Kabanata 8: Thank You

1752 Words
Hello po, last update ko po muna ito kay Devron. Baka po September na po ang balik niya. Tatapusin ko lang po ang The Billionaire Secret. Baka magustuhan niyo rin pong basahin ang TBS. Thank you and stay safe! -Hope Yngrid NATIGILAN AKO sa nakita ko at kumunot ang noo ko. Bakit siya may picture ko? Ma nagawa ba akong mali dito sa mansion? Alam kong sa sarili ko na maayos at responsable ang pagtatrabaho ko dito kahit na minsan ay hindi maganda ang pakikisama sa akin ng mga katrabaho ko. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya at saka nagsalita. “Senorito, ang gandang babae naman po ng tinitingnan niyo,” pagbibiro ko pa kaya gulat siyang napatingin sa akin at mabilis niyang nailapag ang litrato ko sa laptop niya. Kitang-kita ko rin ang pagkataranta niya ng mahuli ko siya sa ginagawa. “What are you doing here? Kanina ka pa ba diyan?” Pagtatanong niya kaya pumunta muna ako sa harapan niya para ilagay ang kape sa tabi ng laptop at sumagot. “Kararating ko lang po,” tipid kong sagot at nginuso ko naman ang picture ko kaya muli siyang napatingin dito. “Bakit mo po pala may litrato ko, Senorito?” Kaya umayos muna siya ng pagkakaupo at humigop ng kape bago sagutin ang katanungan ko. “Ah, ayan. I’m just checking your personal background since magda-dalawang buwan ka na sa akin. I found that you lost your mother when you were a baby, right?” Pang-uusisa niya kaya napatango naman ako bilang pagsang-ayon sa narinig. “Opo. Kaya si Papa na po talaga ang kasama ko simula bata pa lang po ako. Noong isilang ako ni Mama ay saka siya nawala sa amin. Noong una ay nahihirapan si Papa kasi wala pa siyang trabaho noong baby pa ako hanggang sa may lumapit daw na isang lalaki sa kaniya at inalok na maging bodyguard na tinanggap naman niya.” Panimula ko kaya nakita kong taimtim na nakikinig si Senorito sa kwento ko. “You can sit beside me, Yngrid. Para ‘di ka mangalay sa pagtayo.” Alok niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na umupo sa tabi niya. Huwag ng magpakipot, araw-araw ko rin naman makakasama ang Senorito. Nang maupo na ako sa tabi niya ay ipinagpatuloy ko ang pagkukwento. “Sa una ay hindi niya alam kung saan ako dadalhin kasi wala naman po kaming kamag-anak dito sa Pilipinas. Lahat ay nasa abroad. Imbis na iwan niya ako ng kung kanino ay dinala niya ako sa trabaho niya, akala niya ay magagalit sa kaniya ang Amo niya pero tuwang-tuwa pa raw sila sa akin kasi may babaeng sanggol na raw silang alagaan. Hindi pa raw kasi nanganganak yung asawa ng Amo ni Papa kaya hiniram muna ako. Sampung taon nanilbihan si Papa bilang bodyguard hanggang isang araw nagulat na lang ako na may humahabol sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero gusto nila kaming patayin dalawa ni Papa.” Napatigil agad ako sa pagsasalita ng bumalik na naman sa akin ang lahat. Sa kung paano kami tumakas, kung paano namin takasan ang kamatayan. Kung paano sa akin mawala si Papa, kung paano ako naging mag-isa sa buhay. Tanggap ko naman pero may mga pagkakataong sobra pa rin akong nasasaktan. “Kaya ayun po. Kaya dito ako napadpad kasi baka isa ka na po sa maging milagro ko para maging maayos na ang buhay ko.” Nakangiting saad ko kaya nagulat na lang ako ng guluhin niya ang buhok ko at sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. “I’m your miracle, Yngrid?” Paninigurado niya kaya ang kanina na kabang nararamdaman ay biglang nawala at napalitan ito ng maliit na ngiti at tumango sa sinabi niya. "Yes po Senorito, you're my miracle." Napasalita na rin tuloy ako ng english kaya natawa naman siya at tumango-tango. Nang maalala ko kung bakit naandito pala ako para magpasalamat ay muli kong inayos ang sarili ko at tumayo. Nakita ko namang nagtaka siya sa ginagawa ko. "Kaya po pala pinuntahan kita dito dahil gusto ko lang pong magpasalamat sa nangyaring pagligtas mo po sa akin noong isang araw." Nahihiyang saad ko kaya napatango naman siya at mahinang natawa dahil nahalata niyang nahihiya pa ako. “Sinabi po kasi sa akin ni Manang lahat. Kakauwi niyo lang po pala noong mga oras na iyon tapos narinig niyo pong nalulunod ako kaya hindi ka raw po nagdalawang-isip na iligtas po ako. Imbis na magpahinga po kayo ay pinili niyo pong iligtas ako sa bingit ng kamatayan.” Mahabang litaniya ko kaya nanlaki naman ang mata niya dahil sa narinig. Nakita ko pang namula ang tainga niya at napahawak sa batok niya na akala mo ay nahihiya dahil sa nalaman ko kay Manang. “Si Manang Lordes talaga. Sabi ko ay huwag ng ikwento sa iyo dahil baka mailang ka pa sa akin… pero wala ‘yon, Yngrid. Isa ka na rin sa mga kasama ko dito sa bahay kaya kailangan ko na rin kayong protektahan.” Paliwanag niya kaya napatango na lamang ako at mahina na ring natawa. Oo nga, Yngrid. Anong akala mo kay Senorito ay magkakagusto sayo porket niligtas ka lang niya? Asa ka, kahit gaano ka pa kaganda hindi ka magugustuhan ng Senorito dahil hindi ka niya kalevel. Amo mo siya, katulong lang ako. Ano nga naman ang laban ko sa mga mayaman na babae na nakapaligid kay Senorito. Wala. Kaya huwag ka ngang umasa na magugustuhan ka ni Senorito Devron. Siguro kapag pumuti na ang uwak, saka ka lang magugustuhan ng Amo mo. Sa ngayon wala kang pag-asa. “Sabagay nga naman po. Isa na rin po kami sa responsibilidad niyo po. Pero ‘wag po kayong mag-alala hindi na po talaga mauulit ang ganoong aksidente.” Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na akala mo ay nanunumpa sa harapan niya kaya napailing na lamang siya. Dahil nasisikatan ng araw ang mukha niya ay kitang-kita ko kung paano magningning ang mga mata niya habang tumatawa. Nakatitig lang ako sa mala-anghel niyang mukha, ang tawa niya ay parang isang musika sa tainga ko. At sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa nasaksihan. Delikado na. Kailangan ko ng mag-ingat sa Amo ko. Kaya palihim kong hinawakan ang tapat ng puso ko para pakalmahin. Umiwas na rin ako ng tingin dahil hindi ko na talaga kayang tingnan ang gwapong mukha ng Senorito. Pero halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng naamoy ko ang pabango ni Senorito. Hindi ko alam na nasa harapan ko na pala siya. Kaya dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at agad na nagtama ang mata naming dalawa. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya sa mga oras na ito, hindi ko alam kung saan siya masaya. Halos mawalan ako ng hangin ng bigla na lamang niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Magkadikit na nga ang ilong naming dalawa. Halos maduling na ako sa biglaang ginawa ni Senorito. Akmang lalayo na sana ako dahil baka may makakita sa amin at iba ang isipin. Dahil nahalata niyang lalayo ako ay mabilisan niyang inilagay ang isang kamay niya sa bewang ko dahilan para makaramdam ako ng libo-libong boltahe. Ano ba ‘tong ginagawa ni Senorito? Nasa matino pa ba siyang pag-iisip? Baka mamaya ay kung ano ang isipin ng makakita sa amin. Malalagot na naman ako. “Senyorito,” paos kong wika pero mariin lang siyang tumitig sa mga mata ko at matamis na ngumiti dahilan para manlambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang ay hawak-hawak niya ako kasi kung hindi ay baka kanina pa ako nakabulagta sa lupa dahil sa mga titig niya at nagawa niya sa akin. Nagpapasalamat na lamang ako dahil wala pang pumapasok sa garden at hindi kami naabutan sa ganitong sitwasyon. “Make sure that it will never happen again, Yngrid. You scared me to death.” Matapos kong marinig kay Senorito ‘yon ay alam kong sa sarili kong talo na ako. Tuluyan na akong nahulog kay Senorito. KINABUKASAN ay katabi ko si Gelene na nagpupunas ng mga pinggan sa lamesa. Habang inaayos ko naman ang mga ito ay bigla namang nagsalita ang katabi ko. “By the way may nakita pala ako kahapon. Kulang na lamang ay langgamin ako sa nakita ko.” Panimula niya kaya saglit lang akong tumingin sa kaniya at nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko. “Ano namang nakita mo? Sana tinawag mo ako para sabay naman tayong kiligin,” pagbibiro ko pero nagulat na lamang ako ng kurutin niya ako sa tagiliran. Mabuti na lamang ay wala si Manang dito, paniguradong papagalitan niya kami kapag nakita niyang nagkukulitan kaming dalawa ni Gelene habang nagta-trabaho. “Paano naman kita tatawagin kung kayong dalawa ni Senorito ang nakita ko kahapon. Kulang na lang sumali ako sa inyong dalawa dahil feel na feel ko ang pagiging single ng makita ko kayo Senorito. Umamin ka nga sa akin, Yngrid. May namamagitan ba sa inyong dalawa?” Nang marinig ko iyon ay muntik ko ng mabitawan ang pinggan na hawak ko. Mahina ko namang hinampas siya sa braso ng makaharap ako sa kanya. “Pinagsasabi mo?! Walang namamagitan sa amin. Kung ano man ang nakita mo, wala lang ‘yun.” saad ko kaya napairap naman siya. “Okay, sabi mo eh. Pero simula ng dumating ka dito ay marunong ng tumawa at ngumiti ang Senorito. Nakikihalubilo na rin siya sa amin kaso kapag kasama ka lang namin. At saka kapag naglilinis ka, napapansin ko rin na sa’yo lang siya nakatingin.” Mahabang litaniya kaya natigilan ako. Miski ako ay napapansin ko rin iyon pero ipinagsawalang bahala ko iyon dahil baka pinapanood niya lang ako kasi bago akong katulong dito. Baka binabantayan niya lang ako para masigurado niyang sulit ang ibibigay niyang sahod sa akin. Oo baka ganoon nga, Yngrid. Huwag ka munang makinig kay Gelene. ‘Baka pinapanood lang ako para malaman niyang sulit ang ibibigay niyang sahod sa akin. Kung ano-ano kasi ang naiisip mo. Baka kakapanood mo lang ‘yan ng k-drama.” Pagtanggi ko pero hindi siya nagpaawat at muling nagsalita. “HIndi, Yngrid! Miski kahit kausap ka niya ay kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya siya kapag kaharap ka niya. Hindi ko alam kung napapansin mo ‘yon o sadyang manhid ka lang talaga.” Aniya kaya natawa na lang ako. “Magpunas ka na lang ng pinggan.” “Yngrid, sa tingin ko. May gusto sa’yo ang Senorito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD