EnjoyReading
Yna's POV
Tulala ako habang nakatanaw sa malayo. Hindi niya narealize na mahal niya ako. Kasi bumalik siya para sa pagwawalang bisa sa kasal naming dalawa. Hindi para sa akin o kay Kyla. Hindi para sa amin.
Akala ko bumalik siya para sa amin ni Kyla. Pero ng makita ko siyang tinulak papalayo si Kyla sa kanya. Ang bigat sa pakiramdam lalo na nung umiyak ng umiyak si Kyla. Bakit pati anak ko? Bakit nadamay siya sa kung anong gulong meron kami ng ama niya?
Nagsisi akong picture pa ni Ainsley ang pinakita ko sa kanya noon. Umasa at patuloy na umaasa yung anak ko sa bagay na malabo ng mangyari. Hinding hindi niya mararanasan na mahalin ng sariling ama. Kawawa naman ang anak ko.
Oh Lord please save my daughter .
Pinunasan ko yung luhang tumutulo sa mga mata ko. Kailangan ko kasing magpalakas. Kailangan na kailangan ko yun ngayon. Ako nalang ang meron sa anak ko. Hindi pwedeng mahina ako.
Para sa anak ko.
Ayaw kong makita niyang nasasaktan ako. Hindi pwede, hindi. Panghihinaan yun ng loob. Nakapabata pa niya para masaktan lang.
Ako nalang ang sasalo sa lahat ng sakit wag lang sa anak ko.
"Mommy?" Tawag sa akin ni Kyla kaya agad kong pinunasan ang pisngi ko na hilam ang mga luha.
At humarap sa kanya. Nagkukusot pa siya ng mga mata at naglalakad papalapit sa akin. Nakapajamas siya. Ang cute cute ng anak ko.
"Baby? Bakit lumabas ka? Malamig dito." Sabi ko sa kanya at sinalubong siya at binuhat. Agad naman siyang yumakap sa akin at binaon ang muka niya sa leeg ko.
"Mommy where is daddy?" Tanong ng anak ko sa akin.
Na hindi ko alam kung paano ko aaagutin. Nakita na niya si Ainsley. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magkwento sa anak ko o ipaliwanag sa kanya ang mga nangyayari.
"Anak diba busy si daddy kaya wala pa siya dito." Sabi ko sa kanya.
"No! Nakita ko siya kanina diba po? Niyakap ko po siya. Pero bakit hindi niya po ako nibuhat? Diba dapat baby niya po ako?" Tanong ng anak ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nahihirapan ako. Nasasaktan para sa anak ko. Hindi niya dapat nararamdaman yung sakit. Sa akin nalang niyo ibagsak lahat wag lang sa anak ko.
"Anak pagod lang si Daddy. Tsaka busy si daddy anak. Bata kapa hindi mo pa maiintindihan ang lahat lahat. Ngayon ang gawin mo lang ay magenjoy ka." Sabi ko sa kanya habang yakap yakap ko siya ng mahigpit.
"I love you po." bulong niya sa akin.
Para itong gamot na kailangan na kailangan ng puso ko. Gumaan ang pakiramdam ko at hinele ko siya para makatulog.
Pati ang paghehele kay Kyla hindi nagawa ni Ainsley. Sabi sa mga napapanood ko kapag kadugo mo ang isang tao madadaan yun sa lukso ng dugo.
Pero bakit hindi man lang yun maramdaman ni Ainsley para kay Kyla.
Nang maramdaman kong nakatulog na si Kyla. Pumasok na ako sa loob ng kwarto namin kung saan kami pinatuloy ni Hayila.
Pinahiga ko siya at hinalikan sa noo bago ako humiga sa tabi niya. Agad niya akong niyakap kaya sinagot ko yun ng mahigpit na yakap din.
"I love you my baby." Bulong ko sa kanya at pumikit na.
Nandito lang si Mommy. Hanggang sa makakaya ko, proprotektahan kita. Hindi natin kailangan ang daddy mo.
Kakayanin kong malayo sa daddy mo para hindi ka niya masaktan anak.
Third Person's POV
Nakatulala lang si Ainsley habang nakatitig sa kawalan. Hindi padin siya makatulog. Hindi niya alam kung bakit.
Nagulat nalang siya at napatingin sa cellphone niyang nag iingay. Ang tanging ingay na maririnig sa buong sala sa condo niya. Sobrang tahimik ng condo niya.
My Annika...
Tumatawag siya? Ano nanaman ang kailangan nito. Naalala niyang hindi man lang niya tinawagan ang dalaga ng makauwi siya sa pilipinas. Hindi niya ang sa sarili niya kung bakit hindi niya naalala si Annika.
"Hey Mahal. Napatawag ka? May problema ba diyan?" Tanong niya agad dito.
"Bakit hindi ka tumawag? Nakauwi kana hindi ba?! Ano ah iiwan mo ako!?" Sigaw nito sa kanya.
Napahilot nalang siya sa sentido niya. Wala siya sa mood para makipag away nanaman sa babae. Kaya mabilis niyang pinatay ang tawag. Malakas ang loob niyang babaan ng tawag si Annika ngayon kasi gulong gulo ang isip niya. Knowing Annika, sigurado siyang nagwawala na yun dahil sa ginawa niya.
Ilang beses namang tumunog yung cellphone niya hudyat na madaming nag message sa kanya. Alam naman niyang galing lahat ito kay Annika. Kukulitin lang siya nito at aawayin nanaman.
Inis na binato niya yung phone niya ng hindi ito umigil sa pagtunog. Nakita niyang nagkahiwalay hiwalay ang mga ito.
Mabigat na pinatong niya ang likod niya sa sofa at pinikit ang mga mata niya.
Kitang kita niya ang sakit sa mga mata ni Yna. Pati nadin sa magandang muka ni Kyla. Hindi niya alam kung bakit mabigat padin ang pakiramdam niya kay Kyla. Kahit pilitin niyang wag mainis kay Kyla mainis kay Kian rather. Hindi dapat niya dinadamay ang bata.
Alam niyang walang kasalanan si Kyla sa relasyong meron si Kian at Yna noon. Labas na si Kyla, pero hindi talaga niya kaya. Kaya mas minabuti niyang ilayo nalang niya ang sarili dito. Noon pang baby palang ito.
Meron sa loob loob niya na gustong buhatin o kaya patahanin ito tuwing umiiyak pero may parte din na pumipigil sa kanya. Kaya mas minabuti nalang niyang lumayo ang loob niya dito. Lumayo ang sarili niya dito.
Dapat kinausap na niya ang kaibigan niyang abogado na matutulungan siyang mapabilis ang proseso ng annullment nila pero bakit hindi niya ginagawa? Bakit pakiramdam niyang hindi niya kaya.
Damn!
Aalis na ba talaga sila Kyla sa condo niya?
Natawa siya ng walang kabuhay buhay. Hindi niya inisip na hindi na matutupad ang pinangako niya kay Yna. Kumpleto na lahat eh. Dream house ni Yna. Mula sa architect at engineer. Kulang nalang ay ang gagawa.
Pero pinatira lang niya ito sa condo niya.
Sinabi kong hindi na ako masaya sa kanya. Siya din naman ay hindi naging masaya sa piling ko. Impyerno pa ang binigay ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya at dapat pumunta siya sa guestroom pero parang may sariling utak ang mga paa niya at dinala siya sa dati nilang kwarto ni Yna na kwarto na ni Yna at Kyla simula ng umalis siya.
Umupo siya sa kama at kinuha ang isang picture frame na may image ni Kyla. Mga nasa tatlong gulang ito.
"Hey baby sinabi ko diba
nagkita na tayo. Kamusta ka? Mukang okay ka naman kay mommy mo." Natawa siya dahil kinakausap niya ang isang larawan na hindi naman sasagot sa kanya.
Yna's POV
Pumasok ako sa loob ng condo ni Ainsley. May keycard naman ako para makapasok. Wala siya sa kusina at sala. Sa first floor wala siya. Baka natutulog pa siya.
Pupunta nalang ako sa kwarto namin ni Kyla para magimpake na. Para habang hinihintay kong magising si Ainsley. Tsaka alam ko naman nasa guestroom ito matutulog kasi maraming teddy bear sa kama namin dati. Tsaka imposibleng matulog siya duon dahil ayaw niya nga sa amin diba.
Pero parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng makita ko si Ainsley na nakahiga sa kama namin dati na mahimbing na natutulog may teddy bear sa kama. Teddy bear yun ni Kyla. Nakahubad si Ainsley ng pantaas at hindi ko alam sa pambaba kasi natatakpan ito ng comporter.
Naramdaman ata ni Ainsley na may nakatingin sa kanya kaya bumangon siya agad. Ako naman ay dumeretsyo sa walk-in closet namin ni Kyla para magimpake na.
Gusto ko man siyang tanungin kung bakit siya duon natulog pero baka barahin nanaman niya ako.
Tsaka katulad ng sinabi niya. Condominium niya lang ito.
Nilabas ko sa drawer yung tatlong malalaking maleta para paglagyan ng damit namin ni Kyla. Marami rami din ito. Napagdesisyonan kong sa mansyon na nila mommy tumira. Gusto ko nadin makasama yung mga care taker duon na sila manang Carmina. Namiss ko na din duon.
Medyo malayo kila Hayila pero kakayanin. Para din ito sa ikakabuti ni Kyla.
Nagulat nalang ako ng pumasok si Ainsley at nagsalita.
"Wag ka ng umalis dito. Kailangan mo padin magpanggap na asawa ko. Ayaw kong mapahiya sa mga magulang ko. Since kasalanan mo naman kung bakit naniniwala padin sila na kasal tayo kahit hindi naman na." Sabi nito sa malamig na tinig. Nag angat ako ng tingin sa kanya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ainsley ako ang magsasabi sa parents mo ng lahat lahat wag kang mag alala." Sabi ko sa kanya.
Bigla namang dumilim ang paningin niya sa akin. Baka saktan nanaman niya ako kay tumayo ako at umatras. Nagulat nalang ako ng madulas ako dahil may natapakan yata akong dress na madulas ang tela.
Handa na akong maramdaman yung sakit sa likod ko o sa pwet dahil sa pagkadulas pero may humawak sa bewang ko para hindi ako matumba.
Yung pagkakapikit ng mga mata ko ay inunti unti kong minulat at tumibok ang puso ko sa bilis na hindi na normal. Pakiramdam ko may sakit ako sa puso.
Mabilis kong naitulak papalayo sa akin si Ainsley kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"S-sinabi ko na. Tsaka hindi pa naman tayo annull diba? Ibig sabihin asawa pa kita. Gampanan mo naman yun sa natitirang araw hanggang sa maaprobahan na yung annullmen natin." Inis na sabi nito sa akin.
Masama ang loob na tumingin ako sa kanya.
Bakit siya ba ginampanan niya ang pagiging asawa niya at ama sa amin ni Kyla? Hindi naman eh!
"Please Yna. Ngayon kita kailangan. Promise ilang linggo nalang maaaprobahan na yun. Pero pansamantala dito na muna kayo tumira. Tsaka pumunta tayo kila mommy para makita nilang ayos lang tayo." Sabi nito sa akin at umiwas ng tingin. "Ibalik mo na yan sa dapat paglagyan." Sabi nito at lumabas na.
Napaupo naman ako sa sobrang sama ng loob. Galit sa sarili kasi alam ko hindi ko siya mahihindian.
Pero labas na dito si Kyla. Mabigat man sa loob ko pero hindi ko siya isasama dito. Dadalaw dalawin ko nalang siya kila Hayila. Bahala na o kaya naman gagawin ko yung gusto niya. Magpapanggap kaming magasawa ni Ainsley sa mga magulang niya. Ipagluluto ko siya, aayusin ang idadamit niya, magluluto oara sa kanya, ipaglalaba siya at kung anong mga gawain ng isang asawa. Pero uuwi ako kung nasaan si Kyla.
Binalik ko yung mga damit ko pero inempake ko naman ang mga damit ng anak ko. Nagimpake din ako ng konting damit ko. Pansamantala lang naman akong makakasama si Ainsley. Hindi na ito tatagal.
Kasi hindi ko hahayaan na masaktan ang anak ko. Ako nalang kung maaari sasaluhin ko. Alam ko kasi being with Ainsley is torture. Torture sa akin dahil makikita kong nasasaktan ang anak ko sa pagtanggi ni Ainsley sa kanya.
Kapag malapit si Ainsley kay Kyla masasaktan ang anak ko dahil babaliwalain lang niya ang anak ko. Yun ang hindi ko kayang makita. Hindi pwede.
Hanggang sa nabubuhay ako. Pipilitin kong hindi masaktan ang anak ko dahil lang sa ama nito. Tama ng ako nalang.
Napabuntong hininga ako at tumayo na at nilabas ang dalawang maletang naglalaman ng mga damit namin at bumaba na kahit medyo mabigat kakayanin.
Napatayo naman si Ainsley sa pagkakaupo sa pang isahang sofa at kunot noong napatingin sa akin at sa mga bagaheng dala dala ko.
"Alam mo ang tigas ng ulo mo!" Inis na sigaw niya sa akin.
Napayuko naman ako pero agad ding humarap sa kanya ng buong tapang.
"Mga damit ito ni Kyla. Sige magpapanggap ako at gagampanan ko ang pagiging asawa ko sayo. Pero labas dito si Kyla. Masasaktan lang siya kapag tumira siya dito kasama ka. Ayaw kong maramdaman yun ng anak ko." Seryosong sabi ko at lumabas na dahil hindi naman siya nagsalita. Nakatulala lang siya, natigilan sa sinabi ko.
Mas magandang matauhan siya sa mga salita ko.
Pumikit ako at nakita ang magandang ngiti ng anak ko sa isip ko. Ang mga ngiti sa labi niya ayaw ko yun mawala. Hindi ko hahayaan bumalugtot ang ngiti niya. Mga luha sa mga mata niyang nagpapadurog sa puso ko. Pipilitin kong maiwasan niya.
Kailangan niyang magenjoy siya. Bata pa siya at kailangan niyang mag enjoy siya bilang bata.
Mahal na mahal ko ang anak ko.
- - - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT