These chapters are the flashback to how Devron planned everything. Devron “GELENE, you will be the one who are going to spy the illegal organization of Ryan Dela Fuente,” saad ko sa seryosong boses habang kaharap ko siya sa opisina ko at umiinom ng juice. Saglit siyang natigilan at itinuro niya pa ang sarili niya na parang naninigurado sa sinabi ko. “Ako, boss?” “Oo, ikaw? May problema ba?” Pagtatanong kong muli kaya napangiwi siya at umiling. Akala ko ay tatanggihan na naman niya ako, mabuti na lamang at hindi. “Hindi naman ako mahuhuli?” “Hindi, magdi-disguise ka.” Sagot kong muli at napakamot siya sa kilay niya na para bang hindi niya nagustuhan ang narinig. “Amputa, sige na nga. Mukhang malaki naman ang bayad. ‘Yan lang ba ang gagawin ko, boss?” “Yes, just update us. Ang kah

