EnjoyReading Yna's POV Nakatingin ako kay Ainsley na malayo ang tingin. Nasa terrace siya sa hotel room namin. Mula ng tumawag sa akin si Kian kanina kinuha na niya yung phone ko. Naging tahimik din siya at hindi ako pinapansin. Ilang beses na din siyang nagbuntong hininga na oara bang ang laki laki ng problema niya sa buhay. "Ainsley anong gusto mong kainin? Magluluto ako." Mahina kong tanong sa kanya dahil hindi ako mapakali na tahimik siya. Tumingin siya sa akin pero mabilis din naman siyang umiwas. "Kahit ano." Mahinang sabi niya at tumingin nanaman sa malayo. Tumayo nalang ako matabigat ang paang pumunta sa maliit na kusina para makapagluto ng pagkain. Magpriprito nalang ako ng manok dahil mas mabilis yun. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng makarinig ako ng tunog mg cellpho

