Yngrid MATAPOS ang gabing iyakan at usapan namin ni Devron ay nagdesisyon muna siyang pumunta sa organization at kumpanya para ayusin at asikasuhin ang dapat unahin. Kasama ko ngayon si Iris pero hindi ko alam kung nasaan na namang lupalop ang babaeng ‘yon. Nagdesisyon muna ako sa garden tumambay para makalanghap ng sariwang hangin, hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa rest house ni Devron pero mas lalong dumoble ang security. Pero kahit ganon ay nag-iingat pa rin kami dahil kahit anumang oras ay maaari na namang sumugod ang mga kalaban. “Lalim naman ng iniisip mo, Yngrid,” saad ng kung sino at ng tingnan ko kung sino ito ay si Iris pala na may dalang juice at ibinigay ang isa sa akin na malugod ko namang tinanggap. Nang umupo siya ay pinagkakatitigan niya muna akong mabuti kaya

