Yngrid NAGTAYUAN ang balahibo ko ng makita ko ang mga tao sa simbahan. Kahit iilan lang sila ay kitang-kita naman ang saya sa mga mata nila. Nagulat naman ako ng may tumabi sa akin at ng tingnan ko ito ay tuluyan na akong naiyak dahil sa lahat ng taong makakasama ko ngayon ay si Manang na hindi ko narinig ng kahit anumang salita. “M-manang,” naiusal ko na lamang at pinahiran niya ang luha ko na ngayon ay tuloy-tuloy ang pagdaloy pero mas lalo pang nanlambot ang tuhod ko ng yakapin ako ng Mama ni Devron ngayon ay naiiyak na nakatingin sa akin. Ibig sabihin ay alam na pala nila ang plano ni Devron at ako na lang ang hindi nakakaalam. Mukhang ako yata talaga ang may araw ngayon at hindi si Devron na ngayon ay nasa unahan at katabi si Mr Montecillo na nababakas rin ang saya sa mukha. “Ma’

