Kabanata 22: Danger

2113 Words

Yngrid "LAKAD!" Mariing sigaw niya habang nakatutok pa rin ang baril niya sa likod ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil kung hindi ay baka malamig na akong bumulagta dito sa kagubatan. Palaisipan pa rin sa akin kung paano kami nasundan ni Kalista dito sa beach, hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito kaming dalawa ni Devron at kung paano niya kami nahuli. Palihim na lamang akong napakagat labi ng itulak niyang muli ako kaya nadanggil sa isang sanga ng puno ang binti ko at dumugo ito. Gusto ko sana siyang samaan ng tingin at sigawan pero pinigilan ko dahil may armas siya habang ako naman ay wala. Ilang minuto pa kaming naglalakad dito sa masukal na gubat at ngayon ko lang napansin na may isang maliit na kubo don at halos mapasubsob ako sa lupa ng malakas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD