Yngrid NAPASINGHAP na lang ako ng hawakan niya ako sa kamay kaya mabilis naman itong inalis ni Devron kaya dito naman napatingin ang lalaking muntikan ng sumira sa buhay ko. Napangisi siya at mas lalo pang lumapit kaya hindi ko naman maiwasan ang mapasigaw sa sobrang takot kahit pinoprotektahan naman ako ni Devron. “Yngrid, gusto ko lang naman ulit mahawakan ang makinis at malambot mong balat. Ayaw mo pa rin o siguro ay may nakahawak na kaya ayaw mo naman sa akin,” mapang-asar niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin at ng akmang sasampalin ko na sana siya sa mukha pero naunahan ako ni Devron dahil mabilis niya itong kinwelyuhan. “Anong sabi mo sa girlfriend ko?” Mapanganib ang boses ni Devron dahilan para manlamig ako pero itong lalaking na kaharap niya ay ngumisi lamang at muli a

