EnjoyReading
Yna's POV
Inilapag ko ang niluto kong agahan para kay Ainsley. Hindi ko alam kung saan siya pupunta ngayon o baka naman manatili pa siya dito sa condo. Wala naman akong pakialam. Sa kanya naman ang condo na ito.
Nagtataka na ako sa kanya kasi sinubukan kong linisin ang kama kung saan kami natutulog ni Kyla. Yung kamang puno ng teddy bears sabi niya wag ko daw tanggalin at tumabi ako sa pagtulog sa kanya. Ganon naman daw ang gawain ng mag asawa. Hindi ko alam kung anong plano niya.
"Ano yan?" Napatingin ako sa pinto ng kusina ng magsalita si Ainsley. Halatang kagigising niya lang.
"Breakfast. Kumain kana maglilinis lang ako sa sala." Sabi ko sa kanya at aalis na sana ng harangan niya ako.
"Sabayan mo ako sa pagkain." Seryosong sabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya at agad naman siyang umiwas ng tingin.
Napabuntong hininga ako at naupo na. Ganon din naman ang ginawa niya. Sa buong oras na kumakain kami ng sabay. Walang gustong magopen ng topic. Hindi ko din naman gustong magsalita.
Wala din naman akong gustong sabihin. Tsaka dinaramdam ko padin ang panenermon sa akin kagabi ni Hayila.
"Sira kana ba?! Babalik ka nanaman sa kanya?! Yna hindi mo ginagamit yang utak mo! Puro ka puso! Puso!" Sigaw niya sa akin.
Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.
"Hayila kalma nga. Tsaka hayaan mo si Yna sa desisyon niya. Siya ang maghahanap ng kapalaran niya. Tsaka kahit naman anong kalabasan ng desisyon niya. Haharapin niya yun baka yun lang ang paraan para magising na siya sa kahibangan niya." Sabi ni Aliyah at tumingin ako sa kanya.
Alam ko nagtatampo lang siya dahil hindi ako nakikinig sa kanila ni Hayila. Pero ayos lang basta hindi ko idadamay si Kyla dito.
Ako ang nagdesisyon at ako lang dapat ang masaktan. Hindi ko hahayaan pati si Kyla. Mabilis lang naman ito. Malapit na kaming ma- annul. Gusto kong hintayin. Mabilis nalang ito. Magiging malaya na kaming dalawa sa relasyong pumasok naming hindi naman kami naging masaya.
"Kasi umaasa ka padin na mabubuo kayo at mamahalin ka ulit ni Ainsley kahit sobrang lala na ng nangyari." Sabi ni Hayila bago umalis. Si Aliyah naman ay tinapik ako sa balikat.
"Don't feel bad. Nandito lang kami ni Hayila kung ano mang kakalabasan ng desisyon mo. Kami ng bahala kay Kyla. Magiingat ka duon." Sabi niya at ngumiti sa akin.
"Yna!" Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Ainsley kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina kapa tulala. Magbihis ka pupunta tayo kila mommy." Sabi nito sa akin at tumayo na. Pero bago siya umalis nagsalita muna siya. "Isama mo si Kyla." Sabi niya kaya napatayo ako.
"Ainsley hindi ko isasama si Kyla. Please ako nalang ang isama mo." Seryosong sabi ko sa kanya.
Masama naman ang tingin na ibinigay niya sa akin ng humarap siya.
"Anong paliwanag ang sasabihin ko sa parents ko?! Tanga kaba?!" Sigaw niya sa akin.
Matapang ko naman siyang tinignan.
"Ikaw ang may gusto nito! Sinabi kong aminin na natin ang totoo sa mga magulang mo pero dahil nahihiya ka sa kanila, ayaw mo! Ainsley hindi ko idadamay ang anak ko sa gusto mo!" Sigaw ko sa kanya at lalampasan sana siya ng hatakin niya ako sa braso.
Ang sakit sakit.
"Bakit ang tapang tapang mo na ah!? Ano bang pinagyayabang mo?!" Sigaw niya sa akin.
"Ainsley nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya at pilit tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Baka magkapasa ito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Mapanakit talaga siya. Hindi na siya nagbago kahit na ilang taon ang lumipas. Hindi padin siya napapagod saktan ako.
Nagulat nalang ako ng sakalin niya ako at tinulak at isinandag sa pader.
"Wag mo akong gagalitin Yna. Wag kang magmayabang na akala mo kayang kaya mo na ako." Sabi niya at niya ako binitawan kaya napaupo ako sa sahig.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil pinipigilan ko ang umiyak. Pagod na ang mga mata ko kakaiyak dahil sa iisang lalaki. Nakakasawang umiyak sa maling lalaki.
Umakyat na lang ako sa kwarto namin ni Ainsley. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakasabunot sa buhok niya.
Naglakad nalang ako papunta sa closet namin at naghanap ng susuutin ko para sa pupuntahan namin ni Ainsley.
Kahit bugbugin niya ako hindi ko isasama si Kyla.
Pagpasok ko sa cr naligo agad ako at nagbihis na din agad duon sa cr.
Paglabas ko nakahiga sa kama si Ainsley at malayo ang tingin niya ang lalim lalim ng iniisip niya.
"Hintayin kita sa sala." Sabi ko at lumabas na ng kwarto namin para hintayin siya sa sala.
Nang makaupo ako sa sofa tinawagan ko si Hayila. Gusto kong makausap at marinig ang boses ng anak ko. Siya lang nagpapalakas ng loob ko. Miss na miss ko na siya.
Third Person's POV
Pababa si Ainsley para pumunta sa sala si Yna na naghihintay sa kanya.
Narinig niya ang malambing na boses ni Yna at ramdam niyang masayang masaya ito.
"Oo anak dadalaw mamaya si Mommy. May inaasikaso lang kasi si Mommy kaya jan ka muna kay ninang. I love you anak." Malambing na sabi ni Yna.
Si Kyla ang katawag nito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya inistorbo at hinayaan niya lang. Kasi siguro ang ganda ganda nito habang nakangiti. Ngayon niya lang nakita na nakangiti ng napakaganda.
Yung hindi pilit at hindi puno ng sakit.
"Anak kain ka madami ah. Malapit na tayong magkatabi ulit sa kama. Ang strong naman ng anak ko at kaya na niyang matulog mag isa." Natatawa nitong sabi. "Katabi mo?......Wag matigas ang ulo kila Ninang ah. I love you anak. Bye na sige na makipaglaro kana." Malambing at puno ng pagmamahal na sabi nito. "I miss you too baby." May lungkot na sabi nito.
Nang wala na siyang marinig na nagsasalita ay lumapit na siya kay Yna.
"Tara na." Sabi niya at agad namang tumayo si Yna at naglakad at sumunod sa kanya.
Nang makalabas sila sa building at nakasakay sa kotse niya ay tahimik lang silang dalawa ni Yna.
Napatingin siya sa bago niyang phone ng tumunog ito. Si Annika nanaman hindi naman kasi siya nagpalit ng sim. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya dahil nasa tabi niya lang si Yna na tahimik na nakatingin sa dinaraanan nila.
Sinagot niya nalang at ispeaker.
"Bakit ang tagal mong sagutin?!" Sigaw agad ni Annika sa kanya.
Napabuntong hininga nalang siya. Napakataas talaga ng pride nito. Habang tumatagal pa iba ng paiba ang ugali nito. Naging maiinitin ang ulo at lagi siyang inaaway. Kasakit na minsan sa tenga pero nagtitiis naman siya.
"Annika look. Ayaw ko ng away. Hindi kaba nagsasawang awayin ako? Mahal naman." Nahihirapan na sabi niya dito.
"Ikaw naman kasi! Gumagawa ka ng dahilan para awayin ko! Ano na? Bakit ang tagal mo? Naakit ka nanaman sa bulok mong asawa!?" Galit na sabi nito kaya napatingin siya kay Yna na nakatingin din sa kanya at mabilis na umiwas ng tingin.
"Stop this mahal. Wag kang mag alala hindi naman kita ipagpapalit. Magpapakasal na nga tayo diba. Just wait and trust your man. Nandito ako para matapos na hindi ba?" Sabi niya para tumahimik na si Annika. Hindi na kasi niya alam kung saan nanggagaling ang galit nito. Kung bakit siya nito inaaway.
"Siguraduhin mo lang Ainsley. Sa akin kalang." May utoridad na sabi ni Annika.
Napapikit siya dahil sa inis dito pero ayaw niya itong sigawan dahil alam niyang mag aaway nanaman sila at hindi magsosorry sa kanya si Annika. Mataas masyado ang pride nito.
"Sayo lang ako mahal. Please kumalma ka nga. I love you." Pinalambing niya yung boses niya kahit na pilit oang yon.
"I love you too. Ingat kajan at balik ka agad." Sabi ni Annika.
"Ibababa kona mahal nagdadrive ako." Malambing na sabi niya dito..
Atleast magkaayos na silang dalawa. Yun naman ang importante kay Ainsley.
Napatingin siya kay Yna na nakatingin padin sa bintana.
Hindi ko din alam kung paano tayo nagkaganito. Galit, yun lang ang nararamdaman kong nangingibabaw sa akin. Sorry. Sorry talaga Yna.
Yna's POV
Nang hininto ni Ainsley yung kotse niyo sa harap ng bahay nila mama agad akong bumaba at hindi ko na siya hinintay makapasok sa loob.
"Yna!" Tili ng mommy ni Ainsley at sinugod ako ng mahigpit na yakap. "Kamusta na kayo ng apo ko? Grabe bagay na bagay talaga sayo ang maigsi mong buhok. Matured ka tignan." Nakangiti nitong sabi.
Ayaw kong magsinungaling sa kanila pero ayaw ko din na magalit sila kay Ainsley. Napakabait ng mga magulang ni Ainsley sa akin kaya nakakaramdam ako ng guilt.
Wala namang sekretong hindi nabubunyag pero ngayon hahayaan ko muna dahil gusto ko ang mga makinang sa mga mata ni mama. Parang anak ang turing niya sa akin at gusto niya ako para kay Ainsley.
"Nasaan si Kyla? Nasaan ang asawa mo?" Tanong ni mama habang nakahawak sa pisngi ko.
Magsasalita na sana ako ng magsalita sa likod ko si Ainsley na kapapasok lang.
"Hey Mom. Si Kyla kasi nasa ahm nasa bahay ng kaibigan ni Yna. Ayaw naman sumama sa amin dahil nakikipaglaro." Pagsisinungalig ni Ainsley. Ngumiti nalang ako at tumango kay mama.
"Nakakatampo naman yang apo ko. Kukurutin ko ang singit nun pag dumalaw dito." Sabi ni Mama. "Wala pa ang daddy mo nasa may trabaho dahil meron daw problema. Bakit kasi hindi ka pumapasok sa kumpanya Ainsley? Saan ka nagpunta? Bakit bigla mong binitawan sa ere ang kumpanya natin?" Seryosong tanong ni mama kay Ainsley..
Napalunok naman si Ainsley at pilit na ngumiti.
"May inisikaso lang Mom. Sige bukas papasok po ako at tutulungan si Daddy." Sabi nito at pabagsak na naupo sa pag isahang sofa. "Mom ipagluto mo nga ako ng paborito ko." Malambing na sbai ni Ainsley habang nakapikit.
Tumingin naman ako kay mama at sa braso ko siya napatingin.
"Bakit ma?" Tanong ko sa kanya.
"Anong nangyari sa braso mo bakit may pasa? At halatang kamay dahil bakat na bakat." Seryosong sabi ni Mama at tumingin sa akin ng seryoso.
"A-ahm." Napatingin ako kay Ainsley na natitig din sa akin.
"Yna umamin ka nga sa akin! Ainsley!" Sigaw ni mama at nanlilisik ang matang nakatingin kay Ainsley.
"Mama wala lang ito kasi a-ahm." Hindi ako makaisip ng palusot na talagang paniniwalaan ni mama.
Hindi ko naman alam na may pasa na pala ako. Masakit pero hindi ko naman inasahan na lalabas agad.
"Yna sinasaktan kaba ni Ainsley?" Tanong na hindi konkayang sagutin.
"Mommy kilala mo ako m-mahal na mahal ko ang asawa ko. Tsaka kanina muntik na siya mahulog sa hagdan kaya tinatak ko siya hindi ko naman alam na napahigpit. Nataranta lang naman ako." Sabi ni Ainsley na hindi makatingin sa mommy niya ng deretsyo.
"Siguraduhin mo lang Ainsley. Yna sabihin mo sa akin kapag----What the hell! Bakit meron kapang pasa sa leeg?!" Sigaw ni Mama at hinawakan niya ang leeg ko pero icheck kung pasa nga talaga ang nasa leeg ko.
"Mama kasalanan ko ito tumama sa cr yan. Minamalas lang talaga ako ngayong araw." Sabi ko para naman makumbinsi na siya. "Ma hindi po ako sinasaktan si Ainsley." Sabi ko.
Tumingin siya sa akin halatang hindi naniniwala.
"Hindi ako tanga Yna." Mahinang sabi ni Mama pabulong lang yun sa akin. "Pwede kang mag kwento sa akin. Natatakot kaba kay Ainsley? Ako ang bahala." Bulong ni mama habang nakatingin sa mga mata ko.
Umiwas ako dahil sabi nila sa mata mahuhuli kung nagsisinungaling ka. Ayaw kong makita ni mama ang malungkot kong mga mata.
Nagulat nalang ako ng akbayan ako ni Ainsley at seryosong nakatingin sa mommy niya.
"Mom kung hindi ka naniniwala uuwi nalang kami ni Yna." Sabi ni Ainsley at hinila niya ako papalabas sa bahay nila.
Ilang beses siyang nagmuka. Halatang halata na galit na si Ainsley.
"f**k! s**t!" Naiinis na sinuntok nito ang kotse niya. "Bobo ka naman kasi! Gusto mo bang mag away kami ni mommy?! Tanga, mag isip ka naman, sana itinago mo!" Sabi nito at pumasok sa kotse niya.
Tahimik naman akong pumasok din at hindi ko na nasusuot ang seatbeat ko ay pinaharurot na nito ang kotse niya.
Hindi magandang idea na magsama ulit kami ni Ainsley.
Pumikit ako.
"Ihatid mo ako kila Hayila. Gusto kong makita yung anak ko." Mahinang sabi ko dahil hindi ko na kaya yung sakit. Kailangan ko yung anak ko.
Siya lang ang makakatanggap ng bigat na nararamdaman ko.
- - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT