Marvin’s POV
Candice.... Candice..
Candice wait , ,, . habol ko pang tawag sa babaeng kanina ko pa inaabangang lumabas sa pinapasukan niyang pabrika.
Kanina nang pagkalabas pa lamang niya sa gate ay agad ko na siyang nakita. Napansin kong napatingin siya sa aking sasakyan, lumapit s'ya at nagpalinga linga pa ng tingin. Nang magulat ako sa kanyang ginawa dahil nanalamin lang naman siya sa side mirror ng kotse ko at nagpahid ng lipstick sa kanyang labi. Inayos ayos pa n'ya ang kanyang buhok, napangiti ako sa aking nakita.
Sigurado akong hindi niya kita na may tao sa loob ng sasakyan, dahil sa tinted ang salamin ng kotse ko. Kaya naman hindi niya malalaman na nasa loob lamang ako ng sasakyan at tinititigan ang lahat ng ginagawa niya na nag slow motion sa aking paningin. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi na kahit noon pa man palagi na lamang ako namemesmerize sa tuwing pakakatitigan ko ang maganda niyang mukha at tulad ng dati hindi na naman normal ang puso ko na sa tuwing malapit siya sa akin ay bumibilis ang pintig nito.
Namalayan ko na lamang na nakalayo na pala siya sa sasakyan ko. Kaya naman agad akong lumabas ng kotse at tinawag ko siya pero di niya ata ako narinig kaya hinabol ko siya at tinawag muli ang kanyang pangalan. Nang tumigil s'ya at humarap sa akin ay kita ang pagkashock sa kanyang mukha.
"Candice, please mag usap tayo." pagsusumamo ko sa kanya.
"May dapat pa ba tayong pag usapan Marvin?" paasik niyang tanong sa akin.
"Please listen to me, let me explain. kahit sandali lang, Candice." pagsusumamo kong muli
at huminga siya ng malalim bago siya sumagot.
"Okay sige, pero wag dito." pagpayag niya na ikinagiya ko sa kanya pabalik sa kotse ko.
Napatigil siya pagkatapat namin sa sasakyan ko at narinig ko siyang nagmura. "tang 'na naman oh! pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana ngayon?” palatak pa niyang usal na pabulong na narinig ko din naman. Kaya palihim naman akong natawa at nagkunwaring walang narinig.
Pagkasakay namin ay agad ko siyang tinanong kung saan niya gustong mag usap kaming dalawa.
"Sa park na lang kung saan malapit rito." suhestiyon niya naman na kita ko pang nahihirapan siyang ikabit ang seat belt n'ya kaya naman tinulungan ko na siya pero sa sobrang lapit ng mukha ko sa kanya ay halos muntik ko na siyang mahalikan na ikinatuod niya sa upuan.
“Ummm... okay na maayos na yung pagkakaseatbelt.” tanging nasabi ko na ikinatango niya naman.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami ng park.
"Ayos lang ba na dito na lang tayo? umm...nagugutom ka ba?, gusto mo bang kumain na muna tayo?" kinakabahan kong tanong dahil bigla akong ninerbiyos.
"Look, Marvin! pumayag akong sumama sayo rito dahil ang sabi mo ay mag uusap tayo at hindi para kumain. Kung nagugutom ka kumain ka na muna at uuwe na lang ako." naiinis niyang sabi
na di ko maiwasang ikabuntong hininga sa tinuran niya. Tinitigan ko siya pero pilit siyang umiiwas na tumingin sa akin.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pakibilisan lang kase gusto ko ng umuwe ng bahay at makapagpahinga, pagod ako sa maghapong trabaho." sabi niya pa.
Alam kong galit siya sa akin. Pero umaasa ako na mapapatawad niya ko after naming mag usap kapag naipaliwanag ko na ang lahat sa kanya.
"Nung huling araw na inihatid kita sa bahay ninyo ay isinugod pala si Mama sa ospital, nang malaman ko ay agad akong nagtungo sa ospital na pinagdalhan kay Mama, pagkarating ko doon ay hindi ko na s'ya inabutan pang buhay. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na 'yon Candice, hanggang sa dumating si Papa. Nagdesisyon si Papa na dalhin ang bangkay ni Mama sa Cebu dahil tagaroon ang angkan nila Mama. Hindi kita natawagan dahil nawalan ako ng contact sa inyo dahil nawala o nanakaw ang cellphone ko nang araw ding iyon. Hindi agad ako nakabalik ng Alaminos dahil ang gusto ni Papa ay doon na ko magpatuloy ng pag aaral ko, wala akong nagawa noon Candice kung hindi ang sumunod sa gusto ni Papa. Pinayagan lang ako ni papa na magbakasyon sa Alaminos nung mag sembreak upang balikan ka. Pero wala na kayo doon, ang sabi ng mga kapitbahay n'yo ay umalis na kayo sa tinitirhan nyo at lumipat sa malayong lugar pero hindi nila alam kung saan. Wala rin silang naibigay na pwedeng maging contact sa inyo. Bumalik ako ng Cebu na puno ng pang hihinayang."
"Maniwala ka Candice binalikan kita, hinanap kita, hindi rin kita nakalimutan sa ilang taong magkahiwalay tayo na hanggang ngayon ikaw pa rin ang nasa puso ko. Mahal pa rin kita Candice."
pagkukwento ko sa nangyare noon na dahilan ng paghihiwalay namin na hindi ko naman ginusto.
Tahimik lamang siyang pinakinggan ang lahat ng sinabi ko. Hindi ko mabasa kung ano ang reaction niya dahil sa ibang direction siya nakatingin na halata namang umiiwas na matignan ako.
“Sorry for your lost, hindi ko nalaman na wala na pala si Tita Betty.” rinig kong saad niya.
“Ilang months mula nang iniwan mo ko ng umalis kami ng Alaminos. Nagdesisyon ang mga magulang kong lumipat para daw makalimot ako sa mga nangyare. Nang may nakapagsabi na wala ka na raw sa bahay ninyo at hindi mo man lang ako tinatawagan na pati ako hindi kita ma contact, inisip kong pinaglaruan mo lamang ang damdamin ko, na niloko mo lang ako.” sabi niya.
“Sobra akong nasaktan Marvin, na halos di na ko lumabas ng kwarto ko at iyak lang ako ng iyak na kahit sabihin ko sa sarili ko na di na ko iiyak di ko magawa sa tuwing maalala ko ang lahat sa atin. Iniwan mo kong wala kang ibinigay na dahilan ang ayos pa natin nung ihatid mo ko sa bahay, nangako ka pang hindi mo ko iiwan at laging pakamamahalin nang araw na yon. Nafrustrate ako at nadepress sa nangyare kaya naman minabuti ng magulang kong ilayo ako sa lugar na makakapagpapaalala pa sa iyo. Tinanggalan ako ng cellphone ni Tatay. Inihabilin din niya sa mga kakilala na wag ipapaalam sayo kung sakaling bumalik ka kung saan kami lumipat. Hindi lang naman ako ang nasaktan mo Marvin pati ang pamilya ko. Tinanggap ka nila bilang nobyo ko at nagtiwala sila sa iyo pero nagawa mo pa rin akong iwan sa kabila ng lahat na magagandang pakikitungo sayo ng pamilya ko.” mahaba niyang sabi at hindi niya naitago sa akin ang lungkot at sakit na kanyang naramdaman ng makita ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
Gusto ko siyang yakapin pero natatakot akong baka itulak niya. Nasasaktan ako sa nakikita kong pag iyak niya.
“Im sorry Candice, kung kaya ko lang hilahin pabalik ang panahon ay ititigil ko ang oras na magkasama pa tayo. Maniwala ka mahal ko hindi ko ginusto ang nangyare.” na nasabi kong hindi ko na rin napigilan ang mapaluha.
“Ipinagdarasal ko noon na sana ay muli tayong magkita, wala ring araw na hindi kita naiisip. Tinatanong ko ang sarili ko kung nasaan ka na, kung okay ka lang ba, kung may iba ka na ba?sa tuwing maiisip ko na baka may iba ka nang mahal nasasaktan ako, natatakot ako na hindi ko alam kung matatanggap ko ba kung kakayanin ko ba.?” paghingi ko muli ng tawad sa kanya na hindi ko naiwasan na hawakan ang kanyang kamay.
“Uuwe na ko.” tanging sagot niya sa mga sinabi ko at mabilis tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ko at laglag ang balikat ko sa aking narinig.
“Ihahatid na kita.” agad kong sabi ng mapansin kong bababa na siya ng kotse.
“Thanks, but no thanks, kaya kong umuweng mag isa.” sagot niya naman.
“I insist Candice, ihahatid na kita.” pagpupumilit ko na ikinatingin niya sa akin at nagtama ang aming mga mata na agad din siyang umiwas.
“Fine! sige, ihatid mo na ko.” wika niya sa pagpayag na ihatid ko s'ya.
Agad kong pinaandar ang makina ng aking sasakyan at tahimik na naman kami sa byahe at nang malapit na kami sa kanila ay pinatigil niya na ko sa pagmamaneho. “Itigil mo, baba na ko.” utos niya sakin. Alam kong wala pa kami sa bahay nila kaya naman tinanong ko sya.
“Dito na ba kayo nakatira”
“Hindi, sa kabilang kanto pa ang sa amin. Dito na lamang ako bababa.” sagot niya naman na ikinapagtaka ko.
“Ayokong makita ka nila Tatay at Nanay pati na rin ng kapatid ko, Marvin.” ang sabi niya na ikinalungkot ko.
“Hindi ko pa nasasabi sa kanila na nagkita na tayong muli.” dugtong pa niya na naintindihan ko naman.
“Marvin, pumayag akong mag usap tayo dahil naisip ko na baka kailangan na nga natin na mag usap at siguro nga tama ka i need an explaination na rin. Dapat na rin nating kalimutan ang nakaraang namagitan sa atin. Inaasahan ko na ito na ang huli nating pagkikita.” turan niyang muli na sobrang ikinasakit ng puso ko dahilan ng pagpatak ng luha ko. hindi ko na rin napansin na nakalabas na pala siya ng sasakyan ko.