C8

1206 Words
Lunch Break at nandito kami sa Canteen ngayon para kumain at magkwentuhan upang pag usapan ang nangyareng meeting kanina. Habang working hour ay sandali muna kaming pinahinto sa trabaho ng management. At ipinaliwanag sa amin ang temporary stop operation for a couple of a weeks ang sabi it takes 2 to 3 weeks daw pero gagawin na raw nilang 1 month para masiguradong maayos na ang lahat sa pagbabalik operation ng pabrika. Maraming aayusin sa pabrika at ipinaparush daw ang pagpagawa ng bagong may ari at dahil biyernes ngayon at sabado na bukas ay yun na raw ang last day namin dahil sa monday na mag start ang pagsara ng pabrika. Syempre marami ang nagulat at maapektuhan na manggagawa, kahit na wala naman daw na matatanggal na trabahador at mag iiba sa patakaran ng pabrika, nakadepende na raw sa amin kung mag stay kami na willing to wait o mag resign para makahanap ng bagong mapapasukang pabrika. Binigyan nila kami hanggang bukas para makapagdesisyon. "Kain na tayo, gutom na talaga ako mukhang masarap pa naman itong niluto ni manang Linda ngayon. Lahat ng ulam aba ay lumalangoy na ata sa mantika. Ang sabaw naman nila akala mo tubig lang wala man lang kalasa- lasa eh! kundi lang mabait si manang Linda sa atin ay iaangal ko na talaga sa management ang mga luto nilang ulam." saad nang maangal naming kaibigan na si Donna, pero totoo naman din kase ang sinabi nya kaya pinandilatan ko siya ng mata at siniko sya ni Julie dahil baka may makarinig sa sinabi niya ay may mag sumbong pa sa cook ng kinakainan naming canteen sa loob ng pabrika. "Manahimik ka na Donna baka may makarinig sayo. Ikaw talaga minsan yang bibig mo dapat pinaplaster o kaya pinapasakan talaga lagi ng tissue. Ang angal mo na nga, ang ingay mo pa." pananaway ni Julie sa kanya na ikinamuwestra naman ni Donna na para bang isinizipper ang bibig niya. Na di namin maiwasan na ilingan siya ng ulo dahil sadya talaga siyang pasaway. "Bukas na pala ang last day natin nakapag decide na ba kayo?" pagtatanong ni Julie sa aming tatlo habang kumakain na. "Napag usapan na natin 'to nung nakaraan di ba. Confirmation sa management lang ang hinihintay natin. Medyo nabigla lang ako kanina nung i announce na last day na natin bukas at one month tayong matatambay. Mabuti na lamang at kahit na papaano ay may na ipon ako at nakakapamasada si tatay ang nanay naman ay sumaside line din sa pag gawa ng home made peanut butter niya. And speaking of peanut butter hoy, Rizza magbayad ka na ng utang mo akala mo nakalimutan ko na ha! dalawang bote rin ng peanut butter yon. Malulugi sayo nanay ko niyan eh!" mahaba kong sabi ng maalala ko pa ang inorder n'ya noon sa akin. "Sorry naman! nakalimutan ko rin eh! bukas ko na babayaran sakto lang ang pera ko dito. Hindi mo naman kase pinapaalala agad." sagot ng kuripot sa aming magkakaibigan. "Nilalayo n'yo naman ang usapan, ikaw Donna at ikaw Rizza anong desisyon nyo? ako maghihintay na lang din. Tutulungan ko na lang muna si mama sa pagbabantay sa kanyang mini grocery at mag sideline din ako magtinda nang halo halo na muna mainit naman ang panahon ngayon kaya pwede ng magtinda tinda na muna sa harap ng tindahan ni mama" pagpapaalam pa ni Julie sa plano niya habang wala kaming trabaho pare pareho. "Ako tulad sa inyo maghintay na lang din, hindi naman masamang maging tambay paminsan minsan." sagot ni Donna na tatawa tawa pa. "Eh ako dun na muna ako pansamantala kina lola namimiss ko na rin kase siya matagal ko na siyang di nakakasama. Di ba na kwento ko na sa inyo na lola's girl ako." pagpapabatid naman ni Rizza ng plano nya. "So tuloy na tuloy na plano nating vacation sa Batangas ha! kahit na ilang days lang kayo don. After ng fiesta saka na kayo umuwe please. Gusto ko rin kase na ma experience n'yo ang fiesta sa probinsya namin." pagpapaalala pa niya sa napag usapan naming bakasyon nung isang araw. "Sama ako, kayong dalawa sasama ba kayo?" tanong ko pa kina Julie at Donna. "Oo naman, Kami pa ba ang magpapaiwan." sabay pang sagot nung dalawa na nag apir pa. "Pwede ba namin isama sina Jeff at Daniel?" aning tanong ni Julie na ang tinutukoy ay ang mga boy friend nila ni Donna. "Sige, wala namang problema kung kasama sila may cottage sa tabi ng bahay ni lola na pede sila dun matulog na dalawa. Sa loob naman ng bakuran kaya safe din naman." pagsang ayon naman ni Rizza. Na ikinangiti kong napansin nung dalawa "Bakit ka natatawa diyan ha, palibhasa wala ka kaseng love life pasaway ka?" na sabing mahihimigan nang pagkaasar ata ni Julie sa ginawa kong pag ngiti. "Ang judgemental mo ha!, natawa lang ako ng marealize kong mga name ng Jowa n'yo Donna at Daniel tapos Julie at Jeff, grabe ka mag isip sakin ha! required ba sa inyo na ang magiging name ng boy friend ninyo ay dapat same ng first letter ng name ninyong dalawa?" ang sabi ko pang paangil kay julie. "Hindi, nagkataon lang siguro. Napansin mo pa talaga yun!. Kakaiba ka talaga Candice!" sagot na ni Donna na tumatawa na rin. Natapos ang lunch break namin ng di namin namalayan ng marinig namin ang bell na hudyat na naman na tapos na ang lunch break at may sampung minuto na lang kaming pahinga at oras na uli ng trabaho. Nang malapit ng mag uwian ay nilapitan ako ni Rizza. "Bakit?, ano yun, may kailangan ka?" tanong ko sa kanya. "Mag o overtime kaming tatlo. Ikaw ba?" imporma niya sa akin. "Hindi na, Inaantok na rin kase ako. Kanina ko pa kaya gustong hilahin ang oras ng uwian. Kita na lang tayo bukas. Agahan ko na lang uli ang pasok." sambit ko na ikinatango niya lang at bumalik na siya sa pwesto niya. Nang oras na ng uwian ay nagpaalam na ko sa kanilang mauuna na kaya naglakad na ko palabas ng pabrika at dumiretso na ng gate na binati ko pa muna si manong guard upang makapag log out na. "Kumusta ka, manong guard?" bati kong tanong sa kanya na malawak ang pagkakangiti. "Oh ikaw pala Candice, di mo ata kasabay yung tatlo mong kaibigan ngayon?" pansin naman nya sa akin. "Pansin ninyo pala, mag o overtime daw po sila eh! medyo inaantok na po kase ako. Kaya nauna na ko at uuwe na ko manong guard." sagot ko naman. "Mag ingat ka sa pag uwe mo, Candice." habilin pa niya. "Sige po manong, salamat po." sabi ko na ikinangiti niya sa akin. Pag labas ko ng gate ay napansin ko agad ang sasakyang nakaparada na malapit lang sa aking nilabasan na sa tingin ko naman ay wala namang sakay. Agad akong lumapit at nanalamin sa side mirror ng kotse, kinuha ko ang lipstick sa aking hand bag at nagpahid lang ng manipis sa aking labi, para na kaseng namumutla ang aking mukha nang masatisfied na ako sa aking sarili ay dumiretso na ko ng lakad. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay napatigil ako dahil sa narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Candice... Candice...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD