Yngrid
"TUMIGIL KA NGA DIYAN, GELENE." Bakas sa boses ko ang inis kaya nakasimangot na naman siya. Inirapan niya muna ako bago siya magpatuloy.
“Anong tigilan? Iyon talaga ang nakikita ko sa inyong dalawa ni Senyorito. Para talagang may spark,” kinikilig niyang saad kaya napailing na lamang ako.
“Nasobrahan ka lang sa lamig ng aircon, Gelene, At saka anong spark? Ano? Kuryente ba kaming dalawa para magkaroon ng spark?” Nakuha ko pang magbiro kaya napasigaw na lamang ako ng kurutin niya ako sa tagiliran.
“Yngrid hindi ako nakikipag-biruan sa iyo. Kahit maid ka dito ay bagay na bagay kayo ng Senyorito. Siguro mayaman ka lang talaga pero nagkaroon ka ng amnesia kaya akala mo ay mahirap ka at napadpad dito para magkapera. Pero ang hindi mo alam ay ang Amo mo pala ang tutulong sa iyo na maalala ang lahat dahil mahal niyo pala dati ang isa’t-isa bago ka magka-amnesia.”
Malakas akong napatawa dahil sa sinabi niya. Kulang na lamang ay mabitawan ko ang pinggan na hawak ko dahil nanghihina ang kamay ko. Siguro kung may nakakarinig man sa akin ay iisiping nababaliw na ako.
Paano ba naman kasi itong katabi ko. Siguro ay nasobrahan ito sa panonood ng mga drama at napagkamalan pa akong may amnesia. Kaya huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Minsan nga itigil mo nga 'yang kakapanood mo ng drama at mga movie. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo, eh." Naiiyak kong saad dahil pinipigilan ko ang tumawang muli.
"Sus, kaya ka lang ganiyan dahil totoo ang sinasabi ko. Paano kung napunta ka pala dito para paibigin ang Senyorito." Naging mapanuri ang mga mata niya kaya napahinga na lamang ako ng malalim.
"Ewan ko sa'yo, Gelene. Tapusin na natin 'to dahil baka abutan tayo ni Manang at mapagalitan pa tayo." Utos ko kaya wala na siyang nagawa kudi bumalik sa ginagawa niya. Sakto namang pumasok si Manang na may dalang kurtina.
"Nandiyan ka pala, Yngrid. Makikisuyo nga muna ako. Tutal ikaw ang medyo matangkad sa mga maid ay ikaw muna ang magkabit ng kurtina sa kwarto ng Senyorito." Utos ni Manang dahilan para bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko.
"Bakit po ako?" Parang tanga kong sagot kaya nakasimangot na naman si Manang sa narinig. Lagot 'di yata nagustuhan ni Manang ang sinabi ko.
"Bakit ikaw? Dahil ikaw lang ang matangkad dito sa atin. Kaya, sige pumunta ka na sa kwarto ni Devron!" Pagtataboy niya sa akin at basta na lamang binigay sa akin ang kurtina kaya wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ito.
Si Manang naman. Kung kailan gusto kong iwasan ang Senyorito, siya naman 'tong pinaglalapit kaming dalawa. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa elevator ay napapatingin sa akin ang ibang katulong kaya huminga na lamang ako ng malalim.
Alam kong maganda ako, pero sana naman ay 'wag nilang ipahalata. Masyadong nakakahiya kapag pinagtitinginan ako. Baka mamaya ay iba na pala ang iniisip nila sa akin. Nang tumigil na ang elevator sa third floor ay lumabas na ako. Habang tinatahak ko naman ang daan patungo sa kwarto ng Senyorito ay grabeng panlalamig naman ang nararamdaman ko.
Kaya kahit gusto kong tumakbo palayo ay nandito na ako sa harapan ng kwarto niya ay pinindot ko na ang intercom para magsalita.
"Senyorito si Yngrid po ito. Magpapalit po ako ng kurtina sa kwarto mo." Saad ko at wala pang isang minuto ay narinig ko na ang pagpihit ng door knob at bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ng Senyorito.
"Oo nga pala. Pasok ka na," nakangiting saad niya kaya umiwas ako ng tingin at naramdaman ko naman ang pagsara niya ng pinto dahilan para manlamig ako.
Yngrid, umayos ka nga. Wala namang gagawing masama sa'yo ang Señorito kaya 'wag kang magpahalatang naiilang ka. Kaya nilagay ko ang kurtina sa isang upuan at tumuntong ako sa isang upuan para tanggalin ang isang kurtina na nakasabit sa veranda.
"Tulungan na kita, Yngrid. Baka mahulog ka pa." Saad ni Señorito at naramdaman ko na lamang na katabi ko na siya dahil amoy na amoy ko ang paborito niyang pabango.
"Mahirap pa naman kapag nahulog ka tapos hindi ka pa nasalo," dagdag niya pa dahilan para matawa ako. Marunong palang humugot ang Señorito.
May nanakit kaya dito?
"May nanakit ba sa'yo, Señorito?" Biro kong tanong kaya natatawa naman siyang umiling.
"Wala. Gusto lang kitang patawanin. Masyado ka kasing seryoso, hindi lang ako sanay." Sagot niya kaya naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
Yngrid, pigilan mo ang sarili mo. Huwag kang kiligin. Amo mo 'yan, amo mo 'yan.
"Ganun po ba?" Natatawa kong saad pero mas natawa pa ako ng ngumiwi siya at kumunot ang noo.
"Pwede bang huwag kang opo ng opo diyan. Ilang taon lang yata ang tanda nating dalawa. At saka, Devron na lang ang itawag mo sa akin," saad niya habang kinakabit ang kurtina kaya nanlaki ang mata ko.
"Hala, huwag na Señorito. Masyadong feeling close na ako kapag pangalan mo na ang tinawag ko sa'yo," pagtutol ko pero umawang lang ang labi niya at tumaas ang kilay dahil say narinig.
Lord, bakit ba kasi ang gwapo ng Amo ko? Ang hirap pigilan ang sariling magkagusto sa kaniya, kainis.
"Anong feeling close? Close naman tayo, ah." Paninigurado niya kaya naman natulala ako sa sinabi niya at napa-isip.
Luh, kailan pa kami naging close nito? Bakit hindi ako nainform.
"Eh? Close tayo?" Hindi ko na mapigilang saad at halos mahulog ako sa upuan ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Mabuti na lamang ay mabilis ang kamay niya at nahawakan agad ako sa bewang.
"Oo, ganito ka-close." Nakangising saad niya at napasinghap na lang ako ng lalo niya pang ilapit ang mukha niya sa akin at ilang dangkal na lamang ay magdidikit na ang labi naming dalawa.
Yngrid, 'wag kang malandi diyan! Itulak mo ang Señorito!
Sigaw ko sa isipan ko pero ayaw sumunod ng katawan at utak ko. Parang gusto pa nito ang ginagawa sa akin ni Señorito ngayon.
"Señorito, bababa na po ako. Tapos na nating palitang ang kurtina mo." Dahilan ko pero bago niya pa ako pakawalan ay mariin niya pa akong tinitigan at napasigaw na lamang ng buhatin niya ako at sabay kaming bumaba sa upuan.
Mabilis naman akong bumitaw sa pagka-kayakap sa kanya ng marinig kong may kumakatok sa pintuan niya at narinig ko ang boses nito sa intercom.
"Devron, si Storm 'to. May sasabihin lang ako sa'yo."Rinig kong saad ng baritonong boses kaya dali-dali kong pinulot ang mga kurtina at humarap kay Devron na ngayon ay pinapanood ang bawat kilos ko.
"Aalis na po ako, Señorito. Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan ka."
Matapos kong sabihin 'yon ay hinawakan ko na ang seradura ng pinto at nagkagulatan pa kami ng taong nasa harap nito. Naging mapanuri ang mata niya ng makita niyang kasunod ko si Devron at nasa likod ko.
"Ah, nakakaistorbo yata ako sa ginagawa niyong dalawa," natatawang saad niya kaya nanlaki ang mata ko dahil mali ang naiisip niya sa mga oras na ito.
Sinasabi ko na nga ba, eh. Dapat talaga nagpasama ako kay Gelene na magkabit ng kurtina para hindi kami paghinalaan kapag kaming dalawa ni Devron ang magkasama.
“Nagpalit lang kami ng kurtina.”
“Tinulungan ko siya sa pagpapalit ng kurtina, Storm.”
Sabay naming saad ni Devron kaya tumango naman si Storm at ngumiti. “Biro lang ‘yon. Sige, pwede ka ng dumaan,” aniya kaya tipid akong ngumiti. Hindi na ako lumingon pa dahil ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ni Devron.
Nang makasakay ako sa elevator ay saka ko lang napansin na nanginginig pala ang kamay ko at hanggang ngayon ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango ni Senyorito dahil sa malapit lang siya sa akin.
Yngrid, sinasabi ko sa’yo. Pigilan mo ‘yang nararamdaman mo sa Amo mo. Hangga’t kaya mong iwasan ay iwasan mo. Lalapit ka lang kapag tinawag ka. Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng sumulpot si Gelene sa harapan ko habang inilalagay ko ang kurtina sa basket.
“Anong ganap sa inyo ni Senyorito, be?” Pang-uusisa niya kaya hindi ko na maiwasan ang mapairap at harapin siya.
“Wala, walang nangyari.” Pinal kong saad pero naningkit lamang ang mata niya na parang hindi siya naniniwala sa akin. “Wala nga, Gelene. Tinulungan lang ako ng Senyorito na magpalit ng kurtina niya.” Dugtong ko pa kaya napatango naman siya.
“Edi nakasara ang pinto sa kwarto ni Senyorito habang nagpapalit kayo?”
Nanlaki ang mata ko sa naging tanong niya. Dahil doon ay bumalik na naman ang nangyari kanina. “Hindi! Bakit naman isasara ni Senyorito ang kwarto niya? Edi maraming nag-iisip na may iba kaming ginagawa.”
Pagsisinungaling ko kaya tumaas naman ang kilay niya at napatango. Nang maalala kong may lalaking pa lang pumunta dito ay nangalumbaba ako at tinanong siya tungkol sa lalaking kausap ni Devron.
“Oo nga pala, sino ‘yung lalaki na dumating?” Kilala mo ba?”
“Si Storm ‘yon, kaibigan ni Senyorito. Napaka-walang hiya ng lalaking ‘yon. Lagi ako ang trip kapag nakikita niya ako.” Gigil niyang saad kaya natawa naman ako at siya ang biniro.
“Baka naman kasi may gusto sa’yo, Gelene.” Pagbibiro ko at nakita ko namang natigilan siya at namula. Agad akong napaiwas ng hahampasin niya ako sa braso.
“Hindi, ah! Talagang trip niya lang ako at saka imposibleng may magkagusto sa akin, ‘no?”
“Maganda ka kaya. Bakit hindi mo nakikita na maganda ka, Gelene?” Pang-uusisa ko pero ngumuso lang siya sa likod ko kaya naman nagtataka akong sinenyasan siya.
“Bakit?” Bulong ko pero pinanlakihan niya ako ng mata na parang pinapahiwatig niya na tumingin ako sa likuran niya na ginawa ko naman.
“Senyorito,” sabay naming bati ni Gelene na ngayon ay kasama si Storm at nakatitig lamang kay Gelene na ngayon ay parang bulate sa tabi na inasinan dahil ‘di siya mapakali.
“Mukhang nagkakatuwaan kayong dalawa. May ginagawa pa ba kayo?” Tanong niya kaya nagkatinginan muna kami ng katabi ko na ngayon ay bakas na rin sa mukha niya ang pagtatakha.
“Wala na po Senyorito. Pahinga lang po kami ngayon.” Ako na ang sumagot at saglit akong natulala ng ngumiti siya at marahan hinawakan ang kamay ko.
Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay nakaramdam ako ng paro-paro sa tiyan ko. May kakaiba akong nararamdaman ng hawakan niya ang mga kamay ko. Nang matauhan ako dahil may nanonood sa amin ay balak ko sanang bitawan ang kamay niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit.
“Huwag mong bitawan ang kamay ko, Yngrid.” Kalmado niyang saad dahilan para magharumentado ang puso ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti na gustong lumabas sa labi ko.
Pakiramdam ko ay iba ang pinapahiwatig ni Devron sa mga salitang ‘yon. Kaya imbis na sundin ko ang utak ko na bitawan ang mga kamay niya ay mas sinunod ko ang puso ko at hindi nga binitawan ang kamay nya.
Ano bang nangyari sa’yo, Yngrid?
“Sumama ka sa akin may pag-uusapan tayo,” aniya at bago kami umalis ay tumingin naman siya kay Storm at Gelene na ngayon ay pinapanood ang bawat kilos namin. “Gelene, sumama ka kay Storm may pag-uusapan kayong dalawa.” Dugtong niya pa at tuluyan na akong hinigit kung saan.
Habang hinihila ako ni Senyorito kung saan ay nakatitig lang ako sa mukha niya. Sobrang gwapo niya talaga kaya ‘di na ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Masungit na gwapo. Umiwas na lang ako ng tingin ng tumitig siya sa akin at napansin kong nasa garden pala kaming dalawa.
Nang tumingin ako sa likod ko para tingnan kung nasaan si Gelene ay Storm ay nagtaka na lamang ako dahil wala silang dalawa. Nasaan na kaya ‘yon? Saan sila nagpunta?
“Yngrid.” Inagaw ni Devron ang atensyon ko at ngayon ko lang napansin na hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya. Kaya naiilang ko itong tinanggal at matapang na sinalubong ang mga mata niya na ngayon ay parang natutuwa pa siya sa ginawa ko.
“Ano po pa lang pag-uusapan natin, Senyorito?”
“Hindi ba na sinabi ko sa’yo na Devron na lang ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang,” saad niya kaya napakamot naman ako sa batok ko dahil hindi pa rin ako komportable na tawagin siya sa mismong pangalan niya.
Masyado siyang mataas para sa akin para tawagin ko siyang ganoon.
“Hindi na kailangan ‘yon Se-” Pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng paglapat ng daliri niya sa labi ko.
“Kapag hindi mo ako sinunod, hahalikan kita Yngrid?” Banta niya kaya mabilis akong umatras at napahawak ako sa bibig ko. Baka mamaya ay bigla niya ngang gawin ang sinasabi niya.
“Gagawin mo talaga ‘yon?” Hindi ko na maiwasan tanungin siya kaya mahina naman siyang tumawa at ngumisi.
“Oo, gusto mo ba? Gagawin ko talaga ‘yon?” Sagot niya dahilan para natulala ako at pekeng tumawa. Huwag kang paapekto Yngrid. Palabiro talaga ‘yang Amo mo, baka nasobrahan lang siya sa lamig ng aircon kaya nasabi niya ‘yon.
“Ano ang pag-uusapan natin, Devron?” Seryoso kong saad kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang saya sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit siya masaya, hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit kumikislap ang mga mata niya.
“Damn, ang ganda pa lang pakinggan kapag ikaw na ang nagsabi ng pangalan ko. By the way, gusto kitang isama sa party.”
Nang marinig ko ‘yon ay umawang ang bibig ko sa gulat at saglit siyang tiningnan kung nagbibiro ba talaga siya pero lumipas ang ilang minuto ay wala ng akong narinig sa kanya.
Party? Kaninong party?