biktima ng sitwasyon noon. Ang sabi niya mahal pa rin niya ako, kung totoo man iyon gagawa siya ng paraan upang sa huli ay kami pa rin ang magkatuluyan. Nang makita ko siya kanina sa harap ng pabrika at makiusap s'yang mag usap kami naalala ko sinabi nila Julie kaya pumayag ako at pinakinggan ko siya sa lahat ng pagpapaliwanag n'ya at ramdam ko naman nagsasabi siya ng totoo. Kung hihingi man siya ng second chance siguro mas mabuting simulan ulit namin sa umpisa at sa pag uusap namin ay narealize kong hindi naman s'ya nawala sa puso ko kaya siguro wala akong naging boyfriend bukod sa kanya. “Ate.. ate.. ate candice, bumaba ka na raw sabi ni Nanay at kumain kana raw!” tawag pa ni Kate. Nang nasa hapagkainan na ko ay kinausap ko sila tungkol sa Temporary Stop Operation ng pabrika na isang buwan kaming walang trabaho at pati ang pagbabakasyon sa batangas namin nila Rizza ng ilang araw. Kinabukasan sa pabrika ay nagkaroon na naman ng pagpapatawag sa mga trabahador at pinapila kami para sa mga magreresign o maghihintay ay nagpasign list sila at iniannounce na halfday lang ang pasok namin ngayon kaya naman maaga kaming natapos sa pabrika pero dumiretso kaming apat sa malapit lang na mall. “Kain muna tayo mga bru.” si Rizza na halatang gutom na ng mapatapat kami sa mga fast food restaurant. “Jabee na lang tayo, gusto ko kumain ng burger steak." sabi ko naman kase paborito ko yon. “Sige tara, tayo na lang Rizza ang mag order, hanap na kayo ng table natin, mahirap pa naman ngayon sabado madaming tao.” ani ni Julie “Okay, tara Candice sa banda roon tayo may bakante pa.” aya naman ni Donna na ikinasunod ko na. After a few minutes dumating na sila Julie at Rizza bitbit ang tray ng inorder nilang food at sinimulan na namin ang pagkain at kwentuhan. “Kailan ang alis natin papuntang batangas?” tanong ni Donna sa'min, siya kase talaga ang excited bukod kay Rizza syempre. “Kung okay lang sa inyo sa Wednesday na para makatulong tayo sa preparation ng fiesta kina lola sa sabado na kase 'yon!?” sagot ni Rizza “Walang problema sa akin kahit anong araw. Ewan ko lang sa kanilang dalawa eh may bitbit na extra baggage sila di ba!” sabi ko naman. “Pwede naman mauna tayo pumunta, susunod na lang mga jowa namin.” wika namang saad ni Julie. May mga trabaho din kase sina Jeff at Daniel. Pagkatapos namin kumain ay nag ikot ikot na kami sa mall at namili. Bumili kami ng mga bathing suit na susuotin namin sa beach at si Rizza damit na pampasalubong daw niya sa lola niya. Bumili na rin kami ng sun glasses at mga sunblock lotion, robe towel at beach slippers. ibinili ko na din ng damit sina nanay, tatay at Kate. bumili din kami ng cassava cake pampasalubong namin. Nang mapagod kami ay nag aya nang magsiuwian ang mga kasama ko. Pagkababa ko ng tricycle ay may napansin akong sasakyan sa tapat ng bakuran namin at pamilyar sa akin ang sasakyan. Diretso na kong pumasok at nakita ko ang tricycle ni tatay sa loob kaya sigurado ako na di siya namasada. “Nay, andito na po ako!” sabi ko pagkapasok ko pa lang ng pinto ng nakita ko si nanay na nakaupo sala. “Nay, may pasalubong ako binili ko kayo nila tatay at Kate ng damit. Half day lang po kase kami ngayon kaya po nakapagmall kami nila julie, bumili din po ako ng cassava cake paborito ni tatay.” mahaba kong litanya at lumapit sa nanay ko upang magmano. “Nak, may bisita tayo!” ang sabi ng nanay ko na hinawakan pa ko sa braso hindi ko alam na may iba pala silang kasamang nakaupo sa kabilang side ng sala kaya hindi ko napansin. Napaawang ang labi ko ng makita ko kung sino ang bisita. Bumilis ang pintig ng puso ko at bigla akong na concious sa itsura ko, nagtataka din ako kung bakit nasa loob ng bahay namin si Marvin. “Magandang hapon Candice, for you nga pala.” bati niya habang tumatayo at iniabot sa akin ang bulaklak na hawak niya na iba ibang kulay ng tulips. Tinanggap ko naman at nginitian ko s'ya dahil hindi pa rin pala niya nakakalimutan na mahilig ako sa tulips. Pero hindi ko maiwasan ang mangamba dahil nasa harap kami ng magulang ko, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ikilos. Tumingin ako sa mga magulang ko. “Tay, Nay!? ayos lang po bang nandito siya? tanong ko na mahahalatang hindi ako komportable na magkakaharap kami. “Nagkausap na kami kanina Candice at naipaliwanag na niya samin. Valid naman ang reason na ibinigay n'ya at naniniwala kami sa sinabi nya kaya wag ka ng mag alala okay na kami ng nanay mo.” sabi ng tatay ko at tumingin pa sa nanay ko. “Oo Candice, nasabi na rin ni Marvin na nakapag usap na pala kayo kahapon, kanina pa siya dito at talagang hinihintay ka.” turan naman ni nanay na nahalata ata na kinakabahan ako. “Maiwan ko na kayo at ako ay mamasada pa, babalik na lang ako bago maghapunan.” paalam ng tatay ko. “Mag iingat ka!" bilin ni nanay sa tatay ko. "Ako rin maiwan ko na muna kayo at pupunta lang ako ng kusina at mabigyan ng cassava cake na dala mo yang si Marvin.” tanging nasabi na lamang ni nanay at naiwan na kami ni Marvin sa sala. “Maupo ka nakakangalay pa naman ang nakatayo, salamat sa tulips.” basag ko sa katahimikang namayani ng umalis na sina tatay at nanay. “Pasensiya na Candice sa pagpunta ko rito, gusto ko rin kase makahingi ng tawad kina tito at tita and at the same time makapagpaliwanag na rin.” wika niyang alam kong kinakabahan din sya. “Aaminin ko nagulat ako ng makita kitang narito at kausap ang mga magulang ko, dahil hindi ko pa nasabi ang tungkol sa pag uusap natin kahapon at hindi ko rin inaasahan na magkakalakas ka ng loob na harapin sila.” pag amin ko sa naramdaman ko kanina ng malaman kong siya ang bisitang tinutukoy ni nanay. “Candice, pwede ba tayong magsimulang muli? pwede ba akong manligaw ulit?" sabi niya habang nakatitig sa’kin. Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin bigla na lang nagblush ang pisngi ko kaya naman yumuko ako at narinig ko ang boses ni Kate na kumakanta ng, Muling ibalik ang tamis ng pag ibig, Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal. Muling ibalik ang tamis ng pag ibig Sayang naman ang ating nakaraan. Nasa tapat pala sya ng pintuan at sigurado akong nakikinig s'ya sa usapan namin, kaya sinamaan ko sya ng tingin at tatawa- tawang umalis. Pagtingin kong muli kay Marvin ay nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD