EnjoyReading Third Person's POV Hindi makatulog si Ainsley nakatingin lang siya kay Yna na mahimbing ng natutulog sa bisig niya. Pinilit pa niya ito para umunan sa braso niya pero magpumilit siya kaya pumayag na din ito. Napatitig nanaman siya kay Yna ng gumalaw ito at tumalikod sa kanya pero nakaunan padin sa braso niya. Niyakap niya ito. Hinalikan niya sa buhok si Yna bago niya ito niyakitong sobrang higpit pero sapat para makahinga at maging komportable padin si Yna. "Yna bigyan mo ako ng pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para makabawi sayo." Bulong niya dito at dahil hindi siya makatulog maingat niyang tinanggal ang pagkakaunan ni Yna sa braso niya at agad na pinalitan yun ng unan at pumunta siya sa terrace para makalanghap ng sariwang hangin. Nag iisip ng paraan kung paano siya

