Yngrid MAHIGPIT ang pagkakahawak sa akin ni Devron ng makapasok at makaupo kami sa loob ng resthouse, hindi na ako nagulat kung nandito ang asawa ni Iris na ngayon ay may tina-track at tinitingnan sa laptop. Nang mapansin niya ang presensya naming tatlo ay umangat ang mga mata niya sa amin at kinilabutan naman ako ng malalim ito at handa na yatang pumatay ng tao base pa lamang sa titig niya. Nang makita niyang seryoso kaming lahat ay nagsimula na siyang magsalita. “Base sa spy na nakapasok sa organization ng pamilya nila Kalista ay nakaplano na raw ang lahat sa kung paano sila susugod dito at kung paano papatayin ang asawa mo sa mismong harapan mo, Devron.” Mariin ngunit ang boses nito ay kasing lamig ng yelo kaya nakaramdam ako ng takot pero mas lumala pala ito ng marinig ko ang boses

