CHAPTER 1
Chapter 1
Tunog ng telepono ni Joy ang gumising sa kanya.
Pikit matang sinagot niya ito
"Hello".
"Hello, may I speak to miss Samantha Joy Castro?"
"Speaking po, sino po ito?"
"This is Cathy Samson, head nurse of Saint Jude General Hospital.
I'd like to inform you that you are hired. Report today at exactly ten am for final briefing and orientation."
Dahil sa pagkabigla hindi makapag salita si Joy.
"Miss Castro are you still there?"
Bigla namang natauhan si Joy.
"Y-yes mam. Thank you po I'll be there po at exactly ten am. Thank you so much po."
Agad namang nagpaalam ang head nurse. Napatili sa excitement at tuwa si Joy, siyang pagka gising ng kaibigang si Jane na kasama niya sa isang kwarto.
"May sunog!?" bumlikwas si Jane
"Wala beshy ano ka ba".
"Eh bakit ka sumisigaw?"
"Beshy hired na ako sa in-apply-an kong ospital!." Masayang pagbabalita nito.
"Talaga congrats beshy masaya ako para sa'yo." niyakap nito ang kaibigan
"Salamat beshywap. Sige tuloy mo na 'yong naudlot mong tulog pasensya na."
Nag peace sign ito kay Jane. Nang maka graduate ang dalawa sa kolehiyo ay nag apply si Jane bilang isang call center agent. Samantalang si Joy ay pinili ang magtrabaho sa cafe na pinasukan noong nag aaral pa ito. Habang nag re-re-view hanggang sa makapag take ng board exam ay nagtrabaho muna ang dalaga doon. Noong lumabas ang resulta ng exam ay isa siya sa mga mapalad na pumasa. Agad siyang nag apply sa ospital at ito nga ay tanggap na si Joy. Unti-unti nang matutupad ang mga pangarap niya. Kikita ng mas malaki at mapapatigil na niya ang kanyang ina sa paglalabada. Dalawa na lamang silang mag-ina sa buhay. Iniwan sila ng kanyang ama noong pinagbubuntis pa lamang siya. Nang makatungtong sa kolehiyo nagpumilit siyang magtrabaho habang nag-aaral sa kagustuhang makatulog sa ina. Pumapasok sa University sa umaga at nagtatrabaho sa isang cafe sa hapon hanggang gabi. Kailangan niyang kumayod dahil hindi biro ang gastusin ng isang nursing student. Sa cafe na rin niya nakilala si Jane.Galing probisya lumuwas ng syudad para makipagsapalaran upang maipagpatuloy din nito ang pag aaral. Pareho sila ng pinapasukang unibersidad . Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at kasama narin nilang nakatira sa kanilang inuupahang bahay hanggang ngayon. Nakikihati ito sa gastusin at bayarin na mariing tinututulan ni aling Marina dahil nagpapadala pa ito sa pamilya sa probinsya ngunit mapilit ang dalaga.Kapatid na ang turingan ng dalawa at inari na ring tunay na anak ni aling Marina si Jane.
Nagtungo si Joy sa kusina at nabungaran ang ina na maghahain ng almusal
"Good morning inay." niyakap ni Joy ang kanyang ina.
Gumanti naman ng yakap ang kanyang ina " mag maganda ka pa sa aga anak."
"Inay may good news po ako. Nay tanggap.na po ako sa inaplayan kong ospital." Masayang pagbabalita sa ina.
"Talaga anak naku salamat sa Diyos anak matupad mo na Ang mga pangarap mo."
"Pangarap natin inay natin. Nay kapag po sumahod na ako pwede po bang dumito nalang kayo sa bahay. Tumigil na po kayo sa paglalabada ako nalang po ang magtratrabaho para sa atin."
Agad kumunit ang noo ni aling Marina "anak wag mo akong alalahanin, malakas pa ako kaya ko pang magtrabaho mas lalo lang akong magkakaksakit kapag nasa bahay lang ako".
"Pero inay-"
"Wala ng pero pero nanay mo ako kaya sundin mo ako. Alam mo anak ang kailangan mong gawin mag ipon ka para sa kinabukasan mo para mabili mo lahat ng gusto mo ok?"
Tumango na lamang si Joy at napabuntong hininga. Alam niya na sa usaping ito ay talo siya.
Nagpatuloy na sila sa pagkain.
Nang matapos ay minadali na siya ng kanyang inay "Anak bilis bilisan mong gumayak at baka malate kapa"
"Nay ang aga pa po at kahit lakarin ko Ang Saint Jude hospital hindi ako male late".
"Anak baka matraffic."
"Inay ilang kilometeo lang Ang layo natin saispital wag kang OA ok".
"Excited lang anak" at nagkatawanan ang mag ina.
"Welcome to Saint Jude General Hospital nurse Joy" bati na head nurse na si Miss Cathy
"Thank you po nurse Cathy". Joy
"Walang anuman iyon. If you need anything or may mga katanungan ka feel free to ask me ok?"
"Opo salamat po"
"See you tomorrow nurse Joy"
"See you po. Bye po" pagpapaalam ni Joy
Palabas na siya ng hospital ng makasabay ang isang lalaki na sa hinuha niya ay nurse din ito. Well built ang katawan hindi katangkaran, moreno at medyo singkit ang mata. May taglay na kagwapuhan ngunit hindi naman siya naaakit.
"Are you done checking me Miss?"
Nagulat naman si Joy sa pagsasalita ng lalaki na nasa harapan na pala nito.
Aba ang presko anang isip ng dalaga
"Hindi naman, bago lang kasi ako dito."
"Talaga? By the way I'm Red Natividad and you are?"
"I'm Joy Castro. Bagong hired na nurse dito."
"Really? Nurse din ako dito" nakangiting tugon ni Red.
"Oo nga eh kita ko djan sa suot mo." Pambabara ng dalaga sabay ikot ng mata nayayabangan siya sa asta binata.
"Pauwi kana ba Joy hatid na kita".
"Ah hindi na dadaanan ko pa kasi yung uniporme ko." pagdaahilan niya.
"Ah ganun ba ok see around then. Nice meeting you
pagpapaalam ni Joy sa binata
Naging magaan ang mga araw ni Joy sa pagpasok sa ospital. Pagod man ngunit masaya parin ang dalaga dahil marami siyang natutulugan at maalagaan Lalo pa't sa Pedeatric ward siya nakaduty. Mahilig siya sa mga bata at nakakawala ng pagod kapag nakikita niya ang mga batang pasyenteng nakangiti at nagpapasalamat sa kanya.
Hindi man maganda ang simula ng pagtupad niya sa kanyang pangarap, masasabinniyang nakayanan niyang Maka survive sa buhay. Yung pagod niya ngayon ay hindi pa nangangalahati sa mga dinanas niya noong nag aaral pa siya. Ginawa niyang motivation ang hirap ng buhay para matupad ang mga pangarap para sa kanilang mag ina. Iginapang nilang mag Ina Ang kanyang pag aaral, at ngayon ay isa na talaga siyang ganap na nurse.
Balang araw makakabili din ako ng sarili naming bahay, makakain ng masasarap na pagkain, makakabili ng magandang damit, mag iipin din ako para makapag travel din kami ni inay sa Iibang lugar.
Hindi rin niya maiwasang isipin Ang kanyang ama.
Kumusta na kaya siya.
Ayon sa kwento ng kanyang ina ay hindi alam ng kanyang ama na buntis si aling Marina nang iwan siya nito kaya hindi siya hinanap, marahil ang alam din nito ay nagkaroon na ng sariling pamilya ang
kanyang ina. Hindi naman siya nawawalan ng pag asa na makikita muli ang kanyang ama sa tamang panahon. Tulad ng iba ay nasasabik din siya sa pagmamahal ng isang ama. Dalangin niya sa panginoon na sana hindi maranasan ng kanyang magiging mga anak ang naranasan niyang hirap noong kabataan niya. Sana makatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng lubos at pahahalagahan ang pamilyang bubuuin. Hindi sasaktan ang isa't isa, magkaagapay at magdadamayan sa hirap at ginhawa. At higit sa lahat sana makatagpo siya ng gwapo at hot na fafa.
Kalma mo mani mo self
Sita niya sa sarili.
Sa ospital may bagong admit na batang babae edad lima. Nagkaroon siya ng allergy sa katawan dahil nakakain daw ito ng sugpo. Hindi siya mapatahan ng kanyang Yaya kaya nilapitan niya ito.
"Hello baby what is your name and why are you crying?" panimula niya.
"I'm Chelsea, it's very itchy." sagot naman ng batang umiiyak.
" I am ate Joy, don't worry baby it will gone later."
"Hindi ko na nga po mapatahan mam kanina pa po nag iiyak." sabat ng kanyang Yaya.
"Kusa pong mawawala yan ate kapag tumalab na po yung gamot na itinurok sa kanya." sagot naman ni Joy. Kinausap niya ulit ang bata para aliwin ito.
"Baby do you want to play?". Agad tumahan ang bata at namilog ang mga mata.
"Do you have toys?"
"Yes we have. Wait I'll get it." agad namang kumuha ng laruan si Joy may mga laruan sa pediatric ward para sa mga bata.
"Here."at ibinigay ang mga dolls na kinuha. Nilaro muna niya ang bata anyway patapos na ang duty niya. Humihikab na ang bata marahil ay tumalab ng ang gamot na itinurok para sa kanyang allergies.
"Ate nasaan po ang parents niya?". tanong ni Joy sa yaya ni Chelsea.
"Naku nasa ibang bansa po may business trip, Lolo po niya ang kasama namin sa bahay. Nagpumilit pong kumain ng seafood kaya inatake ng allergy.". paliwanag ng yaya.
"Ah ganun po ba. Asan po yung lolo ng bata?.
"Nasa labas po inaayos yung papers ni Chelsea.". sagot ng yaya ng bata. Saktong pagpasok naman ng isang lalaking matangkad na ang tantiya ay nasa mid fifties na ito.
"Ana kumusta siya?"
"Nakatulog na po sir. Iyak po ng iyak kanina buti nalang napatahan po ni mam Joy.
Napatingin siya sa matanda at maging ito ay napapatitig din sa kanya na tila nagulat.
Nagtaka naman si Joy sa inasal ng matanda.
"Thank you miss Joy. By the way I'm Sandro Delos Santos Lolo ni Chelsea." pagpapakilala ng matanda
"Joy po-" hindi naituloy ni Joy ang sasabihin ng tawagan siya sa intercom for emergency.
"Sige po nice meeting you po." Tumango ang matanda, dali dali namang lumabas ang dalaga papunta sa nurse station.