Nandito ako ngayon sa paborito naming Resto Bar na magkakaibigan sa Antipolo na may tumutugtog na banda. After naming mag usap ni Candice ay dito ako dumiretso. Gusto kong mag inom, mag lasing upang makalimot sa sakit na aking nadarama.
‘’1 bottle ng whiskey nga!‘’ order ko sa bartender. Isinerve niya sa harapan ko na agad kong ininom. Nakakailang baso na ko ng mag ring ang phone ko. Sinipat ko na muna kung sino ang tumatawag sa akin. At ng makita ko kung sino ay sinagot ko na agad ang tawag.
‘’Bakit P’re, napatawag ka? may problema ka din ba, tulad ko?” bungad kong sagot na pabiro sa tawag n'ya.
“What the f*ck p’re!, nasa bar ka ba? Nag iinom ka, tapos ikaw lang mag isa diyan. Bakit hindi mo man lang kami inaya nila Rodjun?” ang sabi ng kaibigan kong si Jasper na napapalatak pa sa kabilang linya.
“Oo, tara inom tayo dito!. Samahan mo ko, gusto ko makalimot ngayong gabi pre.” pag aaya ko pa sa kanya.
“Tatawagan ko sina Arnel at Rodjun, huwag kang aalis diyan ha, asshole.! ” utos pa niyang sabi bago pinatay ang tawag niya.
“Tsk, bakit naman ako aalis gusto ko pa ngang mag inom.” sabi ko sa aking sarili na medyo nakakaramdam na ko ng pagkalasing.
Nang magsimulang magpatugtog ang banda ngayong gabi at dinig ko pang may nagrequest ng song ng isang sikat na singer noon na ang title ay Love Will Find A way tahimik lang akong nakikinig at ninamnam ang lyrics ng kanta ng nasa chorus na ay sinabayan ko na ito.
No the rain won’t last forever
find a way to make it better
Long as we can stand together
Love will find a way.
Gonna make a new tomorrow
Say goodbye to tears and sorrow
Better listen when I say
Love will find a way.
Natapos ang kanta ng banda na nakapagbigay sa akin ng pag asa. At naisip ko na hindi ko dapat sukuan si Candice kahit na ilang beses pa n'ya akong ipagtabuyan.
Malapit ko ng maubos ang laman ng isang bote ng whiskey na iniinom ko ng makaramdam ako ng panunubig kaya tumayo ako at naglakad patungo ng men’s room ng may humarang na babae sa aking daraanan.
‘’Hi, handsome!, nag iisa ka ata. Kanina ko pa kase napapansin na wala kang kasama at mag isa ka lang nag iinom sa bar counter. Gusto mo bang samahan kita?” wika ng sexy at magandang babae sa harapan ko.
“Sorry miss, pero hindi ako interesado. Will you excuse me, kanina pa ko naiihi.” wika ko at dahil sa marami na akong nainom ay naglakad ako ng pasuray suray at natabig ko pa ang babae at malakas siyang napaaray na may biglang lumapit sa kanyang lalaki na inismiran at tinalikuran naman ng babae.
At sa inis siguro nung lalaki sa ginawa sa kanya ng babaeng kumausap sa akin ay bigla na lamang akong sinuntok. Gaganti na sana ako ng suntok ng hawakan ako ng dalawang lalaki sa aking magkabilaang braso at sinuntok uli ako nung lalaking sumapak sa akin at nang susuntukin na naman akong muli ay hindi na dumapo sa mukha ko ang kamao niya dahil nasalag ni jasper at agad naman siyang sinuntok ni Arnel at yung dalawang lalaki ay binitiwan na ako upang tulungan ang kasama nila.
Nakita kong kumuha ng bote ng beer ang isa sa humawak sa akin na hahampasin sana si Arnel sa likod ay agad itong sinipa ni jasper at nakipagsuntukan naman ang isa pa kay Arnel.
Agad akong nilapitan ni Rodjun at inalalayang tumayo habang pinagtutulungan ni Jasper at Arnel yung tatlong lalaki na gusto akong bugbugin.
“Ayos ka lang ba P‘re” dinig kong tanong ni Rodjun na tinanguan ko lamang dahil nahihilo na ko.
“Mukhang marami ng nainom yan p’re lasing na eh!” boses ni Arnel ang naulinigan kong nag salita.
Kinaumagahan ay nagising ako sa may sala na masakit ang ulo dahil sa hang over. Alam kong marami akong nainom kagabi at pinilit kong alalahanin ang mga nangyare. Natandaan ko pang napaaway ako at dumating sina Arnel, Jasper at Rodjun upang tulungan ako pero hindi ko na matandaan kung paano kami nakaalis ng restobar. Iginala ko ang paningin ko sa buong silid ng mapansin ko ang malaking portrait ni Romary na girlfriend ng kaibigan kong si Arnel.
“Wag mong pakatitigan p're, pagmamay ari ko na yan.” ani nang possesive na kaibigan kong si Arnel.
“O kape, inumin mo ng mabawasan yang hang over mo.“ alok pa niya sa akin ng hawak niyang tasa ng mainit na kape.
Umayos ako ng upo at inabot ang kapeng inaalok niya sabay iling ko sa mga sinabi niya.
“Salamat.” wika ko.
“Anong salamat may utang ka sakin ha. Ako nag bayad ng ininom mo kagabi sa bar pati ang danyos sa kaguluhan don kagabi.” angal niya na di ko na lamang pinansin pa.
“Sino nga pala gumamot ng sugat ko? wag mong sabihin si Romary p’re hindi ako maniniwala talaga.” tanong ko nang mapansin ko na may bandage ang kilay ko.
“F*ck you ka! di ko naman papahawakin sayo ang girlfriend ko. Baka imbes na gumaling sugat mo dagdagan ko pa yan.” paasik niya pangsagot na ikinatawa ko.
“Dinaan ka muna namin sa ospital na malapit sa restobar. Upang palinisan yang sugat mo. Dito na kita dinala masyadong malayo ang bahay mo.” seryoso na niyang sabi.
“Bakit ka ba nag inom, at sino si Candice?” pag uusisa niya na ikinagulat ko naman ng madinig kong mabanggit niya ang pangalan ng babaeng mahal ko nang hindi agad ako nakasagot ay nagsalita siyang muli.
“Panay ang banggit mo kagabi sa pangalan nya. Puro ka Candice, candice, candice sino ba siya sayo ha? siya ba ang dahilan kaya ka nag inom kagabi?” pang uusisa nya pang muli. Wala kase silang alam sa nakaraan namin ni candice dahil hindi ko rin naman naikukwento sa kanila.
Naging magkakaibigan kami nung magpatuloy akong mag aral ng kolehiyo sa manila. Magkakaklase kami dahil lahat kami ay Engineering ang course tanging si Arnel lang ang dalawa ang kurso na kinuha sa amin dahil bukod sa engineering nag business management din s'ya para sa kumpanya nila.
Tumunog ang door bell at iniwan ako ni Arnel upang pagbuksan ang kung sino man ang dumating.
“Napaghahalataan kayo ah! ang aga n'yo makitsismis, dinaig nyo pa si aling marites.” dinig kong pakikipag usap ni Arnel sa dumating.
“Nagsalita ang hindi tsismoso ng taon, papasukin mo na kami p're, para kang tanga diyan! binuksan mo nga pinto, parang gusto mo lang talaga kaming silipin dito sa labas.“ dinig kong boses ni Rodjun na napapailing na lamang ako sa kalokohan nilang tatlo.
“Papasukin mo kami o tatawagan ko si Romary p're at sasabihin ko may lumapit na babae
sayo sa bar kagabi at nakipagkilala ka rin.” pananakot ni Jasper sa kanya.
Agad naman pinapasok ang dalawa sa takot na totohanin ni jasper ang sinabi nito.
“Yan ganyan magbehave ka dela Cerna.” pang aasar pa ni Rodjun na tinapik pa ang balikat ni Arnel ng makapasok.
“Mga gago!” pikon na sabi ni arnel na pinakitaan pa ng middle finger yung dalawa na tinawanan lang siya ng mga ungas naming kaibigan.
“Hey, gising ka na pala!. Anong piling ng masuntok sa mukha pare!?” nakakalokong tanong ni Rodjun na sinamaan ko ng tingin.
“Putcha p're nakapaghilamos at sepilyo ka na ba? nangangamoy alak ka pa rin kase.” pang gagong turan ni Jasper na pinakitaan ko ng middle finger sa pangbubwiset n'ya na ikinatayo ko na muna upang ayusin ang sarili ko. Marami naman extra toothbrush sa condo ni Arnel at may ilang gamit din kami dito nila Jasper at Rodjun dahil madalas kami dito sa condo ni Arnel mag sleep over noon.
Nang matapos ako ay naabutan kong nagkakape na sila at si Arnel naman ay nanonood na ng tv.
“Mga wala yata kayong lakad o gagawin ngayon?” tanong ko sa kanila.
"Wala naman pasok sa opisina ngayon, pati mamaya pa naman gabi kami manghahunting ng chikababe ni Rodjun.” sagot ni Jasper na binato ng unan ni Rodjun.
“Ikaw Arnel?” tanong ko uli na lumapit sa tabi nya at naupo.
“Mamaya, susunduin ko si Romary after ng photo shoot niya sa makati.” litanya ng best boyfriend naming kaibigan.
“Eh ikaw, kailan ka magkukwento about the girl name Candice?” wika ni Arnel. Sumeryoso na muna ako saka nagsalita.
“Candice is my first girlfriend. Actually siya lang naman talaga ang naging girlfriend ko dahil ang iba ay fling lang talaga.” panimula kong mag kwento.
“Eh paano si Ms. Dela Torre? akala namin seryoso ka na sa kanya.” ani ni Rodjun.
“Jen and I are f*ck buddies at hanggang doon lang yun. Malinaw naman sa kanya yon.” sabi ko naman.
“Wooohh! iba ka Almeda.” si Jasper na nakipag apir pa kay Rodjun at Arnel.
"Itutuloy ko pa ba ang tungkol kay Candice.!?” tanong ko sa kanila dami kase interruption eh para tumahimik na sila.
Mula umpisa ng magkakilala kami hanggang sa naging kami ni Candice at ang pangyayare na inakala niyang iniwan ko siya at ang muli namin pagkikita at huli naming pag uusap kahapon ay nasabi ko na sa kanila.
“Problema ba yon?” aning tanong ni Arnel.
“E di ligawan mo uli.” suggestion pa ni Rodjun.
“Baka naman kase kaya niya sinabi sa'yo yon ay para subukan ka. Para mapatunayan mong mahal mo pa nga rin s'ya.” saad naman ni Jasper.
“Babae yon p're!. Nasaktan mo na minsan, kahit pa sinasabi mo na hindi mo intensyon na saktan siya noon hindi pa rin maaalis na nasaktan mo pa rin siya.” nakakalokong sabi pa ni jasper.
"Tama kayo, kaya tutulungan ninyo kong manligaw." seryoso niyang saad.