EnjoyReading Yna's POV "Mommy! Patigilin mo na si Daddy!" Sigaw ng anak kong tumatawa. Iniiwas niya ang katawan niya dahil kinikiliti siya ni Ainsley. Kanina pa sila sa kama kanina. Hanggang sa sala habang naglilinis ako at ngayon naman dito sa kusina namin kaya hindi ako makapagluto ng maayos. "Ainsley. Duon nalang kayo sa sala." Pakiusap ko kay Ainsley na todo oadin sa oagpapatawa sa anak namin. Si Kyla naman halos hindi na makahinga dahil sa ginagawa ni Ainsley sa kanya. Napailing iling nalang ako dahil hindi ako narinig ni Ainsley kaya pinilit ko nalang ang sarili na hindi sila oansinin at pabayaan nalang ang kaingayan nilang dalawa. Masaya naman dahil sa pagkalipas ng dalawang araw sobrang bumabawi talaga si Ainsley sa amin ni Kyla. Ang isa sa hiling ko ay hindi na matapos ito. Na

