EnjoyReading Yna's POV Napabuntong hininga ako habang sinusuklay ang buhok si Ainsley gamit ang mga daliri ko. Lasing at tila oagod na pagod itong umuwi kanina at may mga pasa at bitak ang gilid ng labi. Agad niya akong niyakap kanina ng makita niyang kasama mo si Kyla. Binulungan pa niya akong ilayo ang anak namin dahil ayaw niyang makita siya ni Kyla ng ganong itsura. Ngayon mahimbing na mahimbing na itong natutulog habang nakaunan sa braso niya pinaggigitnaan ang muka niya ng balikat at leeg ko. Buti nalang at pumayag si Kyla na matulog sa guestroom at nagamot ko na si Ainsley. Hindi ko alam kung bakit ito nakipagaway. Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap sa akin ni Ainsley pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. Gumalaw pa siya kaya ang akala ko ay magiging siya p

