Chapter 8

2176 Words
EnjoyReading Yna's POV Nakangiti kong pinagmamasdan ang anak kong mahimbing na natutulog. Nandito kami sa guestroom nila Hayila. Nahihiya na nga ako eh kung may pamilya lang ako. Kung may magulang pa ako sila ang guguluhin ko. Pero maaga nila akong iniwan eh. Maaga silang kinuha ni Lord para bumalik na sa kaharian nito. Sobrang saya ni Kyla ng makita niya ako. Dapat hindi niya pa nararamdaman ang pagkasabik sa magulang kasi ang bata niya pa. Pero dahil sa desisyon ko para hindi siya madamay sa sakit na ibibigay ni Ainsley kailangan ko itong gawin kahit mabigat sa loob ko. "Mommy." Inaantok na tawag niya sa akin at nagkusot kusot ng mga mata. Agad ko naman siyang niyakap. "Nagpromise ka mommy bukas ka aalis kaya paggising ko bukas meron kapa diba? Bago ka umalis dapat gising ako diba?" Tanong niya sa akin pero nakapikit ang mga mata niya. Hinalikan ko siya sa noo. "Oo naman baby. Sabay pa tayong magbreakfast bukas. Tapos dadalawan padin naman ako at magmamall tayo." Malambing kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya at niyakap ako ng mahigpit at nakatulog na dahil nagpantay na ang paghinga niya. Sana talaga iba nalang ang naging tatay ni Kyla. Sana hindi nalang si Ainsley. Kasi nandiyan nga siya at maraming oras na makakasama ang anak niya pero walang pakialam sa mismong anak niya. Alam kong galit siya sa akin. Hindi ko naman itatanggi ang mali ko. Pero labas naman na sana ang anak namin. Napatayo nalang ako ng marinig ko ang katok sa pinto kaya agad kong binuksan. Nasalubong ko yung malamig na tingin sa akin ni Hayila. "Nasa sala si Ainsley hinahanap ka." Sabi nito at umalis agad. Napabuntong hininga naman ako at bumaba na. Nakita ko agad si Ainsley ng makapunta ako sa sala. Nakaupo sa pang isahang sofa si Ainsley. "Bakit ka nandito?" Tanong ko agad sa kanya. Napatingin naman siya sa akin ng marinig siguro ang tanong ko sa kanya. Tumayo siya at seryosong tumingin sa akin. "Uuwi na tayo." Sabi niya ng malamig na boses. Napabuntong hininga ako at napahawak ako sa noo ko. Napakunot naman ako ng noo ng marinig ko ang sinabi niya. "Ainsley bakit? Tsaka hindi ba pwedeng dito muna ako hanggang umaga. Kung walang magluluto ng pagkain sayo ngayong gabi sa labas kana lang maggabihan. Gusto ko lang makatabing matulog ang anak ko." Sabi ko sa kanya at yumuko. "Sinabi ko na sayong iuwi mo na si Kyla sa condo. Ang arte arte mo kasi." Galit na sabi nito sa akin. "Para ano? Para saktan mo din?" Tanong ko sa kanya. Nanahimik naman siya dahil sa tanong ko. "Ainsley ito nalang ang hinihiling ko. Pagbigyan mo na." Mahinang sabi ko sa kanya. "Nasan ang kwarto niyo dito?" Tanong niya sa akin. "Sa taas, guestroom." Sabi ko sa kanya tumango tango naman ako. "Halika na duon ako matutulog ngayong gabi." Sabi niya sa akin. Malalaki ang matang napatingin ako sa kanya. Hindi pwede! Baka makita siya ni Kyla at magpulitin itong magpabuhat sa kanya. Yakapin pa nga lang siya ng anak ko parang nandidiri na si Ainsley. Ayaw kong aasa nanaman siya sa wala. Paulit ulit nalang. Tsaka hindi naman namin bahay ito. Ang kapal kapal na nga muka ko nakakahiya na kay Hayila. Siya nalang lagi ang taga salo ko sa lahat ng bagay. "Hindi pwede." Pagtanggi ko sa kanya. Kunot noo naman siya tumaas kaya sinundan ko siya hanggang sa papunta siya sa harap ng master bedroom kung nasaan ang kwarto nila Hayila. Hindi ko na siya napigilan dahil bumukas na ang pinto at niluwa non si Crakky na nagulat pa ng makita si Ainsley. "Bud." Tawag ni Ainsley kay Crakky. Kahit nag aalinlangan ngumiti si Crakky ng pilit. "H-hey bakit?" Tanong ni Crakky at tumingin pa sa akin si Crakky. Yumuko ako dahil sa hiyang nararamdaman. "Pwede ba akong makitulog?" Deretsyong tanong ni Ainsley. Hindi man lang ito nahiya kay Crakky na kumunot pa ang noo. Tumingin muna si Crakky sa akin bago tumango. Nagpasalamat naman si Ainsley at hinila na ako papaalis. "Ituro mo yung kwartong tinutulugan niyo." Sabi niya sa akin sa seryosong boses. Nang maituro ko na pumasok siya agad at dahil hatak hatak niya ako. Nakapasok din ako agad at pinagdarasal ko na sana hindi gumising si Kyla. Ayaw kong makita niya ulit si Ainsley. Tapos may mabubuo nanamang pag asa sa puso niya kahit wala naman ng patutunguhan talaga. Hayaan na ko na tanging ako nalang ang aasa. At least ako ayos na kapag masasaktan dahil nararananas ko naman na. "Pwede bang umalis ka ng maagang maaga o kaya hintayin mo nalang ako duon sa ikalawang poste sa labas. Kasi nangako ako kay Kyla na sasaluhan ko siyang magbreakfast." Sabi ko sa mababang boses. Nakatingin ako kay Kyla baka kasi magising ito. "Okay." Bored niya lang na sabi at binitawan ako at hinubad ang pang itaas na damit bago ang pang ibaba. Nakaboxer short naman siya. Bakit mas naging malaki ang katawan niya? Damn it Yna! Nakatingin lang ako sa kanya na nahiga sa kabilang side ng kama. Malayo kay Kyla kaya napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa awa sa anak ko. Kung sana kaya kong pawiin lahat ng pagasang mamahalin pa siya ng sariling ama ay gagawin ko. Grabe! Ganito niya ba kamuhian ang anak ko? Kahit masama ang loob lumapit na ako at nahiga sa gitna at niyakap ang anak ko. Hinalikan ko siya sa noo at hindi pinansin si Ainsley. "Nag-aaral na ba siya?" Nagulat ako sa tanong niya. "Sa pasukan papasok na siya." Sabi ko sa mababang boses at malambing na tinapik tapik ang pwitan ni Kyla. Nanahimik naman kaya akala ko tulog na siya kaya pinikit ko na din ang mga mata ko. Pero nagsalita pa siya. "Hindi ka nagkaroon ng karelasyon habang wala ako? Manliligaw?" Tanong nanaman niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Syempre wala akong naging nobyo masyadong umaasa at naghihintay ang puso kong balikan mo. "Wala akong naging karelasyon. May mga nanligaw pero ng makita nila si Kyla at malaman na anak ko. Nagbaback out na sila tapos puno ng panghuhusga ang mga mata nila." Mahinang sabi ko. Nanahimik naman siya kaya bumalik sa ala ala ko ang dalawang lalaking nanligaw sa akin. Akala nila dalaga pa ako at nang makilala nila si Kyla. Biglaan nalang silang nawala na paramg bula. Ayos lang naman dahil mas magandang nangyari yun kaysa namang napalapit pa ang anak ko sa kanila tapos kapag nakuha na nila ang gusto nila sa akin tsaka aalis at maiiwang nasasaktan nanaman ang anak ko. Syempre gusto kong makahanap at subukang maging masaya kasama ang lalaking para sa akin. Pero dapat mahal din ang anak ko. Yung tatanggapin ako at ang anak ko. Yung mamahalin ako kagaya ng pagmamahal ko sa anak ko. Yung irerespeto ako bilang babae kahit ba meron na akong anak. Masyadong hindi patas ang mundo sa babae at sa lalaki. Kapag ang lalaki ang hindi na 'virgin' ayos lang at tanggap ng lipunan. Hindi big deal mas makakadagdag pa nga ng appeal sa kanila. Pero kapag ang babae ang hindi na birhen kapag nakuha ng isang lalaki. Kung makapanghusga ay tila walang ginawang kasalanan sa mundo. Masyadong mahalaga ang butas sa babae tila buong camera na mata ng tao ay tutok sa isang babae. "Hindi mo deserve ang mga lalaking ganon." Mahinang sabi niya. Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya. "Ibig sabihin hindi kita deserve. Of course hindi, deserve kong maging masaya pero dahil mahal kita kinakalimutan ko yun para sayo. Pero dahil hindi mo naman makita yun at kung husgahan mo ako wagas wagasan." Mahinang sabi ko. Hindi ko alam pero gusto kong manumbat ngayon pero wala akong maramdaman na luha sa mga mata ko. Hindi na ba ako iyakin? Tinignan ko nalang yung anak ko. "Natanong ko din sa sarili ko kung kilalang kilala na ba kita. Kasi nung nagsama tayo ibang iba kana." Sabi konsa kanya habang nakatitig sa maamong muka ni Kyla. "You cheated on me." Mahinahon pero may galit na sabi niya. Dinidiin niya yun pero siya din naman ay niloko ako. Oo sabihin na natin na ako ang naunang magloko. Panloloko naba yung tawag sa babaeng pinagsamantalahan lang? Hindi ko naman ginustong may mangyari sa amin ni Kian. "You cheated on me too." Diin ko din sa kanya. "Oo ako ang nauna pero nagloko kadin. Ang baho ko ay baho mo din. Sabi nila pag mahal mo magpapatawad ka-----"....."Hindi kita kayang patawadin dahil punong puno ng galit ang puso ko para sayo." Mahinahong sabi niya at pinutol pa ako sa pagsasalitan. Napapikit ako ng madiin. "Mababaw kang magmahal Ainsley." Mahinang sabi ko habang nakatingin padin sa anak ko. "Kasi ayos lang naman sanang malamig ang pakikitungo mo sa akin at sinasaktan ako. Pero dinamay mo yung anak ko. Ibang usapan na kasi yun." Sabi ko sa kanya. "S-si K-kyla ang bunga ng pagtataksil mo." May diin niyang sabi sa akin. Napapikit ako dahil sa sakit na pagkakasuntok nito sa puso ko. Baon na baon tila dinudurog pa lalo ang durog ko ng puso.. "Ang kasalanan ko ba'y kasalanan ng anak ko? N-nang anak namin ni Kian?" Tanong ko sa kanya. Tinanggap ko ng si Kian ang ama ni Kyla kahit si Ainsley naman. Masyadong bulag si Ainsley at hindi niya alam na nananalamin lang siya kay Kyla. Kung sa akin siya galit dapat ako nalang ang saktan niya at baliwalain. Hindi ang anak ko. "Matulog na tayo." Mahinang sabi niya Napapikit naman ako ng may luhang nakatakas sa mga mata ko. Hindi ko alam kung makakatulog ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pero nagulat nalang ako ng may yumakap sa matipunong braso sa bewang ko at hinawalan ang pisngi ni Kyla dahil napamulagat ako. Ainsley! Pagkatapos niyang haplusin ang pisngi ni Kyla. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Goodnight." Bulong niya sa aking tenga kaya nagtaasan ang balahibo ko at nagkabuhol buhol ang paghinga ko. Napapikit nalang ako dahil sa pagiinit ng pisngi ko. Ano bang ginagawa mo Ainsley?! Third Person's POV Nakatingin lang si Ainsley sa mag inang natutulog ng mahimbing sa tabi niya. Hindi siya makatulog lalo na ng bumabalik sa isip niya ang mga sinabi sa kanya si Yna kanina. Puno ng hinanakit ang tinig na meron si Yna. Ganon ba ang ginawa ko sa kanya? "Mababaw kang magmahal Ainsley." Mababaw nga ba talaga siya magmahal? Dapat ba pinatawad niya ito? Pero pinangungunahan siya ng galit niya hanggang ngayon! Hindi niya ito mapigilan na tila ito na ang namumuno sa buong pagkatao niya. Shit! Umupo siya at hinawakan ang pisngi ni Yna. "Huli na talaga para sa ating dalawa. Hindi ko kaya Yna. Kapag nakikita kita kahit ang gusto kong maalala ay ang masasaya nating nakaraan ay iba ang bumabalik sa aking isipan. Galit! Pagkamuhi! Sakit, yun lang ang nararamdaman ko. Dahil dun hindi ko namalayan na unti unti ng nabura ang pagmamahal ko sayo." Sabi niya habang hinahaplos ang pisngi nito. Hindi niya matanggap na ang babaeng nakita niya na makakasama niya sa pagtanda ay masasaktan niya. Nagkakasakitan silang dalawa. Para itong gasolina at siya ang apoy. Kailan man ay hindi pwedeng pagsamahin dahil sasabog at liliyab. Makakasakit lang sila. Si Kyla ang isa sa taong masasaktan. No! Nasaktan na nila! Nasaktan na niya at ni Yna! Siya ay walang kwentang ama pero si Yna nakikita niyang ginagawa nito ang lahat para maprotektahan si Kyla.. Hindi pa ba sapat na nagstay siya at hinintay ka? Hindi pa ba sapat na mas pinili niyang makasama ka kaysa kay Kian? Napapikit siya ng madiin dahil sa munting boses sa kanya isipan. Hindi niya masagot yun! Nalilito na ang kanyang isipan. Napatingin siya kay Kyla ng gumalaw ito at may nakita siyang picture na mahuhulog na. Nakatago yata ito sa ilalim ng unan ni Kyla. Kinuha niya yun at biglang may sumuntok at biglang hindi siya nakahinga dahil sa nakita niya. Picture niya yun. Mga 23 siya dito. Napatingin ulit siya sa batang pinagkaitan niya ng pagkalinga at pagmamahal. Batang kinamuhian niya dahil nagbunga ng panloloko ni Yna. Binalik niya ang tingin sa picture at binaligtad ito at duon niya nakita ang nakasulat na. My Daddy. Nakaramdaman siya ng hindi mapapantayang awa sa isipang umaasa ang bata sa isang amang mag aaruga dito. Napakagat siya sa ibabang labi niya at binalik ang picture sa ilalim ng unan ni Kyla at tila may sariling utak ang labi at katawan niya para halikan ito sa noo. Pati na din si Yna ay hinagkan niya ang noo. Ang dalawang babaeng sinaktan niya ng dahil sa galit at pride pati na din ang ego. Hindi niya matanggap ang panloloko sa kanya ni Yna. Paano pag may paliwanag siya? Na iba ang nangyari ng gabing yun? Paano pag may malalim na dahilan? Pinikit niya ang mga mata, ayaw niyang mag isip ng kung ano ano! Nahiga siya at yumakap ulit kay Yna. Nakaramdam ang puso niya na tila. Ang puso niya'y nakauwi na. Yna Sa piling ni Yna. - - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD