Yngrid MASAKIT ang balakang at ang gitnang bahagi ng katawan ko ng magising ako. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na pumapasok sa loob ng kwarto dahil tanging ang puting kumot lang ang tumatakip sa hubad kong katawan. Sinalag ko ang init ng araw na tumatama sa mukha at ng tingnan ko ang orasan ay nanlaki ang mata dahil alas-onse na ng umaga. Ganoon ba ako kapagod sa ginawa namin kagabi kaya ganitong oras na ako nagising. Kasalanan ‘to ni Devron, anong oras na ako tinigilan. Kahit masakit pa rin ang gitnang bahagi ng hita ko ay pilit kong bumangon at ng akmang itatapak ko na sana ang paa ko sa sahig ay sumidhi ang sakit na nararamdaman ko kaya hindi ko na mapigilan ang mapaupo ulit at maiyak sa nararamdaman ko. Sobrang sakit talaga. Kasalanan talaga ‘to ni Devron, nang dahil sa

