Chapter 9

2554 Words
EnjoyReading Yna's POV Nagising ako ng wala na si Ainsley sa tabi ko. Napatingin ako kay Kyla mahigpit padin siyang natutulog. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nakita ni Kyla si Ainsley. Baka kasi magkaroon nanaman ng problema. Hindi ko kayang nahihirapan ang anak ko. Tumayo ako para tignan kung may breakfast na. Baka kasi naghahanda palang si Hayila tutulungan ko na siya. Nakakahiya kasi masyado. Dito na nga kami halos tumira. Hiyang hiya na ako kay Hayila. Sobra na akong nakakaabala pero wala padin akong marinig sa kanya na reklamo. Pati sa asawa niyang si Crakky. Dalawa silang tinuring na isang tunay na anak ang anak ko. Bakit ang unfair ng mundo? Kung sino pa ang hindi ko kadugo sila pang nagmamalasakit sa akin. Hindi ko ginustong ganito ang naging kapalaran ng anak ko. Hanggang sa makakaya ko pipilitin kong wag siyang madamay sa gulo. Nang makababa ako sa kusina nakita ko si Hayila na nagluluto ng breakfast kaya tinulungan ko nalang siya. Tahimik siya ng makita niya ako. Alam kong malaki ang tampo niya sa akin dahil si Ainsley padin ang pinipili ko. Pero kahit ganon hindi pa din niya hinayaan na walang mag alaga sa anak ko. "Naghihintay daw si Ainsley sa ikalawang poste." Sabi ni Hayila sa malamig na boses. Kaya napatingin ako sa kanya hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman kaya hinihintay niya pa ako? Pwede naman akong magtaxi nalang. Siguro magpapaluto yun ng umagahan niya. Alas sais palang naman ng umaga. Nang maayos ko na ang lamesahan sakto naman nagtakbuhan na yung mga anak ni Hayila, si Kyla nalang ang kulang. "Tatawagin ko lang si Kyla." Nakangiting sabi ko kay Hayila. Tumango naman siya kaya tumaas na ako. Nakita ko namang pababa si Crakky kaya nagngitian lang kami bago ako pumasok kung saan natutulog ang anak ko. "Baby wake up." Malambing na paggising ko kay Kyla na mahimbing padin na natutulog. Hindi naman siya nagigising kaya kiniliti ko na siya. Unti unting nagmulat si Kyla ng mga mata tapos ngumiti sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you mommy kasi nandito kapadin." Malambing at halatang kagigising ang boses niya. "Naman baby para sayo." Malambing na sabi ko. "Mommy alam mo ba napaginipan ko si daddy." Nakangiti nitong sabi. Unti unti namang nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Tapos hinalikan niya po ako sa noo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ko namang maiwasan na makaramdam ng awa sa anak ko. Kahit kailan kasi hindi niya mararamdaman na hahalikan siya ni Ainsley sa noo. Masyadong imposible. Tapos naniniwala ako na. Lahat ng napapaginipan mo, kabaliktaran ang mangyayari. Hinalikan ko si Kyla sa noo ng madiin. "Halika na sa baba. Breakfast na tayo." Nakangiti kong sabi. Agad naman niyang niyakap ang mga braso niya sa akin kaya natatawa akong binuhat siya kahit mabigat na talaga siya. Naging maganda ang takbo ng umagahan namin. Hanggang sa umalis ako at naglakad papalapit at papunta sa ikalawang poste. Yung medyo malayo na kila Hayila. Mabigat ang bawat hakbang ko kasi makikipag laro nanaman ako kay kamatayan sa piling ni Ainsley. Hindi ko talaga naimagine na ganito ang magiging buhay ko kay Ainsley. Nakita ko na yung kotse niya. Napabuntong hininga ako. Malulungkot nanaman ako kasi hindi ko kasama ang anak ko. Third Person's POV Nakita niyang mahigpit ang yakap ni Kyla kay Yna. Mahirap sa kanya hindi niya alam kung bakit mabigat ang loob niya dahil sa nasasaksihan. Hindi naman malapit sa kanya si Kyla. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng bigat sa dibdib niya. Ilang beses hinalikan ni Yna si Kyla sa noo bago ito lumapit sa kinaroroonan niya. Pinatigas niya ang muka niya lalo na ng pumasok na si Yna sa kotse niya. Aaminin niya magaan ang loob niya kagabi dahil nakasama niya si Yna at Kyla. "Nag-umagahan kana ba? Lulutuan nalang kita sa bahay." Mahinang sabi ni Yna sa kanya. Hindi naman siya nagsalita dahil ayaw niyang may lumabas sa bibig niyang pagsisihan niya. Hahayaan niyang matigas muna ang puso niya katulad ng dati. Iniisip niya ang mga bagay na pwede sanang mangyari kapag hindi lumabo ang pagsasama nila ni Yna. Sa pinag-usapan nila ni Yna kagabi hindi niya nagustuhan ang naging reaksyon niya para sa sarili niya. Sinisisi na niya ang sarili niya. Kung bakit naghirap si Yna sa piling niya. Ang dami daming kamalasan ang nangyari sa kanya kahapon kaya dito siya nakitulog. Nalulugi na ang kumpanya nila. Galit ang daddy niya dahil hindi niya daw sinabi na umalis siya ng walang namamahala sa kumpanya nila. Hindi niya alam kung paano niya palalaguin ulit ang kumapanya nila. Mamaya ay pupunta siya para ayusin pa. Kailangan niya ng malaking pera. Pero hindi niya alam kung saan kukuha. Masyado kasi siyang nagpakasaya sa piling ni Annika at hindi iniisip ang mga bagay na mangyayari. Napatingin siya kay Yna ng marinig niyang tumunog ang cellphone nito. Nang sinagot yun ng asawa niya nakinig lang siya. Pinagdarasal na hindi niya ikabad trip kung sino man ang tatawag dito. "Y-yes po Papa kasama ko siya." Sabi ni Yna at tumingin sa kanya. Alam na niya agad kung sino ang tumawag dito. "Sabihin mo pupunta ako mamaya." Bored na sabi niya at yun naman din ang sinabi ni Yna bago nito binaba ang phone. "M-may problema ba?" Tanong ni Yna. Nang hindi niya sinagot yun. Nanahimik ito at nakita niya mula sa gilid ng mata niya ang bumakas na pagkapahiya sa muka ni Yna. "May problema lang sa opisina." Bored din na sabi niya dito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagustuhan ang sakit at pagkapahiya sa magandang muka ng asawa. Bigla namang tumango tango si Yna. Mula ulit sa gilid ng mata niya mukang may sasabihin pa ito pero kinakabahan ito. "What?" Seryoso niyang tanong dito. "A-Ainsley p-pwede habang inaayos niyo yung problema sa kumpanya niyo pwede bang kila Hayila muna ako? Tawagan mo nalang ako kapag ayos na." Kinakabahang sabi nito sa kanya. Bigla naman siyang nagulat dahil sa sinabi nito. Parang may biglang bumara para hindi siya makahinga ng maayos. Ayaw niyang makasama ako. "Bakit? Ayaw mo akong makasama." Sabi niya dito. Napahigpit ang paghawak niya sa manubela at mukang nakita yun ni Yna kaya napalunok ito ng ilang beses. Takot ito sa akin. "S-sige w-wag nalang. S-sorry." Mahinang sabi niya at umiwas ng tingin. Naging tahimik nanaman ang buong byahe nila. At Hindi niya gusto ito. Yna's POV Wala si Ainsley ngayon dahil pumunta sa opisina. Hindi ko alam kung anong problema nito. Napakagat labi ako dahil gusto kong umalis dito sa bahay at bumalik kila Hayila para makasama ang anak ko pero baka magalit si Ainsley. Nagulat nalang ako ng tumunog yung phone ko. Nang tignan ko si Ainsley nagtext siya. Ganon nalang ang panginginig ng kamay ko ng mabasa ko yung text niya. Ainsley: Maghanda ka at bumili ng madaming in can na beer. Jan kami mag iinuman ng mga kaibigan ko. Sabi niya sa akin. Paano kung gawin niya ulit yung ginawa niya noon? Paano kung ibenta nanaman niya ako? Hindi ko na kakayanin. Kahit ba mababait ang mga kaibigan ni Ainsley. Yung tingin ko sa sarili ko mas bumababa. Ang hirap ng isipin ang mga sakit, ang hirap ng damdamin. Masyadong mabigat at masakit. Hindi ako nag reply sa kanya at lumabas na sa condo niya. Hindi nalang ako lalabas mamaya para hindi ko sila makita. Kasi iba si Ainsley pag nalalasing. Sasaktan nanaman niya ako siguradong sigurado ako dun. Napatalon ako sa gulat ng biglang tumunog yung phone ko. Nalaglag pa nga dahil sa gulat ko. Pupulutin ko na sana ng may nauna na sa akin. "Hi." Nakangiting sabi ng lalaking pumulot sa phone ko. "Salamat." Sabi ko at kinuha yung phone ko at aalis na sana ng pigilan niya ako. "Number ng condo mo?" Tanong niya sa akin. May naglalarong ngiti sa mga labi niya. Ang titig niya ay nakakatunaw. Bakit ang gwapo ng lalaking ito?! "Pasensiya na may pupuntahan ako eh." Sabi ko at nagmamadaling umalis. Anag lalaking yun! Makapigil hininga ang mga titig niya. Siguro may condominium yun dito. Wala naman akong paki alam. Napatingin nanaman ako sa phone ko ng tumunog iyon. Agad ko namang sinagot. "Bakit hindi ka nagreply?! Bakit hindi mo sinagot yung tawag ko kanina? Bakit ngayon mo lang sinagot?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Ainsley. Napabuntong hininga naman ako at hinintay na makarating ako sa baba. Nakasakay na ako sa elevator. "Pasensiya na." Yun lang yung sinabi ko sa kanya. Wala naman akong ibang masasabi. Nakakatakot din kasi si Ainsley. Ayaw kong pahabain ang usapan naming dalawa. "Nasaan ka?" Seryosong tanong niya sa akin. Iba siguro ang timpla nito. May problema sa kumpanya nila eh. "Paalis na ako para bumili ng pinapabili mo." Mahinang sabi ko sa kanya. Nanahimik naman ng ilang minuto bago nanaman siya magtanong. "Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ang tamlay mo magsalita?" Tanong niya sa akin. "W-wala naman. Tsaka Ainsley hindi ako haharap sa mga kaibigan mo mamaya. Enjoy kayo." Mahinang sabi ko sa kanya. "Mag usap tayo mamaya." Sabi niya bago ako pinatayan ng tawag. Kasama kaya si Crakky at Twain mamaya? Sana naman isama nila si Hayila at Aliyah. Gusto ko namang may kausap ako tsaka mas panatag ang loob ko na hindi ako gagambalain ni Ainsley mamaya. Basta magpapakalasing yun dahil sa problema. Sa guestroom ako matutulog mamaya at ilalock ko yung pinto. Baka kasi saniban nanaman siya ng masamang espirito at mambugbog nanaman. Tinignan ko yung wallpaper ko. Si Kyla habang nakangiti. Papakatatag ako hanggang sa matapos lahat lahat. Alam kong malapit ng matapos ang lahat. Third Person's POV Pag uwi na pag uwi ni Ainsley sa condo niya. Ang tahimik, malamang dalawa lang naman kasi sila ni Yna dito. Nag-aya siyang makipag inuman sa mga kaibigan dahil gusto niyang humingi ng tulong sa mga ito. Kakapalan na niya ang muka niya. Ang perang naipon niya ay hindi kakayanin. Kailangan ng sobrang laking pera para makabangon ulit ang kumpanya nila. Tinanggihan naman niya ang tulong mula sa mga magulang niya dahil ang pera nila ay para sa pagtanda nila. Kasalanan niya yung bakit bumagsak at siya din ang dapat na umayos sa kapabayaang ginawa niya. Mamaya pa namang 7 ang punta ng mga ito, Alas sais palang ng gabi kaya pagod siyang umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto nila ni Yna. Pero pagbukas niya ng pinto at tumingin siya sa kama. Wala si Yna! Nagdilim bigla ang paningin niya at dinaga ng kaba ang puso niya. Nagmamadali siyang pumunta sa Guestroom at ganon nalang ang pagkabunot ng tinik sa kanya ng makita duon si Yna na may kausap sa cellphone nito. "Ayos lang......Oo, hindi ako lalabas dito sa kwarto ko. Natatakot ako kay Ainsley......Kasi iba siya kapag nalalasing, binubugbog niya ako at pinagsasalitaan ng kung ano anong masasakit na salita......salamat sa pag unawa.......sige ingat ka." Sabi nito at binaba na yung cellphone. Naikuyom niya ang kamao niya at pasimpleng sinarado yung pinto at hindi na nagpakita kay Yna. Ang mga ginawa niya dito noon ay kailanman ay hindi kayang limutin ng kahit na sino man. Para itong peklat na pamhabang buhay. Paano naman malilimutan ang kademonyohan niya? Nakatatak na ito kay Yna na maging siya hindi niya alam kung paano malilimot ang mga ginawa niya dito. Unti unti niyang nalalaman kung gaano ba talaga siya kawalang kwentang lalaki at gaano kasama kay Yna. Nakita nalang ni Ainsley ang sarili na nakaupo sa pang isahang sofa at tulala habang nag iingay ang mga kaibigan niya. Higit sila sa dose dito sa sala. Si Yna hindi nga bumaba, siya nalang ang nag asikaso at nagorder nalang sila ng makakain, pulutan para mas masarap ang kwentuhan at inuman nila. "Pare! Nasaan na pala yung asawa mong binebenta mo?" Tanong ni Aj sa kanya. Bigla siyang napatingin dito. Nagdilim ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Lasing na ito halata sa kinikilos. Ang sabi ni Twain ay broken ito. Hindi niya nakalimutan ang mga kahayupang ginawa niya sa asawa. "Aj!" May babala sa tono ng pagtawag ni Crakky kay Aj. "Bakit?! Totoo naman!" Sigaw na ni Aj. Lasing na nga ito. Ipinikit niya ng madiin ang mga mata para pakalmahin niya ang sarili niya. Nanahimik naman lahat sila sa sala. Tila hinihintay kung sino ang babasag ng katahimik. Napayuko din lahat ng lalaki pero siya hindi nakatingin lang siya kay Aj. Nakipagtitigan naman ang mapupungay na mata nito dahil sa kalasingan. Lasing na ito Dahil pulang pula na ang tenga nito at mga pisngi. "Nasaan na ang asawa mo?! Ah ex wife na pala kasi annulled na ata kayo. Grabe, dapat ikaw yung mga nasa kulungan eh, mga walang kwentang lalaki." Sabi nito at tumawa pa ng nakakaloko. Tila talagang inaasar siya. Kinuyom niya ang mga kamao at nakinig lang dito. Konti nalang mabubuhay nanaman ang kani kanina lang ay pinatulog na niya. Demonyo.. "Aj lasing kana pre. Labas muna tayo pahangin." Sabi ni Twain at tinatayo si Aj pero nagpumiglas ito. "Si Kian nalang dapat ang pinakasalan ni Yna! Wag nga kayong yumuko! Sabihin niyo! Sa harap mismo ni Ainsley na si Kian yung pinili natin para kay Yna. Nakakapang hinayang si Kian. Nakakapang hinayang yung relas------" Hindi na niya ito pinatapos sinugod niya ito ng malalakas na suntok. Tang ina! Kian! Kian! Kian! Puro nalang Kian! Putang ina! Yna is mine! Akin siya! Lahat sila umawat sa kanila ni Aj. Si Aj naman ay hindi gumanti ng suntok. Tumatawa itong tumayo sa pagkakaupo sa sofa dahil duon ito natumba ng sinuntok niya. "Babalik na si Kian. Babalik na yung deserving para kay Yna." Sabi nito at lumabas kahit pagewang gewang na maglakad papalabas. Agad itong dinaluhan ni Twain. "Lumabas na kayo sa condo ko." Mahina pero may diin na sabi niya Walang gumalaw sa kanila kaya sumigaw na siya! "PUTANG INA SABI NG LUMABAS KAYO SA CONDO KO!" Narinig pa niya ang pagbuntong hininga ng mga ito bago lumabas lahat sa condo niya. Tumalikod siya at handa ng tumaas ng makita niyang humahangos na bumaba si Yna. "B-bakit ka sumisigaw? May nangyari ba? Nasaan ang mga kaibigan mo?" Kinakabahan na tanong nito sa kanya. Sa unang paggkakataon pinakita niya ang emosyon sa mga mata niya na nasasaktan siya at pagod na siya. Lalo na ng maalala niya ang sinabi ni Aj. "Babalik na si Kian. Babalik na yung deserving para kay Yna." Duon siya natakot dahil sa sinabi nito. Nagawa pa niyang matakot kahit na siya naman talaga ang may gustong makipaghiwalay na kay Yna. No! Sa pagkakataon na agawin nito si Yna. Papatayin niya ito! Bahala na basta gagawin niya ang mga bagay na gusto niyang gawin. Lumapit siya dito at umatras ito at nakita niya ang takot sa mga mata nito.. "A-a-ah b-babalik n-na ako sa guestroom." Sabi nito at aakyat na sana ng nagmadali niyang niyakap ang asawa na matagal na niyang hindi ginagawa. Naramdaman niyang natigilan ito dahil sa ginawa niya. Ilang segundo lang ay sinuklian nito ng yakap ang niya. Ang takot sa mga mata nito ay tatanggalin niya. Bigla nalang niyang hinalikan ang leeg nito papunta sa tenga. "I missed you so damn much sweetheart." - - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD